05 : HuRU

5 1 0
                                    

MARAMING subject na ang dumaan. Mahirap intindihin pero kinaya ko naman. History ang pinakakinahihinaan ko kaya sinubukan kong intindihin at hanggang ngayon, iniintindi ko pa rin.

     History ang pinakakinahihinaan ko sa lahat pati politics. Kaya 'yung mga pinag-aralan noong elementary pa lang ako? Limot na limot ko na. Ni hindi ko nga alam kung sino ang sumunod na naging presidente pagkatapos ni Aguinaldo, eh. 

     Ang alam ko lang na naging presidente, si Aguinaldo, si Marcos, Aquino, Arroyo, Erap, Hahaha di ko sure. Si ano pa si Ninoy , Cory ayon... Aquino tapos, si Duterte. 'Yun lang, hindi ko rin alam kung anong taon sila naging presidente kaya wala akong alam.

     'Wag niyo 'kong kausapin tungkol diyan kasi wala akong maisasagot. Bigyan niyo muna ako ng data — ng load para masagot ko 'yang tanong niyo. 

     Science and math ang pinaka focus ko e.  'Yun din ang mga pinaka paborito kong subject kaya mas magpo-focus ako sa subject na 'yan. Alam kong dapat na pinagbibigyan ko ng focus ay 'yung mga subject na mahina ako. Wala e , ka-boring.

     ~~~~Sorry na~~~~

     Nandirito ako sa loob ng basketball court — sa may entrance ng basketball court, to be specific. Nagse-cellphone lang ako. Naka-earphones at naghahanap din ako ng mababasa, mga bago na science fiction and History Fiction na stories sa Wattpad. 

    Wattpad ang naging libangan ko, ever since binilhan ako ng tatay ko ng cellphone at in-introduce ng mga kaibigan ko ang Wattpad sa akin. Nawalan ako ng time sa Facebook Kaya hindi na ako updated sa nangyayari ngayon sa paligid. Maski issue ng mga artista, hindi ko na rin alam. 

     Sinabi ko kanina na mahina ako sa history and politics, pero when it comes to fictional stories, I'm into Scific and HistoFic stories. 

     Napahinto ako nang marinig kong may tumatawag sa akin. Babae ang boses niya at sure ako na isa siya sa mga kaibigan ko. "Satana!" Oh di 'ba. Isa siya sa mga kaibigan ko. Hahaha

     "Uy bes, sali ka na," salubong sa akin ni Quinny. Sali saan naman? Baka mapahamak lang ako kapag sumali ako riyan.

     "Saan naman?" 

     "sali ka sa amin sa pekeng mundo." Agad na napangiti ang kaibigan kong ito dahil sa sinabi nito na dahilan pa na mas lumawak pa ang aking  kyuryosidad patungkol sa pekeng mundo na kaniyang sinasabi.

     "Sasakay tayo ng spaceship?" Tanong ko sa kaniya na dahilan para kumunot ang aking noo. Malay ko ba kung anong tinutukoy niya at kung need pang sumakay ng spaceship kasi mukha siyang rosas.

     "Buang! Hindi!" Sigaw na may halong tawa pagkabanggit ng kaibigan ko. "Eh sabi mo pupuntang ibang mundo? May iba pa bang mundo maliban sa earth?" 

     "Hindi tayo sasakay ng spaceship, okay?" Paano naman tayo makakapunta sa mundong tinutukoy mo kung wala tayong sasakyan? Lilipad ba?

     "Ahhh! So, mamamasahe lang tayo? Magkano naman 'yung pamasahe? Tricycle lang ba sasakyan natin o sasakay din tayo ng jeep? Bus?" Sorry na talaga bes. Saan ba kasi 'yon?

     "Wala tayong sasakyan, okay?" Eh? Paano?

     "Huh? Eh pa'no tayo makakapunta sa pekeng mundo na sinasabi mo?" Magteteleport tayo? Paano? Dive? Galing sa Pilipinas tapos lalangoy sa Pacific Ocean then, puntang Bermuda triangle? Hala! Hindi ako marunong lumangoy!

I.L. : The Beginning (Ongoing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ