08: Topak

4 0 0
                                    

UWIAN na namin, narito na rin sa bahay at narito ako sa higaan ko. Mayroon akong hindi inaasahang matatanggap. Pagkabukas ko ng aking cellphone ay may nag-notif. May nagmessage sa akin at lalake ito. Lalakeng nagiging dahilan ng pagkainit ng ulo ko. Jake Navarro ang pangalan. Hindi siya nagchat sa RPA na tinatawag nila kun'di, nagchat siya sa account na ginagamit ko sa pagshe-sharedpost at ginagamit ko rin sa pag-aaral. Hindi ko naman ibinahagi sa kaniya ang real account ko kasi ayun ang sabi. No to real identity, isa sa rule rule RPW 'yun, di ba? Kapag ba nagpunta sa RPW ay malalaman nila ang account mo? Kung hindi, paano niya nalaman?

Jake Navarro:
Bakit mo ako binlock?

Mensahe niya sa akin. Ano ba kasing kailangan nito? Bakit ba kailangan mong sabihin sa mga ka Sister-Brother Hood mo para lang i-unblock kita? Sino ka ba? Mayroon pang nagsabing layuan kita. Nilalayuan na nga kita ikaw pa lapit nang lapit. Ayaw kong maging rason ako ng pagkakahiwalay ng dalawang magkarelasyon, okay? Bahala ka sa buhay mo. Hayst.

Satana Jones Reyes Ocampo:
Ano ba kasing kailangan mo?!


Inis kong send sa kaniya ng aking mensahe. Ano ba kasing gusto mo, Huh?! 

Jake Navarro:
Bakit mo nga kasi ako binlock?

Satana Jones Reyes Ocampo:
Ano ba kasing pake mo? 
Sino ka ba? Huh? 
Paano mo nalaman kung 
ano yu'ng account na 'to?

Ano ba kasing kailangan nito? Huh?! Tigilan mo na ako, please lang! Ako na ang nagmamakaawa! Pero alam niyo? Nagtataka ako. Ba't nga ba ako galit dito sa taong 'to? 
 

Jake Navarro:
Sinabi sa akin ni Quinny
Bakit mo nga ako binlock.
 

 Q-quinny?! S-sh!t! Bakit ba gustong gusto niya ako magkaroon ng boyfriend?! Huh?! Nakakainis!!!!!

*Unblock*

*Report Problem*

Binlock ko ulit siya at sa pagkakataong iyon ay nag-chat ako kay Quinny. Sa sobrang inis ko na nga ay namura ko siya. Ayoko sana umabot sa ganito, pero sobra na ang desperasyon nito na magkaroon ako ng ayaw ko naman. Mainitin at mabilis akong mapikon kaya kung ako sa inyo, kung gusto ninyong mamura, lapit kayo sa akin. Inisin ninyo ako tapos, mag-expect na kayo ng malutong na mura. 

Satana Jones Ocampo:
Quinny! Ano na naman ba't 
sinabi mo doon sa lalakeng 
iyon ang account na ito?! 

D

iin-diin kong pagtype. Inis na inis na talaga ako. Kailan ba sila titigil?! Sorry ha! Kasi maikli ang pasensya ko, e! Lalo na sa mga bagay na ayaw ko! Pagsinabi kasing ayaw! Ayaw! Ang laki niyo na't hindi niyo pa rin maintindihan iyan?! Huh?! Kainis!

Thankful ako kasi na-seen na niya at ang nakakainis pa doon , ang sabi sa phone ko is typing tapos, pabalik-balik — I mean, pawala-wala. Type tapos, binubura. Mga ilang minuto rin ang nakalipas at nakapag reply na rin siya sa sinend kong message. 
 

Quinny Rifol:
Huh? Anong sinasabi mo?

Huh? Talaga? Wala kang alam tungkol diyan? 

Satana Jones Ocampo:
Anong huh? HUHmbalusin kaya 
kita, 'ta mo. Ikaw lang naman ang 
nakakakilala doon sa lalakeng 
Jake na 'yon , 'di ba?! Imposible 
namang may ibang nagsabi no'n!

I.L. : The Beginning (Ongoing)Where stories live. Discover now