Chapter 12

61 3 2
                                    

"Di ako makapaniwala na ikakasal ka na, parang dati baby pa kita e, masaya ako para sa iyo anak ko." Naiyak nalang ako sa sinabi ni nanay sa akin saka siya niyakap. Hinaplos-haplos nito ang buhok at likod ko habang umiiyak ako sa balikat niya bago ito humiwalay.

"Alagaan mo ang sarili mo, okay? Sakitin ka kaya dapat mag-iingat ka palagi," anito na ikinatango ko nalang. Bumaling ito kay Cohen saka humawak sa kamay nito.

"Alagaan mo ang anak ko, 'di niya naranasan ang pagmamahal ng isang ama o ng isang lalaki, ikaw na sana ang gumawa ng bagay na iyon para sa kaniya."

Cohen nodded his head then smiled. "Opo, 'di ko po pababayaan ang anak niyo. Mamahalin ko po siya, 'wag po kayong mag-alala," tugon nito na ikinangiti ni nanay.

...........

"Sige na, ihahatid naman ako nitong kapatid mo, Cohen. 'Wag na kayong mag-alala sa akin. Siya nga pala anak, babalik na ako sa bahay natin, ah? 'Di ako sanay sa magarbong bahay, mas gusto ko roon. Maayos naman ako kung doon ako."

"Pero nay.." Pinigilan nito ang dapat kong sabihin.

"Ayos lang ako, anak. Sige na, pumayag ka—," 'di nito natuloy ang dapat sabihin nang ubuhin ito at humawak sa dibdib niya.

"Nay, ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ko rito.

"Ano ka ba naman, normal lang ito. Sige na, aalis na ako, mag-iingat kayo rito." Huling saad nito bago sumakay sa helicopter.

Napabuga nalang ako ng hangin saka humarap kay Cohen. I smiled at him then hugs him. "Thank you sa pagdala dito kay nanay, nabawasan ang iniisip ko."

He kissed my head. "I'll do anything to make you happy," he told me.

"Sigurado kang itutuloy natin ang kasal sa Linggo? Parang ang bilis naman kasi," tanong ko sa kaniya habang yakap niya ako mula sa likuran.

"Wala akong pake kung masyadong maaga iyan o hindi, gusto kitang maitali na sa akin. Ayaw kong mawala ka pa."

'Di talaga niya nakakalimutan na palagi niya akong napapangiti sa mga bawat salitang binibigkas ng bibig niya. Sa bawat katagang sinasambit niya at ramdam kong mahal niya ako. Ano nga ba ang dahilan bakit ako minahal ng isang Cohen Cerujano?

Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo ko siyang nakikilala. Mas lalo ko siyang minamahal.

............

"Dito ka nalang, ako nalang ang pupunta sa palengke diyan," sambit ko dito.

"No, I wanna come, I want to experience buying some stuffs with you." Yumakap pa ito sa likod ko habang nagpupumilit na sumama.

"Lumaki ka sa mayamang pamilya, baka mairita ka sa sobrang sikip at init sa palengke," sabat ko pa sa kaniya.

"I want to experience it. Promise I'll behave," tugon nito saka itinaas ang kamay patunay na nangangako ito na ikinatawa ko nalang.

Wala na akong nagawa kundi isama siya mamaya sa palengke. Pinagbihis ko siya ng simpleng damit dahil kanina pa ako nakabihis, hinihintay ko nalang ang pagbaba niya para makaalis na kami at makapunta sa dapat puntahan.

Pagbaba niya ay agad na tumingin ito sa akin at kumunot noo. Kita ko rin ang pagtangis ng panga niya saka iritang lumakad palapit sa akin at pilit akong hinahatak paakyat.

"Ano na naman bang problema, Cohen?" Naiinis na wika ko.

He just tsked. "Magpalit ka nga ng damit, baka mabastos ka pa at makasapak ako," anito saka ako tinulak papasok sa kwarto.

"Ha? Okay naman suot ko, ah? Ang arte mo naman e!" reklamo ko rito.

"Change your clothes or I'll fvck you here? You choose," anito kaya napasimangot nalang ako sakas siya sinunod. "Susunod din naman pala, magrereklamo pa," dugtong pa nito.

Cerujano Series #1: Loving His Rhythm (Ongoing)Where stories live. Discover now