Chapter 23

116 5 0
                                    

        "ANAK! Gumising kana dyan! Si Nari nasa baba na!"

Akala ni Ranjiru nanaginip lang siya pero nang marinig niya ang pangalan ni Nari ay naupo agad siya ng kama. Gusto niya sanang isabay ito pauwi ng Pangasinan pero nag-away sila ulit kaya hindi na siya nagpumulit pa.

Bumaba siya agad para salubungin ito. Naabutan niyang kausap nakikipag-usap si Nari sa pinsan niya, nagtatawanan pa ang dalawa nang bumaling ang mga ito sa kanya.

"Hoy! Insan! Ano ba yan. Magbihis ka nga mukha kang tambay sa kanto!" Nakatitig sa katawan niya ang babae. Yayakapin niya sana, pero agad niyang naalala na wala pala siyang pang-itaas na damit.

"Good morning... wait magbibihis lang ako." Alam niyang inis pa rin ito sa kanya pero tinupad pa rin nito ang pangako nito sa Mama niya.

"Nari! Mabuti at nakapunta ka rito... Teka? Ranjiru bakit hindi mo siya sinundo? Ikaw talagang bata ka!" sermon ng Mama niya sa kanya.

"May meeting po kasi ako kaya pinauna ko na lang si Ranjiru," pagtatangol naman ng babae sa kanya.

"Ma, sabi ko naman sa'yo busy siya sa trabaho..."

"Hmm! Puntahan muna ang Papa mo, para makapili na kayo ng baboy na lilitsunin! Nari anak dito ka muna, ha?"

"Kayo po namimili ng baboy? Di ba po dapat luto na yun?" Napatingin sa kanya ang Mama niya. Kinalabit siya nito, alam niyang hinintay lang nito na siya ang magpaliwanag.

"May poultry kami, kaya kami mismo ang  pipili ng baboy."

"Okay, can I come? I want to see how you do it," masiglang sambit nito. Masarap siguro ang almusal nito kaya good mood ito ngayon.

Patingin-tingin si Ranjiru kay Nari habang naglalakad papunta sa poultry nila. Nag-aalangan siyang isama ito dahil alam naman niyang hindi sanay ang babae sa buhay probinsya.

"Wag ka na lang kaya sumama? Insan hatid mo na nga si Nari pauwi..."

Tumaas ang kilay nito. "So, ayaw mo akong kasama?"

Naku! Bakit kasi hindi ka na lang tumahimik Ranjiru!

"Hindi naman sa ganoon, kaso hindi ka naman sanay sa buhay probinsya..."

"Kung tingin mo pala hindi ko kaya tumira dito? Bakit naki-usap ka pa sa'kin na pumunta ako sa birthday ng Mama mo?" Seryoso na ang boses ng babae kaya mapapalaban na naman siya sa katigasan ng ulo nito.

"Iwan ko muna kayo, ah. Balik na lang ako kapag hindi na kayo nag-aaway," paalam naman ni Carlo sa kanila.

"You're rich..." maikling sagot niya.

"Kailan pa naging issue rito ang estado ko sa buhay? So, tingin mo maarte ako ganoon?"

"Wag kang magagalit sa'kin kapag nahirapan ka."

Alam naman niya na hindi maarte si Nari ang kaso mahirap naman talaga maghuli ng baboy. Malaki ang kulungan nila kaya siguradong mapapagod ito.

"Oh! They're a lot. Which one we will take?"

Tama nga si Ranjiru ng hinala, hindi pa sila nakakapasok sa kulungan nagrereklamo na agad si Nari.

"Kaya nga sabi ko sa'yo sa bahay ka na lang..."

"You're underestimating me, don't you?"

Tumingin muna ito ng masama bago pumasok na sa kulungan. Napailing na lang si Ranjiru. Ayaw niya ng makipagtalo kaya tumahimik na lang siya. Sige tignan natin ang galing mo.

Nakaupo lang sa gilid si Ranjiru habang pinapanuod si Nari na hirap na hirap kakahuli ng baboy.

"Hindi ang biik ang pinakuha ko, hulihin yung may batik na itim sa puwet," natatawang sigaw niya.

Elite Sorority  Series 4: Daring  IdolNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ