Fear 7 : Flying Pigs

Magsimula sa umpisa
                                    

Nararamdaman kong nakatingin sa amin si Travis pero hindi ko nalang siya pinansin. Baka mainis  lang ako lalo kapag nakita kong iniirapan na naman niya ako.

Muli kaming nagtitigan ni Peter. Yung tipong halos makita ko na ang sariling repleksyon ko sa mga mata niya. Bigla siyang napa-smirk "I know what youre thinking" mahinang bulong niya

"Weh? ano naman?" tanong ko sa kanya habang naka-smirk din.

"Ang gwapo ko no?" mahinang bulong nito at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

*Gulp*

Bigla akong kinabahan sa ginawa niya kayat napaatras ako sa kinauupuan ko. Bigla akong nailang sa kilos niya. Napasinghal nalang ako upang ipakita sa kanyang hindi ako natitinag. "I...ikaw gwapo? tssss... asa ka pa?" 

*Riiing*

biglang tumunog ang bell hudyat na next subject na kayat napangiti agad ako. "Times up Pervert , I win again" mahinang bulong ko

narinig kong nagsitayuan na ang lahat ng mga kaklase namin pero si Peter ay parang walang balak na tumayo.

bigla niya akong nginitian ng nakakaloko. Kinilabutan ako sa naging expresyon niya kayat dahan-dahan ko ng hinawakan ang mga gamit ko para umalis.

Ngunit huli na ,Gulat na gulat ako nang bigla nalang niyang mas inilapit ang mukha niya. Hindi na ako makagalaw pa dahil sa pagkabigla. Shit! hahalikan niya ako! Ayokoooooo! 




*Hooof*



Kaagad kong napapikit nang bigla niyang hinipan ang mga mata ko.



"Putaaaaa!" napasigaw ako dahil sa pagkabigla at lamig ng naramdaman sa mata ko. Shit yung mata koooo! agad kong tinakpan ang kaliwang mata kong hinipan niya habang yung isa naman ay pilit kong dinidilat.



"Talo ka miss impakta! hahahaha! You blinked. hahahaha!" nakita kong nakasandal siya sa upuan niya habang tawa ng tawa at itinuturo ako. Bwisit sa lakas ng tawa niya , mukha siyang kinikiliti ng daan-daang mga demonyo. Yung iba naming mga kaklase pinagtitinginan na din kami mabuti nalang at walang si Ma'am lacey kundi napagalitan na naman ako.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad ko nang kinuha ang librong nasa desk ko at malakas na pinagpapalo ito sa imukha niya. "You cheater! Pervert Im gonna kill you!!!!!" sigaw ako ng sigaw habang gumaganti.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon