The other way around (7)

Start from the beginning
                                    

May papasok sanang staff sa loob ng tent pero nasenyasan na ito ni Chynna na wag muna. Sila nalang dalawa ngayon ang nasa loob ng tent at umiiyak nga si Glaiza.. Nang medyo mahimasmasan ito e nakuha din nitong magsalita.


"Eto yung sinasabi ko Chynna. Eto yung kinatatakutan ko." Sinabi niya sa pagitan ng bawat hikbi. "Lagi mong sinasabi sakin na nagooverthink lang ako pero eto na Chynna. Eto na nangyayari na nga. Obvious naman siguro na sila na ulit nung boyfriend niya kung ganun. Pero bakit hindi man lang niya ko kinausap?! Anong ibig sabihin ng lahat?! Pinaasa lang ba niya ko?! Ang sakit sakit.."


"Glaiza... Sa tingin ko... Siya muna tanungin mo ng mga yan ngayon.. Sorry.. Pero narinig niya na ata yung nga sinabi mo.."

Nabigla si Glaiza at kahit medyo blurd pa rin ang paningin niya dahil sa luha, nakita niya ang reflection ng isang taong hindi niya alam kung gusto niya bang makita ngayon..


Nakatayo ito at nakatingin ito sa kanya ngayon. Sigurado siyang hindi ito masaya. Siguro dahil narinig na nga nito ang mga sinabi niya.

"Uhmm.. Siguro maiwan ko muna kayong dalawa. Ako na bahala magbantay ng tent sa labas. Ako nalang din bahalang magdahilan pag nagtanong sila. Magusap kayo ng maayos please.." Seryosong sabi ni Chynna at umalis na siya.

Naiwan si Glaiza at Rhian na nagkakailangan pa kung sinong unang magsasalita. Naririnig pa rin ang singhot ni Glaiza galing sa pagkakaiyak.

"S-sorry..." Lumapit si Rhian kay Glaiza pagkatapos niyang sabihin yun. Umupo siya sa inupuan ni Chynna kanina. Tatayo sana si glaiza para iwasan siya pero hinawakan niya ang braso nito at sinabing, "Please... Please makinig ka muna.."

Naglook away si Glaiza.. May tumutulo pa ring luha sa mga mata niya. "Alam mo Rhian, okay lang. Bakit ka nagsosorry? Wala naman to e." Ngumiti siya ng sarcastic tsaka tumingin kay Rhian. "Wala lang dapat to diba? Ewan ang OA ko lang ata.. Hindi ko dapat nararamdaman to eh.." Naglook away nanaman siya.

"Totoo pala talaga yung sinabi mo sakin nung nasa Condo tayo." Mahinahon si Rhian.. Ayaw niyang lumaki pa ito. Lalo nat si Glaiza to. Ayaw niyang masira yung nabuo na nilang samahan.

"Hindi Rhian.. Joke lang yun. Galing ko magjoke no? Pwede ko ng paltan yung joker sa Batman." Sarcastic na pagkakasabi ni Glaiza.

Rhian exhaled, "I'm sorry.. I'm sorry Glaiza natakot ako."

"Pwede ba Rhian wag mong gamitin dito yung lines ni Jade Tanchingco?! Totoong buhay to. Sa Palabas natin, natakot din si Jade na ipaglaban si Althea. Wag mo siyang gayahin Rhian nasa totoong buhay tayo!"

"Totoong natakot ako Glaiza!! Nung umamin ka sakin nung nasa Condo tayo, alam ko na there's something wrong. I mean yung mga words na di ko na rin napigilang sabihin nasabi ko sayo. I don't know baka dahil nagiging obvious na rin ako sa sarili ko. I'm so sorry pero to be honest isinawalang bahala ko yun kasi I thought jinojoke mo lang talaga ako or hindi ka seryoso. I'm so sorry pero wala talaga akong intensyon na saktan ka.." Medyo napapaiyak na din si Rhian sa confessions niya.

Glaiza looked at Rhian. "Rhian sabihin mo sakin kung anong meaning nung Girlfriend. Nung pagsstay mo sa condo ko. Yung iloveyou's. Yung mga yakap. Yung mga sweet text messages and tweets. Ano yun Rhian?! Ha? Pinaasa mo lang ba ko? Hindi ba yun totoo?! Please sabihin mo naman sakin!"

"I'm sor--"

"Sabe ko na nga ba e." Di pa tapos magsalita si Rhian pero nagsalita na siya. "Sabe ko na nga ba baka hindi totoo ang lahat ng yun e. Asang asa ako dun ha. Akala ko totoo yun Rhian. Infairness napaniwala moko sa mga yun." Nakangiti si Glaiza pero alam naman siguro ni Rhian na fake yun. "Ang galing mong magpaasa. Takbuhan mo lang pala ako nung wala yung boyfriend mo. Tapos ngayong nagkabalikan na kayo syempre naman mas pipiliin mo yun. Babae ako. At closefriend slash bestfriend mo lang ako. Girlfriend. Ang tanga ko no? Bat diko agad naisip na pwedeng maging meaning ng Girlfriend ay Babaeng kaibigan? Ang tanga ko." Napapaluha nanaman si Glaiza. Hindi niya alam pero ang bigat talaga ng pakiramdam niya.

"Glaiza.. You don't understand.."

Tumayo na si Glaiza at pinunasan na ang pisngi niya. "Tapos na Rhian. Balik na tayo sa dati. Wala ng Girlfriend Girlfriend ha. Lakas kasi magpaasa. Wala na ring yakap, i love you's tsaka sweet messages. Pampalito kasi ng preference. Sorry kung naging totoo lang ako sa sarili ko Rhian. Sorry kung nasabi ko yung tunay kong feelings. Sorry." Tapos aalis na sana siya nang magsalita si Rhian.

"Di mo ba talaga ako hahayaang sabihin na di naman kami nagkabalikan ng ex ko?!"

Literal namang napastop si Glaiza sa sinabing yun ni Rhian and She decided na pakinggan pa ang mga sasabihin nito.

Nahalata naman yun ni Rhian so She stood up and continued, "Di kami nagkabalikan Glaiza. Kung nakita mo kami kanina, wala yun. Tinanggap na niya na ayaw ko na. Sinabi ko na rin sa kanya na ayaw ko na. Sabi niya wala naman siyang choice kaya kung pwede daw magstay nalang kami bilang magkaibigan. So pumayag ako. He asked me pa kung may bago na daw and... And.." Bigla siyang napastop bago sabihin ang susunod.. "..Am I crazy kung.. Kung yung name mo yung sinabi ko sa kanya? Name mo yung... Biglang lumabas sa bibig ko.."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now