Chapter 26

125 6 0
                                    

              "I WANT you to vote for me to be the head of CBCPH." Napahinto sa pagsalin ng alak si Ranjiru nang utusan siya ni Claus na iboto niya ito.  Hindi nga nakikiusap ang tono nito, wala rin Please sa dulo. 

"At bakit naman ikaw ang iboboto ko?" Saglit niya muna itong tinitigan bago uminom ng whiskey. Nagulat siya pa siya ng ayain siya nito uminom sa bar. Dinahilan pa nito na nasa honeymoon pa ang Assisstant nito at kailangan nito ng kainuman.

"You will gain connection in your business, plus i can give you discount if you collaborate business with me."

Ngumiti siya, "Sound convincing, but I will give you my answer if you come to subic this weekend. I will show you our yacht there. Okay? I need to go now bro.... here, pay our drinks."

"Hoy! I don't need your money!" sigaw ni Claus sa kanya. Bago niya ito iniwan mag-isa.

"Sira ulo!" pahabol pa nito.

Wala naman sana siyang balak iwan ito pero kanina pa siya tini-text ni Allanna. Tuwing kasama niya si Claus palagi itong nanghihingi ng update sa pinag-uusapan nila ng Asawa nito. Wala naman problema iyon sa kanya dahil kaibigan na rin ang turing niya sa babae.

          
            Hindi pa naaapakan ni Ranjiru ang gas ng kotse niya nang may bumusina na sasakyan. Kumaway sa kanya si Allanna.

"Hey, Ramen boy! So? What's my husband told you?" Masayang itong lumaba ng sasakyan nito. 

"Gusto niyang iboto ko siya para maging head ng CBCPH. But I told him what you told me."

"So? Did he say yes? Is he coming with you to subic this weekend?" Nakita niya ang excitement sa mata nito.

Napailing na lang siya dahil halos kaugali nito si Nari sa kakulitan. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit magbestfriend ang dalawa.

"Oo naman! Pumayag siya na sumama sa'kin." Confident siya na sasama ito sa kanya.

"Good!"

"Ano na yung promise mo sa'kin? Paano ko na mapapaamin si Nari?"

Napaatras pa siya nang itapat nito ang mukha malapit sa bintana ng kotse niya. Napatitig siya sa mata nito. Noong nakaraan kulay black ang mata nito ngayon naman kulay gray na.

"Just make her jealous..." mahinang sagot nito. Tinapik muna siya nito sa balikat bago pumasok ulit sa sasakyan.

        

   
             RANJIRU smile happily when he saw Allanna sneaking going up to the yacht where her husband staying. Tinulungan siya nitong kung paano pagselosin si Nari kaya gusto niyang bumawi rito. Mas magiging masaya si Nari kung masaya ang kaibigan nito.

Kinawayan ni Ranjiru ang kapitan ng yate na sasakyan ng mag-asawa. "Capt, baka pwede mo naman ipasyal mga kaibigan ko. May tampuhan kasi, tapos iwan mo na rin sila sa isla na safe."

"No problem! Akong bahala sa mga kaibigan mo. Pagbalik nila rito ayus na yan sila." Nakakalokong ngiti lang ang sagot niya rito. Alam niya nakuha na nito ang gusto niyang mangyari.

     

                

             Nakatambay si Ranjiru sa baba ng resort na tinutuluyan niya. Sa loob ng yate sana siya matutulog kung hindi umulan ng malakas. Halos apat na oras tuloy-tuloy na umuulan.

Napatayo siya nang may humintong kotse at biglang lumabas si Nari. Naka-attack mode ito kaya kahit gusto niya itong yakapin ay dumistansya siya.

"Where is my bestfriend?"

Elite Sorority  Series 4: Daring  IdolWhere stories live. Discover now