09 : New Acc

3 0 0
                                    

Chapter 9

Kinabukasan ng kahapon ay syempre papasok ako ng paaralan - para mag-aral, hindi maghanap ng lalaki. Inihatid kami ni kuya Samuel hanggang sa makarating na kami sa aming paroroonan. As always, ligo, kain, paghahanda ng mga gamit ang inasikaso namin bago pumaroon sa paaralan.

"What if gawa ulit ako ng account, pero secret lang?" Sabi ko sa isip ko. What if lang naman, di ba? Tapos maglibot-libot ako sa RPW. Tingnan ko kung ano 'yung mga kadalasang ginagawa ng mga roleplayer sa roleplay world.

Habang wala pa si ma'am ay nag-wattpad muna ako. Ayokong buksan ang iba kong social media account, lalo na at wala akong load. Offline stories lang sa wattpad ang kaya kong basahin. Saka na ang iba kapag may load na ako. Re-read na lang muna, but just for now. Baka bukas magka-load na ako. Baka lang. Hindi ko pa sure.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" Salubong ng bagong teacher namin sa Filipino. Nagsitayuan kaming lahat at nagbigay ng galang. Syempre, nakangiti rin kami para mas ganahan siya magturo at ganahan rin kami makinig, mag-aral at matuto. "Magandang umaga din po sa inyo aming guro!" Pagbati namin sa kaniya pabalik.

Bakit para akong na-in love? Ang ganda ni ma'am!

"Ay? Kamangha-mangha at kayo'y nagsasalita ng Filipino," ay, parang si ma'am Eliza rin pala ito. Filipinong-filioino ang wika, tagalog na tagalog kung magsalita. Sana maranassn ulit namin 'yung paminsang pinapasok kami nang naka baro't saya tapos, mukha akong sinaunang babaeng buffed. Nagmukha talaga kaming nasa panahon ng nakaraan, kung saan lahat ng nga babae ay nakasuot ng saya at ang mga lalaki ay nakabarong tagalog.

"Aming guro, tayo'y Pilipino kaya nararapat lamang na magsalita tayo ng ating wika at una pa lamang ay itinuro na ito ng ating mga magulang," mala ginoong sagot ng isa sa mga kaklase namin. Isa siya sa kaibigan ko at napaka-gentleman - ang ibig kong sabihin ay napakahinno talaga nito. 'Yung tipong magkakagusto ka talaga sa angking galang, respeto, talino, disiplina, at mapagmahal niyang pagkatao. Gwapo rin siya, pero wala akong nararamdaman para sa kaniya. Palagi niyang pinapahanga ang mga babae sa buong silid namin, lalo na sa buong paaralan.

"Haha, magaling. Ano nga pala ang iyong pangalan, ginoo?" Tanong ni ma'am sa kaklase ko, which is yu'ng sumagot kanina.

"Ako nga po pala si Koronel Gonzales." Koronel Gonzales, siya ang pinaka kinababaliwan dito sa public school. I mean, hindi naman baliw na baliw ang mga babae dito, mapansin lang niya. Like, wala siya sa libro at hindi mala-fictional characters sa isang libro ay sobrang nakababaliw, pero minsan nakababaliw naman kasi talaga ang mga salitang ipinapamalas niya lalo na't nagmumukha siyang makata sa ginagawa niya. Mapa filipino, Ingles o kahit anong lenggwahe pa 'yan ay kaya niyang bigkasin na para bang nag-aral siya sa iba't ibang bansa kahit hindi pa siya ipinapanganak ng nanay niya.

Isa rin siyang volleyball player. Tuwang tuwa ang mga girls lalo na kapag naglalaro siya ng volleyball. Minsan pa ngang sumisigaw ng "paluin mo ako" tapos, ng "biglain mo". Minsan na rin akong na gi-greenminded dahil sa pinagsasasabi nila. Sinong hindi magigreenminded kung 'yung mga sumigaw no'n is mga babaeng ang palaging pinag-uusapan ay mga bad - basta about sa Rated 18+. Pang-adult na ang talaga ang mga pinag-uusapan.

"Mahusay, Koronel at maraming salamat. Kayo ay maaari nang umupo. Maraming salamat sa pagbati sa akin, mga mag-aaral," saad ng aming guro.

"Maraming salamat, binibini," nag-bow din siya sa teacher namin. Gwapo ni Koronel, ah. Pero mas gwapo ako.

•••

Someone's Point of View

"Pare koy, ano? Nakahanap ka na ba ng girlfriend?" Kailangan ba talaga? Wala rin namang nagkakagusto sa akin lalo na't puro ako bisyo. Hindi ko rin mapigilan lalo na't adik na adik na ako sa sigarilyo at alak.

I.L. : The Beginning (Ongoing)Where stories live. Discover now