16: Birthday

0 0 0
                                    

Chapter 16 : Birthday 

MARAMING araw, linggo at buwan ang lumipas at kinakausap pa rin ako ni Mr. Virgo na unknown pa rin sa akin. Halos alam niya ang tungkol sa akin at ang mga ginagawa ko. Pssh, sino ba talaga ‘to? Hindi ako kasing ganda ng mga babae sa paligid, pero stalker ba ‘to?

     “Santana, mamaya mo na ako reply-an. Bumili ka na muna ng makakain mo. Ang daming bumibili, oh.” Napatingin na lang ako sa harap ko’t wala ng tao. Ako na pala ang next na bibili. Pero paano niya nalamang ako na ang bibili? Paano niya rin malamang re-reply-an ko siya?

     “Ang ganda mo no’ng Christmas party. Knee length dress na dark blue at black heel? Hindi ikaw ‘yung Santana na nakilala ko – ‘yung boyish? Hahaha.” Sino ba ‘to?! At paano niya nalalaman ang ginagawa ko sa buhay?! Nakakatakot na, ah! 

What if isa talaga siya sa mga kaklase ko? Nakakatakot na, ah. 

     Maraming beses na nangyari ito, at si Mr. Virgo lang talaga ang nagsasabi ng mga nangyayari nor ganap sa akin. May oras na sa bahay, sa school, sa practice namin sa sayaw, at kung saan-saan pa. Natatakot na talaga ako. 

     Hindi ko alam sa sarili ko at kung ano ang pumasok sa isip kong kausapin pa rin siya. Siguro dahil sa curiosity na meron ako, gusto kong malaman ang nasa likod ng account na ito. Isasakripisyo ko ang kung ano mang pwedeng isakripisyo, malaman ko lang kung sino ka. 

     11:30 a.m. Friday of February ang oras at araw ngayon. Sa totoo lang, kanina pa kaming 11:15 pinauwi. Maaga raw papasok ang mga first year senior high school students at iba pang mga panghapon. Hindi ko rin alam ang dahilan at bahala na sila riyan.

     Dumeretso kami ng mga tropa ko sa isang lugawan na pinakatambayan talaga ng mga highschool students. Malapit ito sa elementary school ng barangay namin. Masarap at mura kasi talaga ang lugaw dito kaya gan’yan. Palabok ang binibili ko at sobrang sarap talaga nito. Like, hmmm, sharap! 

     “Mhiema!” Tawag sa akin ni Edzel, one of my bestfriends. Matagal na kaming magkasama at palagi siyang nandiyan sa tabi ko. From elementary to highschool, kasama ko pa rin siya. Kahit nga sa bahay, pumupunta ‘tong acclang ites!

     Napalingon ako sa tawag niya sa akin. Mukhang,  napansin yata nila ang malalim kong pag-iisip. “Hmm?” Saad ko nang lumingon ako sa kaniya. And by the way, nag-order na rin pala kami ng makakain namin, hinihintay na lang. Ang tagal, eh, naghuhugas pa raw ng mangkok. 

     “Ang lalim yata ng iniisip mo, nakshie ko.” Kanina, mhiema, ngayon, nakshie. Ano ba talaga kita? Nanay o anak? 

     “Ahmm, wala ‘to. Wala ‘to.” Sabay ngiti ko sa kaniya. Napatango na lamang siya at napatingin pa sa akin. Nginitian ko na lang ulit siya. “Alam mo, Edzel, gutom lang ‘yang si Satana. Paano ba naman, hindi kumakain! Pambili niya raw ng balisong!”

     “Anak ng – mababalisong talaga kita. Satana, kapag hindi ka pa natigil diyan sa adiksyon mo sa mga armas. Aanhin mo ba ‘yan?” Para saan ba ang mga armas?

     “Ante-madam, armas nga, eh. So, pangdepensa.” Oo nga naman. Pero pwede ring dahil lang talaga sa adiksyon ko sa mga armas kaya ako bumibili ng ganito. Ang ganda kasi nilang tingnan saka ang sarap hawakan. “Hindi niya ‘yan pangdepensa, pamatay niya ‘yan. Hahaha!” Huy, hala! Grabe naman ‘yan. Hindi ba pwedeng maganda lang talaga? 

     “Oh, siya! Tama na muna ang usapang balisong, magsikain muna kayo.” Tama! Nagugutom na rin ako, eh. W-wait, “Wala pang palabok? Asan ang palabok ko?” 

I.L. : The Beginning (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon