Kaligtasan

66 2 1
                                    

Sa Silangan, may isang palatandaan!
Mga kawan at ang mandaragit na ibon,
Ang yayakap sa buong sanlibutan
Upang itayo Tahanan ng Kaligtasan!

Kay tagal nang hinintay noong una pa.
Ang palatandaan ay magaganap na.
Sa muling pagbabalik ng Diyos na nga.
Ang Kaligtasan ay para sa lahat ba?

Oh!Jesus,dinggin mo yaring aming  puso.
Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo!
Dalisay na puso ang alay sa Iyo.
Sa Iyong harapan sapat na ba ito?

Bibliya ang tangan ko,Aklat ng Buhay!
Mga utos at gawa sa Aklat na tunay.
Yayakapin lubos waring igawayway,
Pangalan Jesus nga,ang Diyos na tunay!

Batayang Aral, ang kalasag   na ganap.
Mahabang paglalakbay, ito ang hanap;
Gintong Salita, nakatanim sa isip
At sa puso, Salita ang tanging yakap.

Malalim na ang gabi, umaga ay ano?
Buhay na ito laan para sa Iyo!
Hanggang  alapaap, makamtan man ito?
Sapat na, kalinga nang Iyong Paraiso!

Habang nabubuhay pa sa kalupaan!
Banal na Salita ay dapat ingatan;
Utos at aral huwag kalilimutan.
Hanggang 'to man  sa buhay na walang hanggan!

Mga TulaWhere stories live. Discover now