“Wait lang daw. Maraming bumibili, eh.” Saad ni Clarisa. Bumalik naman ako sa iniisip kong si Mr. Virgo na hindi mo talaga malaman kung sino. 

     Sa tingin ko, hindi talaga si Quinny ‘yun. Bakit? Everytime kasi na mag-chat sa akin si Mr. Virgo, si Quinny, walang hawak na cellphone at nakikipagtawanan lang siya kina Jane at Clarisa. Every breaktime naman, hindi rin si Brent dahil puro lang siya laro ng mobile games sa cellphone niya. Imposible rin namang maging si Harry kasi nagbabasa ‘yun ng manga. Si Jane? May boyfriend ‘yun. Si Clarisa, focus sa study, no cellphone allowed kapag oras ng klase — kahit sa recess, hindi ‘yan nagse-cellphone. Ang imposible rin namang maging mga kaklase ko, puro sila daldalan at nagpa-five vs. five game sa mga cellphones nila. So sino? Argh! Wala naman akong ibang kilala na pwede akong pag-trip-an nang ganito, at magpanggap na inii-stalk ako, hayst. 

     Napatingin na lang ako sa oras at patuloy na hinihintay ang pagkain ko. Hayst, wala pa rin? Gutom na ako… nasaan na ang palabok ko.

     Ilang minuto na ang nakalipas ay dumating na ang palabok ko. Bumili ulit itong mga tropa ko ng pagkain para hindi raw ako mukhang mag-isa sa pagnguya. 

     “Mhiema,” patuloy lang ako sa pagsubo at pagnguya ng pagkain ko habang may tinatawag si Edzel. “Mhiema,” tawag ulit ni Edzel at ako’y nakatutok lang sa pagkain ko. “Satana,” 

     “Hmm?” Napalingon na lang ako nang bigla akong tinawag. Nakatingin sa akin ang lahat ng kasama ko, lalong-lalo na si Edzel. “Kanina pa kita tinatawag, ayaw mong lumingon.” Ay? Hala! Ako pala ‘yung mhiema na tinutukoy niya! “ Ay? Ako?”

     “Juskolor! I-inform lang sana kita. Next week na ang birthday ni Harry, pupunta ka?” Birthday? Kumunot naman ng noo ko sa sinabi niya. Next week na pala ‘yung February 22? Hala! Ba’t parang ang bilis naman yata?

     Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung pupunta ako sa birthday ng aking tropa-pips. Hindi naman niya ako in-invite kaya hindi ko alam kung pupunta ako o hindi. Abangan ko na lang siguro ang sasabihin ni Harry na invited ako sa birthday niya, bago ako pumunta. 

     Hmm… ang sarap talaga ng palabok! “Hello!” Nabilaukan ako nang biglang may sumigaw sa likod ko. Napaubo na lang ako’t napainom ng tubig dahil sa gulat. Nakarinig naman ako ng mga tawa sa paligid. Rinig kong sina Edzel, Clarisa, Quinny at Jane iyon. Tumingin ako sa aking likod para alamin kung sino ang nanggulat. 

     Nang ako ay lumingon na, nakita na kitang May kasamang iba — mali. Nang aking iikot ang aking ulo, agad naman nagpakita ang isang demonyong naninira ng aking araw — hindi lang sa isang araw, everyday. “Ano ba ‘yan?! Kailangan talagang manggulat?” Inis kong tanong kay Harry na sobrang lawak ng ngiti. “Hehe. Sorry na, pre. Invite sana kita sa birthday ko. Na-invite ko na sina Edzel, ikaw na lang ang hindi.” Ako? Ako NA LANG? Imbitahan mo man ako o hindi, hindi ako pupunta. Sorry to say, I don’t like parties. Ni birthday ko nga, ayokong i-celebrate. Palagi akong nagtatago sa kwarto kasi ang daming tao. I hate people, not because of their attitude, I hate people because I don’t trust them.

     Pero sige, sa isang kondisyon nga lang. “Ayoko,” saad ko ba ikinakunot ng kaniyang noo at the same time, lumaki ang mga mata niya. “B-bakit? Sa lahat ng inimbitahan ko, ikaw lang ang umayaw.” 

     “Okay, fine.” Gusto kong umayaw, kaso ayaw ko rin siyang maiwanang malungkot, bestfriend ko kaya ‘to. “Sa isang kundisyon,” dagdag ko. “Sige, ano ‘yun? Basta pumunta ka, ah!” Oo, pupunta ako, basta gagawin mo ‘to. “Pakilala mo ako sa parents ni Brent. Pakilala mo ako sa tito at tita mo.” Sa isang iglap, nawala ang ingay sa paligid. Nanahimik si Harry, wala siyang imik. 

I.L. : The Beginning (Ongoing)Where stories live. Discover now