CHAPTER 40

43 4 1
                                    

THREE DAYS...

Tatlong na ang lumipas ng mawalan ulit ako ng malay. Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok.

Napabuntong hininga ako, sabi ko hindi ako magpapagambala sa mga damuho pero ito ako ngayon, napilitan akong umabsent dahil sa nangyari sa akin school.

At masyado rin kasing OA ang mga damuho, pakiramdam ko tuloy malala ang sakit ko kung tratuhin nila ko.

Kagaya na lang ngayon. Nandito kami sa sala at hindi ko alam kung mabubwisit ba ko o matutuwa sa mga dala nilang pagkain.

"Jowey milk tea oh!...binili ko kanina bago ako umuwi, sinamahan ko na rin ng fries at pizza,pati na rin ng chicken wings na gusto mo." nakangiti pa si Lavin niyan habang iniisa-isang inaayos ang mga dala sa center table.

"I'm from my Parents house and Mom asked me to give this to you, she baked this for you." Ani Roby at nilapag ang Blueberry cheese cake na dala niya.

"Mom also called me to give this to you. Here! At sabihin mo daw kapag nagustuhan mo para ipagbe-bake ka daw niya ulit." Si Danzel naman at inilapag ang dalawang box ng cookies na halatang bagong gawa nga dahil sa amoy nito.

Napatitig ako saglit sa mga dala nilang pagkain at hindi ko maiwasang matakam at mapalunok.

"kumain kana Jowey, sabi ng maid hindi ka raw nananghalian kanina." napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni Lavin.

Paano niya nalaman?

"I called them to check on you and they told me na hindi ka raw kumain at maghapon kalang daw nagkulong sa kwarto mo." Ani Danzel na parang nabasa ata ang nasa isip ko.

Napa-ahh na lang ako sa sinabi niya at muling bumaling sa mga pagkain at napanguso.

Gutom na gutom na ko.

Sinulyapan ko ulit ang tatlo na ngayon ay mga nakaupo na sa kabilang sofa.

Kahit gusto kong isiping ginagawa nila 'to dahil nag-aalala sila sa akin, alam ko naman ang totoo. Ginagawa nila ito dahil may kasalanan sila at dahil alam nila ang kahinaan ko.

Syempre hindi pa ba ko bibigay? Haler! Pagkain ang nakahain sa harap ko kaya syempre susunggaban ko na.

Walang pagdadalawang isip na kinuha ko ang isang milk tea at isang slice ng pizza, napansin ko pa ang pagtayo ni Roby at ng bumalik ito ay may dala ng tubig pati na rin tinidor, kutsilyo at platito.

Hindi ko na pinansin pa ang tatlo at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Dahan-dahan, Jowey, baka mabulunan ka." parang natatawa pa na awat sa akin ni Lavin, napansin ko pa ang paglagay niya ng tubig sa baso at ipinatong iyon sa harap ko.

"How are you? You feel better now?" biglang tanong ni Danzel na nagpahinto sa akin sa pagsubo ng cake.

Tumingin ako sa kanila, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at nahihintay ng sagot ko kaya naman nilapag ko muna ang hawak kong platito at uminom bago sila muling hinarap.

"Explain." sabi ko imbes na sagutin ang tanong ni Danzel.

Sabay-sabay na mapabuntong hininga sila na ikinataas ng isang kilay ko.

"what do you want us to explain?" tanong ni Roby.

"Ipaliwanag niyo kung bakit niyo ko nilapitan sa school."

"Si Shonne ang unang lumapit at yumakap sayo." sagot agad ni Lavin na ikinamaang ko.

Bigla nanaman tuloy nagwala ang puso ko.

The Chosen Bride-(On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang