Chapter 2: The Basement

16 1 0
                                    

Chapter 2: The Basement

Gio Hernández POV

"Hindi ka ba talaga nagbibiro Gio?" I rolled my eyes.

"Do i look like I'm joking here? Why didn't you told me about this? Paano kung hindi mo ako natawagan edi patay na ako ngayon?" Napabuntong hininga siya.

"I'm sorry pero diba sabi mo ay binigyan ka niya ng pagkain? Sigurado ka ba o nang-iimagine ka lang dahil sa gutom?"

Bakit ayaw maniwala ni Belle? Ganun ba kabig deal pag binigyan ka ng isang mamamatay tao ng pagkain? Hindi ba pwedeng maging mabait sila kahit minsan lang?

"I'm done here Belle, malapit na magsimula ang klase. Pupunta na ako sa classroom ko." She nod and give me a pen. "Ok? What is this pen for?"

"It's not just a pen, it's a knife." Pinindot ko ang ulo ng ballpen at naglabas ang ballpen ng kutsilyo. "Keep it for your safety. Huwag na huwag mong iwawala yan." Tumango na lang ako at itinago sa secret pocket ng uniform ko ang pen.

"Hindi ba't ilegal ang pagdadala ng mga bagay na nakakasakit sa loob ng paaralan?"

"Don't tell me you still didn't yet read the rules?" Namilog ang mata ko. "My gosh Gio. Tatanda ata ako ng maaga sayo."

"I know rules are important but what is the connect of this pen on the rules?" Mamaya babasahin ko na ang rules ng akademyang ito para matigil na itong babaeng ito at para hindi na rin siya maagang tumandang dalaga.

"Basahin mo ang rules Gio." Nanlaki ang dalawang mata ko ng hawakan niya ang balikat ko. "Sabi ng basahin mo e!" Nagulat ako sa sigaw niya.

"Fine. Pero matanong ko lang, bakit parang hindi ako kilala ng mga tao dito? I'm famous all around the world kaya bakit walang nakakakila sa akin dito maliban sayo?"

"Hindi lahat ng tao ay nakakakila sayo."

"Kanina din, balak kong manood ng football match ng team ko tapos ayaw lumabas ng team ko sa Google. Akala ko nag-error lang pero hindi lang pala bastang nag-error. May Facebook, Google, Instagram at kung ano-ano pang mga social media networks pero ayaw lumabas ng mga gusto kong alamin, gaya ng kung anong balita ngayon." Biglang tumawa si Belle na ikinainis ko. "Mukha ba akong nagjojoke dito?" Napatigil siya sa pagtawa.

"I forgot to tell you that inside of this academy, you will not receive anything, i mean maboblocked lahat ng mga impormasyon na gusto mong malaman hangga't nasa loob ka nitong akademya. No news outside na marereceive, anything, that's why walang nakakakilala sayo dito." Pwede ba yun?

"Kung ganun, ano pang saysay ng cellphone dito?" She sigh. "You know I can't live without not watching my football clubs match right? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ito ng maaga? Hindi ako nakapanood ng match ng Juve kanina, hind ko alam kung nanalo kami o natalo." Nalungkot ako sa isiping natalo kami.

Kahit 24 years old na ako ay umiiyak pa din ako pagnatatalo ang team ko. Sobra akong nagiging emotional pag football ang pinag-uusapan because they changed me. Noong mga panahon na pakiramdam ko ay wala akong kalayaang maging masaya, dumating ang football sa buhay ko at pinasaya ako kahit sa loob lamang ng 90 minutes.

"Stop it Gio, mas lalo ako nakokonsensya e, bakit nga ba hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa mga ito? Akala ko naman kasi e binasa mo ang mga rules bago ka pumasok dito." Tinatamad kasi ako at nashort sa time para magbasa.

"Tsk, sige na, aalis na ako." Nakikita ko sa mga mata ni Bella na nag-aalala ito. "Don't worry, mag-iingat ako." Tumango lang ito at pinanood akong lumakad papaalis.

Hindi ako makakapayag na hindi ako makapanood ng match ng Juve. Kahit match na lang ng Juve ang mapanood ko, kuntento na ako. I wonder how's Pogba. He's injured and he's fully fine now, nakalaro kaya siya kanina? Did Loca score a goal? Did my Juve win? Hays, hindi pwedeg magpatuloy ang hindi ko pagnood.

Five Psychopath's In The BasementWhere stories live. Discover now