"magkakilala sila?..."

Naririnig ko ng bulong-bulungan, pero para akon naestatwa na hindi makakilos.

Ang pamilyar na amoy niya! Ang pamilyar na mga bisig niya. At higit sa lahat ang kakaibang tibok nanaman ng puso ko.

Shonne...

Gusto ko siyang itulak. Ramdam kong nakatingin pa rin sa amin ang lahat pero ewan ko ba, hindi ko magawang igalaw ang kamay ko para itulak siya.

Yung yakap niya kasi ngayon, ibang-iba sa yakap na naramdaman ko kagabi. Parang may kakaiba sa pagyakap niya sa akin ngayon. At nakumpirma ko iyon ng maramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya.

Anong nangyayari sa kanya?

"I'm Sorry!..." mahinang bulong niya na nagpakunot ng noo ko.

Yung boses niya. Hindi kalmado, hindi rin nakakatakot kung hindi parang malungkot. Bigla kong naramdamang parang may kumirot sa puso ko.

Ramdam ko ang lungkot niya at pakiramdam ko na-aapektuhan ako sa nararamdaman niya.

"I'm sorry for leaving you that day my Princess...My Queen..."

Bulong muli niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko hanggang sa pakiramdam ko ay sumisikip na ang dibdib ko at nahihirapan na kong himinga dahil sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko dahilan para maitulak ko si Shonne ng malakas. Nakita ko pa ang pagkabigla sa kanyang mukha, pero napatitig lang ako sa kanya at napahawak sa dibdib ko, hanggang sa makarinig nanaman ako ng mga boses ng mga bata.

Wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko at napaupo.

"I thought I'm your Princess?..."

Ito nanaman! Ang boses ng mga bata...naririnig ko nanaman.

"Yes! You're my only Princess..."

"Then why are you leaving me?"

"I'm not leaving you for good my Princess Lanna, I'll be back..."

"Promised me!..."

"I'm sorry for leaving you now...my Princess...My Queen...but I promise I'll be back for you...wait for me okay?"

"Okay! I'll promise to wait for you then..."

"That's my Princess.."

Napasabunot ako sa buhok ko nararamdaman ko rin ang mga luhang dumadaloy na sa pisngi ko pero ang isip ko at ang emosyong nararamdaman ko.

Ano 'to? Bakit nasasaktan ako?

Nakakarinig na ko ng mga boses sa paligid ko at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko kaya wala sa sariling bumaling ako sa kanila kahit nanlalabo na ang paningin ko.

Sila nanaman... Sila nanaman ang dahilan kung bakit naririnig ko na naman ang mga boses na 'yun.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla akong nagka-ganito simula ng makilala ko silang lahat?

Ang mga boses na naririnig ko. At ang mga taong kaharap ko ngayon.

Sino ba talaga kayo? Sino ba kayo sa buhay ko?




















Renz POV...

"SHE WILL be fine right?..." Hailey sounds worried while caressing Jowey's hair.

Jowey passed out again, at may pakiramdam akong hindi na maganda ito.

When I checked her previous record from the hospital she was admitted 12 years ago. Walang ganitong kasong nangyari sa kanya, she was admitted once and that's the time she suffered from her trauma that leads her to have selective amnesia

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now