Chapter 19

110 4 0
                                    

              SINIPA ni Ranjiru ang lalaking katabi niya sa kama. Si Nari ang inaasahan niyang makakasama matulog pero sa asawa siya ni Allanna na uwi.

"What the hell is wrong with you?" reklamo nito nang magising ito.

"Yakap ka ng yakap sa'kin. Hindi ako nakatulog dahil sa'yo."

"Ikaw nga hilik ka ng hilik!"

Kulang na lang magsapakan silang dalawa. Napipikon siya sa ugali nito. Kaya kinuha niya ang cellphone niya na may voice record ng sinasabi nito habang tulog.

"Lanna.... Lanna... put it here.. here..." Napatayo ito sa kama. Aagawin sana nito ang cellphone niya pero nakaiwas siya agad.

"Sus! Kunwari ka pa ayaw mo kasama pero pinagpapantasyahan mo naman!"

"Loko ka! Bigay mo sa'kin yan. I can fill a case against you. For recording me without my consent!"

"Okay lang! Para marinig nila Allanna yung wet dreams mo! Tumayo kana nga dyan! Palitan mo na rin yung bedsheet!" Mas lalo niya pa itong buwinisit. Para makaganti man lang siya sa ginawa nito kahapon kay Nari.

      

           

              Katok ng katok si Ranjiru sa kuwarto nila Nari at Allanna pero walang nagbubukas o nagsasalita sa loob.

Kaya lumabas siya para tanungin mga kaibigan ni Nari.  Pero hindi rin nila alam kung saan nagpunta ang dalawa.

"Samantha! Pahiram ng sasakyan niyo. Hahanapin ko sila Nari."

Papalabas na sana ng gate si Ranjiru para hanapin sila Nari nang may sumalubong sa kanya na itim na pick-up. Nakita niya nasa likod ang dalawang magkaibigan. At may kasama rin sila na dalawang lalaki na unang bumababa ng sasakyan at pagkatapos inalalayan ng mga ito ang dalawang babae.

Mayamaya may isang sasakyan na naman ang dumating at may hatak na motor sa likod.

"Gaw!" sigaw naman ng isang lalaki kay Samantha.

Lumapit siya kay Nari pero hindi siya nito pinansin. "Ranjiru can you help them carry those mangoes inside?" Pahabol na utos nito.

Hindi na nga siya nito pinansin tapos  inutusan pa siya. Ginawa pa akong utusan! reklamo niya.

"Sino yang mga yan?" tanong niya kay Nari pagkababa niya ng basket.

"Tinulungan nila kami, na-flat kasi yung motor na gamit namin ni Lanna. She know them." Paliwanag nito.

"Bakit hindi ka nagsabi sa'kin na aalis ka pala?" Alam niyang maiinis si Nari sa tono ng boses niya pero wala siyang pakialam.

"I knocked in your room, no one answer. So I left with Lanna."

Akala niya magagalit ito pero mukhang maganda gising nito. "If you want to go somewhere just asked me, okay?"

"Yes I will do that..." kalmadong sagot ni Nari kay Ranjiru.

           

             Nakatrunk lang si Ranjiru dahil mag-swimming silang kasama ang mga kaibigan ni Nari.

"Jiru! Marunong ka ba mag-surfing?"

"Oo! Palagi kami pupunta sa La union dati para mag-surf!"

"Talaga? Doon din kami ni Enoch nag-prapractice eh..." masigla sagot ni Atlas sa kanya.

"Taga doon ka ba sa La union?"

"Hindi. Sa pangasinan."

"Ohh... mga northern boys pala tayo, eh."

Elite Sorority  Series 4: Daring  IdolWhere stories live. Discover now