Fear 7 : Flying Pigs

Start from the beginning
                                    

Napabuntong hininga siya at pinanlisikan ako ng mga mata. Lumalaban si boy manyakis.

nagsisimula na ding humapdi ang mga mata ko at pakiramdam koy bibigay na ito. shit ang hapdi na gusto ko ng kumurap.




"Kumurap ka na Ms. Impakta, mas tatagal ako sayo" mahinang bulong ni Peter at agad na napa-smirk. Shit impakta na pala ako ngayon? tsss.

"What makes you think i'll quit you pervert?" Napasinghal ako at mas lalong idinilat ang mga mata ko. ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan na ako.

"EHEM!" gulat na gulat kami ni Peter nang bigla nalang may sumipa ibabang parte ng likuran ng mga upuan namin.

Napangiti ako nang makitang napakurap si Peter sa gulat.

Kaagad na nawala ang smirk sa mukha niya nang magtama ang mga tingin namin. Nginitian ko siya ng nakakaloko "Talo ka Manyakis.. Bleee :P" mahinang bulong ko.

Agad akong lumingon para pasalamatan yung anghel na sumipa.

magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita "Pwede ba makinig kayo sa lecture?!" paninita sa amin ni Travis at kaagad kaming inirapan. Shit naman magpapasalamat na sana ako sa kanya , di bale na nga lang... bwisit.

humarap nalang ulit ako kay Peter at binigyan siya ng ngiting nakakaloko. "Mehehehe... ano ka ngayon?" panunukso ko sa kanya.

Kaagad na nakunot ang noo niya at padabog na ibinagsak ang mga palad niya sa armchair ko. "Pwede ba?! Na-distract ako! di counted yun! Ako matatalo sayo? Tssss... when pigs fly!" pasinghal nitong saad.

itinaas ko ang isang kilay ko "Ibig sabihin may lumipad na talagang baboy?!" pang-aasar ko sa kanya. Kitang-kita kong mas lalo siyang nainis. Napakagat siya sa labi niya at mas sinamaan ako ng tingin.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na makakalipad ang baboy kapag natalo ka. Eh sa natalo ka na eh!" sarkastiko akong pumalakpak ng mahina. "Maraming salamat! Nang dahil sayo lumilipad na ang mga baboy! Magbunyi!" dagdag ko pa at mas lalong pinalapad ang ngiti sa mukha ko.

"Hindi yun counted! " pagmamatigas niya. Para siyang isang batang hindi makatanggap ng pagkatalo. Nakakatawa dahil parang kahit na anong oras ay para na itong sasabog sa inis.

Tumawa nalang ako at agad na napailing-iling. "Okay fine! whatevs perv!" Umayos ako sa aking pagkakaupo at ganun din siya.

Fear Thy PactWhere stories live. Discover now