15: What if

0 0 0
                                    

Gumising ako nang maaga, syempre pang-umaga ako at may pasok kami. Monday ngayon kaya dapat nakaready ako. Nakakatamad pa namang mag-asikaso, pero kailangan. Baka mapagalitan din ako ni mama kapag hindi ako mag-asikaso. Mayayari pa ako, e. 

Lumabas ako nang may dalang isang daang perang papel para bumili ng kung anong meron sa carinderia na nagbubukas ng alas-tres ng umaga. Ang aga nila.

Nang ako'y makarating sa aking destinasyon ay napangiti ako dahil sa nakita ko. May palabok, spaghetti, pansit at sopas, at syempre hinding-hindi mawawala ang lugaw. Sabihin mo lang sa kanila na lugaw ang bibilhin mo at ibibigay na nila 'yan. Nakatago ang lugaw nila kasi ayaw talaga nila 'yan ibenta — charot lang. Nasa kalan kasi.

"Ang lamig," saad ko sa aking sarili. Ang lakas pa ng hangin, pero hindi uulan. Sadyang malamig lang talaga, syempre madaling araw, e. Tapos nakalimutan ko pang magsuot ng may sleeve na damit — nakasando lang kasi ako ngayon.

"Ano sa‘yo?" Tanong ng tindero. Inaantok pa ako at humihikab. Napahikab din ang tindero, mukhang antok pa. "Sopas po tapos..." agad siyang kumuha ng plastik na dahilan mapahinto ako sa aking sasabihin. Saka na lang kapag tapos na siya sa sopas. 

Nang matapos siya sa pagsandok ay nagsalita na akong muli. "Palabok po saka pansit — dalawa pong pansit," pagpapatuloy ko sa sinabi ko kanina sa tindero. 

"Ano pa?" Kuya, 'wag mo po akong budulin — charot. "Isa pong lugaw,'yung may bawang po. Dagdagan mo na po ng dalawang tokneneng saka isa rin pong toge — ay dalawa na lang po pa lang toge," saad ko sa kaniya.

"Isang lugaw, dalawang tokneneng saka dalawang toge?" Pagkukumpirma niya at napatango naman ako sa kaniya. 

"Ten... twenty... forty... twelve times four equals ... forty-eight plus forty equals... eighty-eight — eighty-eight. Eighty-eight lahat, 'nak," ibinigay ko ang isang daang piso at sinuklian naman ako nito ng dose pesos pagkatapos. Gusto ko na umuwi. Ang lamig na e.

Bumalik na ako sa bahay. Nang makauwi ako sa aming tirahan ay kumuha ako ng mangkok para ilagay ang sopas. Ibinalik ko na rin ang sukli kay mama nang makita ko siyang gising na rin. Siya ang kakain ng lugaw at sina kuya ang kakain ng palabok at pansit. 

Mahilig kami ni mama sa masabaw sina kuya naman ay mahilig sa pansit. Ipaiikot na lang daw nila yoong tinidor saka kakainin nila, hindi na raw kailangang hipan kasi hindi raw kasing init ng kakainin namin ni mama.

Iniwan ko muna saglit ang pagkain ko at kinuha ang selpon ko sa taas. Habang papunta ako sa may lamesa ay nakita ko na si mama sa may upuan katabi ng mesa. 

Ibinaba ko ang selpon ko sa lamesa at binigyan si mama ng mangkok para gawing sumbrero. 

Inilagay ko ang lugaw rito pati na rin ang tokneneng. Kumuha rin ako ng platito para paglagyan ng suka na para sa tokneneng. Ewan ko kay mama. Mas bet niya raw nakabukod ang suka sa lugaw. Sarap nga ng lugaw kapag may suka, e. Pero sige lang, trip niya 'yan, e.

"Good Morning, mama," nginitian lang ako ni mama at tumayo siya papunta sa may lababo.  Pansin ko si mamang hindi makatayo at makapaglakad nang maayos. "Mama, ayos ka lang?" Tanong ko. Tumango naman ito, pero parang may hindi magandang nangyari e. "Sure ka, mama?" Tumango ito ulit at bumalik na sa may upuan. Bumalik na rin ako sa uupuan ko kung saan malapit ang pagkain ko. Malayo ako kay mama kasi baka may makita siyang messages sa cellphone ko.

Nag-open ako ng messenger ko at may bungad na 'di ko inaasahan. "Good morning po," message ni Mr. Virgo, pero sa group chat ako nag-good morning. 

*Mr. Virgo • active now*

Santana Connor:
Hmm

I.L. : The Beginning (Ongoing)Where stories live. Discover now