Chapter 4: Cris Aveiro

8 1 0
                                    

Chapter 4: Cris Aveiro

Narrator's POV

Ilang araw ng sumasakit ang ulo ng 4 mans na sila Leo, Luis, da Silva, at Ros sa kakahanap kay Gio na ayaw magpahanap. Hindi nila alam na ang hinahanap nila ay nasa dorm lang pala ng kaibigan nito nagtatago. Hindi na din pumapasok si Gio sa klase dahil alam nitong pinaghahanap na siya ng apat. Doon na din sa dorm ni Gio natutulog at nagstay ang apat dahil nagbabakasali ang mga ito na bumalik si Gio. Kaya naman ng malaman ng mga istudyante at guro na nasa dorm ni Gio ang 4 Psychopath's ay labis silang natakot na kahit umaga ay hindi na sila lumalabas pa ng dorm nila. Naisip din ng mga ito na baka kagagawan ng apat na lalaki ang biglang pagkawala ni Gio. Nagtaka din sila kung nasaan ang isa pang psychopath na hindi nila nakikita.

Binansagang the five psychopath's ang limang lalaki dahil noong nasa high school pa lamang ang mga ito ay may napatay sila, at doon nadiskubre na may mental disorder ang limang lalaki, at simula noon ay hindi na nila muling nakita pa ang lima hanggang sa bumalik ulit ang mga ito, 2 years ago.

Bumalik ang mga ito na wala sa tamang pag-iisip at maraming mga istudyante at guro ang kanilang napatay. Kaya ngayon ay takot na takot ang mga tao sa kanila. Mas gugustuhin pa nilang magpakamatay kaysa sa ang limang lalaki ang pumatay sa kanila dahil napakabrutal nilang pumatay. Saksing-saki mismo ang lahat ng tao sa akademya kung paano kabrutal ang lima.

At dahil matagal na panahon na din ang lumipas ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang lima. Hanggang 1st year college lamang ang natapos ng mga ito at ngayon ay nasa 25+ na ang mga ito.

Si Cris Aveiro ay 28 years old.
Si Leo Andrés ay 26 years old.
Si da Silva Jr. ay 25 years old.
Si Luis Díaz ay 27 years old.
Si Ros Lew ay 27 years old din.

Dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng mental disorder ay natigil sila sa pag-aaral at napagpasyahan na lamang ng kanilang mga magulang na siyang nag mamay-ari sa FIFA Academy ay ikulong at ikadena na lamang ang lima sa basement ng school. Nagpagawa pa talaga ang mga ito ng basement sa ilalim ng football stadium.

/╲/\╭(•‿•)╮/\╱\

Isang gabi, sobrang lakas ng ulan at napapapikit si Gio ng mata tuwing nagfaflash ang kulog. Takot na takot si Gio lalo na't wala si Bella dahil sa kaklase niya ito natulog dahil may gagawin daw ang mga ito na project.

Hinanap ni Gio ang papel na kung saan ay nakasulat ang mga schedule ng match ng Juve at nanlaki ang dalawang mata niya ng makita na merong laro ang football team niya ngayon. Sa Serie A against Napoli.

Nagmamadaling pinower on ni Gio ang cellphone niya at nakalimutang hindi pwedeng magcellphone sa oras ng curfew time dahilan upang matrack siya ng isa sa limang lalaki.

Habang naiinis si Gio dahil hindi nito mahanap sa mga social media networks ang Juve at ang iba pa nitong football clubs ay bigla na lang itong napatigil ng makarinig ng mga kaluskos. Natakot si Gio lalo na't wala si Bella.

Nagkunware na walang narinig si Gio kahit sa loob-loob nito ay gusto na niyang sumigaw sa takot. Itinuon na lamang nito ang atensyon sa cellphone.

"Blag" Napatingin si Gio sa pintuan ng kwarto ni Bella. Ang dorm kasi ng mga ito ay parang isang condo lang, bago ka makakapasok sa kwarto ay madadaanan mo muna ang sala, kusina at saka mo na mararating ang kwarto.

Nanigas si Gio sa kinauupuan at pinagpapawisan ng malamig na tumingin sa pinto. Iniwas ni Gio ang tingin at pilit na itiningin ang mata sa screen ng cellphone. Sobra ng nanginginig si Gio at napasigaw ito sa gulat at takot ng may dumagan sa kanya.

"Ahhhh!!" Takot na takot na sigaw ni Gio.

"Shh." Napatigil ito sa pagsigaw at tinignan ang taong nakadagan sa kanya.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 09, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Five Psychopath's In The BasementWo Geschichten leben. Entdecke jetzt