Chapter 7

194 6 7
                                    

Nagising nalang ako sa mainit na sikat ng araw, tumingin ako sa paligid at napagtanto na wala ako sa bahay namin. Wait... Deja Vu? Parang nangyari na ito sa akin noon, ah. Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari.

Fvck! Fvck! Fvck! We did it again!

Napaupo ako sa kama saka napasabunot sa buhok ko. Tumingin akong muli sa paligid at napagtanto na wala akong ibang kasama sa kwartong ito. Napasulyap ako sa lamesa sa gilid ko at nakita ang isang sticky note roon. Galing kay Cohen iyon.

‘I already went to school, your breakfast is ready, it's on the kitchen. By the way, 'wag ka nang pumasok. Ako nang bahala sa attendance mo. Just rest, I'll be back 'cause I'm going to take you again.’

Agad akong namula nang mabasa iyon, he's planning to do the things that we did last night. Grabe naman siya, wala ba siyang balak magsawa? Dahil na rin siguro sa gutom ay bumaba ako agad patungonh kusina, medyo naligaw pa ako dahil sa laki ng condo unit niya. Napakalinis din dito.

Nang makita ang kusina ay agad akong tumungo doon at tinignan kung ano ang niluto niya. Napangiti nalang ako nang makita na fried rice, tapa, tocino, at omelet ang nakahanda. Mukhang masarap, nakakatakam. Sinimulan ko nang kumain saka iniligpit ito nang matapos na.

Sa 'di malamang dahilan ay para akong excited sa mangyayari mamaya, alam kong huli na para pigilan pero gusto ko siya, gustong-gusto ko siya. I'm planning to confess, bahala na kung 'di kami same ng nararamdam, bahala na rin kung katawan ko lang ang habol niya. Pero if ever na totoong gusto niya ako, I'll take the risk.

Nang tumutok ang orasan sa 5:00 ay agad akong naghanda ng makakain para sa hapunan namin. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko. I want to prepare myself sa mangyayari. I want him mine whatever happens. I just cooked adobo and caldereta for dinner then a simple red wine to make it more perfect. Huminga ako nang malalim sana taimtin na nagdasal na sana ay maging maayos ang pag-amin ko. Napangiti nalang ako nang may magdoorbell sa labas saka agad na lumapit doon, inayos ko pa ang sarili ko at binuksan ang pinto.

“Good evening, I prepare dinner for us—” I cut my words nang hindi si Cohen ang bumungad sa akin.

He's older than him and his aura gives a shivers down my spine. He coldy looks at me then speak. “I guess you're Elixcia Heignné Morgan, am I right?” He asked me.

“U-Uhm... Opo, bakit ho?” Kinakabang tanong ko rito.

“I am Juancho, Cohen's Father. If you wouldn't mind, may I come in?” Anito kaya agad akong tumango at niluwagan ang bukas ng pinto.

Inilibot niya muna ang paningin niya sa lugar saka prenteng umupo sa couch. “Ill go straight to the point, ija. Cohen's getting married soon with Kali Gustav Webbo, she came from a rich family. She has a beauty, a wealth, and a famous name. She can bring Cohen's name at the top of this world, Cohen's deserve to be her husband. What do you think?” He asked me.

Napayuko nalang ako saka mahigpit na kumapit sa suot ko. Hindi man niya sinasabi, alam ko nang ayaw niya sa akin para sa anak niya. Alam kong mababa lang ang tingin niya sa akin. Sino nga ba kasing mayaman ang gugustuhin na maging bahagi ng pamilya ang isang mahirap na gaya ko, 'di ba?

“G-Gusto ko po ang anak niyo,” mahinang usal ko na bahagyang ikinatawa nito.

“Seriously, ija? Walang mapapala ang anak ko dahil lang sa gusto mo siya, anong maipagmamalaki niya sa iyo? Sabihin na nating maganda ka, pero saang pamilya ka ba galing? Hindi ba sa isang pamilya na nagtitinda lang sa palengke? Patay na ang tatay mo, ang nanay mo naman ay tindera lang ng isda. Puro pa kayo utang.”

Bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa pang-iinsulto niya sa pinanggalingan ko lalo na sa nanay ko. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako dahil lang sa hindi ako tanggap ng taong gusto ko, bukod doon ay ininsulto pa nito ang taong nagluwal sa akin sa mundong ito.

Cerujano Series #1: Loving His Rhythm (Ongoing)Where stories live. Discover now