06 : Section Picasso

3 0 0
                                    

Satana's P.O.V.

"Oh kuya," salubong ko kina kuya ko sa may basketball court. 12:p.m. na at kanina pa pala kami hinihintay ni Kuya Samuel sa labas ng eskuwelahan. Pumunta na rin kami sa may labas ng eskuwelahan para salubungin si Kuya Samuel na kanina pa naghihintay. "Sorry, ngayon lang kami," saad ni kuya Simuel kay kuya Sam. 

     "Ayaw ka pa rin talaga tigilan kuya, ano?" Tanong ko kay kuya Simuel na nagpabalik ng inis niya sa mukha. Dapat pala hindi ko na tinanong.

     "Oo, e. Nakakainis na nga, e." Halata sa boses nito ang inis. Nakita ko rin si Kuya Sandie na napatawa nang mahina. Nakita naman ito ni kuya Simuel kaya nanahimik na lang si kuya Sandie. Baka kung ano pa ang mangyari sa loob ng sasakyan ni kuya. Nang-aasar pa nga hahaha.

     "Kuya, uwi na tayo. Nagugutom na rin ako, please?" Gusto ko na talaga kumain kaso ang tagal nila kuyang bumaba. Pero ngayong nandirito na sila ay happy na ako hahaha. Syempre,  makakakain na ako.

     "Oh sige, tara na. Kahit din kami ay nagugutom na." 'Yown! Lezzgo "Hahaha yehey!" Iyan lang pinag-usapan naming tatlo at kinabukasan na agad. 

     Oh diba? Hahaha ang bilis. Parang pag-iwan niya sa iyo. Mabilis pa sa fast.

•••

     Umaga na, mga 4:30 a.m., oras na para sa almusal namin. Chineck ko ang cellphone ko at 4:27 a.m. na nga talaga ng umaga. Hindi man eksaktong 4:30 a.m., pero mag-po-four-thirty na. 

     Bumaba na ako para magbanyo, pero may tao roon. Kaya naghintay na lang ako kahit ihing-ihi na ako. Konti na lang ay lalabas na ang ihi ko galing sa aking --- uwu hahaha. 

     Hanggang sa banyo ay dala ko ang cellphone ko. Nagbabasa ako sa wattpad hanggang banyo, e. Minsan, ang lakas ng loob ko. Pati sa tabi ng kalsada, nagbabasa. Wattpad is Life.

     Nag-asikaso na rin ako lalo na't may pag-uusapan pa raw kami. Sabi sa group chat ng group namin sa science. Dahil nga sa apat kaming papasok sa umaga ay nagsiligo na sila. Nagpahuli na ako kasi nag-update si author ng tatlong chapter ng story niya. Mamaya na lang ako maliligo,  magbabasa at kakain muna ako.

     As always, pupunta na kami ng school. At boom! Nasa school na kami. Voila!

     "Oh, hindi ka pa papasok sa room niyo?" Papasok ako. May nagkakabit pa raw ng electricfan sa room namin. 5:40 am pa lang, oh. Excited yarn? "Kuya, may nag-aayos pa raw ng electric fan sa mga classroom."

     "Ay meron? So, dito ka muna sa may guard house?" Yez Yez yah "Yup."

     "Oh, sige, ingat ka dito ah." Okay po "Opo kuya."

     "Babay!"

     *ting* tunong ng cellphone.

     Nang marinig ko ang pag notif ng cellphone ko kasabay ng pag-vibrate nito sa bulsa ko ay agad ko itong kinuha. Tiningnan ko ang notification at sumakit ang mata ko nang makita ko ang pangalan ng lalaking nagpakilala na ipinakilala raw siya ni Quinny. 

     Bakit ba kasi? Kailangan ko na bang magjowa?

Jake Navarro:
Hi

Eh? Umagang kay gandang ihagis ang cellphone. Bakit pa 'to nagparamdam?

Hellmon Infier:
???

Jake Navarro:
Wala kang Jowa, di 'ba?

Oh, tapos? Hindi siguro 'to nagbackread.

I.L. : The Beginning (Ongoing)Where stories live. Discover now