Chapter 9

137 2 0
                                    

Kinakabahan ako, nanginginig ako habang nasa tapat kami ng isang napakalaking mansiyon na pagmamay-ari ni Kali. Di ko inaasahan na ganito kayaman ang pamilya nila.

“Oh? Bilib ka naman sa akin? Well, poorita ka kasi, bitch,” pang-aasar nito sa akin.

I rolled my eyes. “Mayaman ka nga... Mayaman sa kaartehan,” ani ko saka lumabas sa kotse.

“Whatever, let's go, sa likod tayo dumaan para deretso sa stage.” Hinila na ako nito patungo sa likod.

Nang makapasok ay rinig ko na ang pag-anunsyo ng kung sino sa harap. Nagsisimula na ang event, mas lalong dumagdag ang kaba sa dibdib ko. Puro mayayaman din ang nakikita ko mula pa kanina sa entrance ng mansiyon na ito. Di ako nababagay rito.

“You're spacing out, come on. Pasok muna tayo rito,” anito bago ako hinila sa isang kwarto.

“So, as what you see over there, this is an engagement party for me and Cohen. We've been trying to pull out but we can't, maapektuhan ang mga buhay namin. We can't also stay in this kind of set up for too long, I can't marry him! And I know you're the one who can stop this nonsense marriage.”

Halos wala na akong maintindihan sa sinabi ni Kali dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tama ba itong gagawin ko? Hindi kaya mas mapahamak lang ako?

“Hey!”

Agad akong nabalik sa reyalidad nang tapikin ako ni Kali, nakataas ang kilay nito na tila hindi natutuwa sa inaakto ko. Saglit pa itong umirap bago umupo sa upuang nasa harapan ko.

“You know what? Kung 'di lang special sa akin si Cohen, 'di kita dadalhin dito. You're so nervous! Huminahon ka nga, wala naman silang magagawa if you're going to take him away from this fvcking engagement, do you think hahayaan ni Cohen na mapahamak ka?” anito sa akin kaya napabuntong hininga ako.

“Pinagbantaan ako ng daddy niya, if 'di ako lalayo, mapapahamak si nanay. I don't her to get hurt, baka mapasama if itutuloy namin ito,” kinakabahang tugon ko.

“Well, if that's the case, I'll help your mother to be protected. You don't have to worry about, dadalhin natin ang mother mo sa lugar kung saan 'di siya mahahanap ni tito,” saad pa nito. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na namalayan ang oras at narinig nalang na tinatawag na ng emcee ang pangalan ni Kali. Agad ako nitong hinatak patayo upang itulak sa pintuan ng stage. Aatras pa sana ako nang harangan ako nito pabalik sa kwarto kanina.

“Stop being so stubborn, Elix!  Go and fight for your love towards him! Wag mong hayaan na 'di niyo matuloy ang kung ano mang meron kayo!” anito saka ako itinulak papasok sa loob.

Itinakip ko sa aking mata ang mga kamay ko nang tumama sa akin ang nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa stage lights. Rinig ko ang singhapan ng mga tao dahil ako ang nakita nila imbis na si Kali. Agad na lumapit ang mga lalaking nasa gilid ng stage at pilit akong hinahatak paalis sa stage.

“Bitiwan niyo ako! Ano ba?!” Sigaw ko ngunit sobrang lakas nila kaya 'di ako makawala sa kapit nila. Natigil ako sa pagsigaw nang may sumampal sa akin. Tumingin ako sa kung sino man iyon.

“Who are you?! Where's my daughter?!” Sigaw nang kung sino man.

“Your daughter? Hindi mo ba alam na tinatanggalan mo ng karapatang sumaya ang anak mo? 'Di mo ba alam na ayaw niyang makasal?” Sagot ko rito.

“Get out of here! Impostora kang babae ka, how dare you to pretend that you're my precious daughter?!” Sigaw naman ng ginang na nasa tabi niya.

“Stop, what do you think you're doing, young lady? I already told you to stay away from my son, didn't I?” Singit naman ng daddy ni Cohen.

Cerujano Series #1: Loving His Rhythm (Ongoing)Where stories live. Discover now