Chapter 38

28 1 0
                                    


✨Avlaire's POV✨

Hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin kaya naman umalis na ako sa harap n'ya ng wala sa sarili. Mabigat ang loob ko. I felt like the world is playing with me and hurting me to the point na hindi ko na kayang tiisin. I know I sometimes a sinner like I can't control my kamalditahan but that's just my defense mechanism para 'di masaktan. But look at me now? Hindi umubra 'yung wall na ginawa ko para 'di masaktan.

While driving 'e umiiyak ako. An sakit sakit ng lahat. Wala naman akong ginawang masama sa mundo pero bakit kahit isang bagay, 'di man lang nila ako bigyan ng dahilan para sumaya? Hanggang kalian ko ba kailangan tiisin 'yung ganito? Kailan ba ako makakahanap ng pahinga ko? Gusto ko lang naman ng atensyon ah. Gusto ko lang naman ng taong pwede akong magpakatotoo. Bakit kung kalian naman kaya ko ng magmahal, ngayon pa ayaw ako pagbigyan?

I don't know kung saan pupunta nor kung kalian titigil. Gusto ko lang magdrive nang magdrive at iwan ang mundo kaso.. paano? Pwede bang mawala saglit 'yung malayo sa kahit na saan? Nananatili naman ang mabigat na pagbagsak ng ulan at nananatili din ang mga hikbi ko at sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko kahit anong sigaw, pagdadabog, at pagsisisi 'e wala .yong magagawa sa kung ano man ang nararamdaman ko. Pilit ko namang pinupunasan ang luha ko at pinapakalma ang sarili.

"Avlaire, kaya mo 'to. We've been broken before. Nasaktan na tayo dati. Umiyak ng todo pero 'di ba kinaya natin? Eto.. *hik* pa kaya", pilit kong pagpapakalma sa sarili at tinigil ang kotse.

Tumungo ako sa manibela at iniyak doon ang lahat. Sumigaw ako, sinaktan ang sarili, at iniyak ang lahat hanggang wala nang lumabas na uha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano 'yon katagal. Hindi ko alam kung paano natapos pero pag angat ko sa ulo at pagtingin sa tahimik na daan 'e alam kong tama na. Tapos na ang pag iyak ko at mas piniling kalimutan lahat ng sakit. Habang tinatahak ko ang napaka habang road na 'to, alam kong anytime pwede akong makatulog o mapabayaan ang lahat dahil sa pagod.

Pwede ko naman ibangga lang 'to o ihulog sa bangin 'diba? Tanong ko sa sarili at natawa sa sariling plano. Huminga naman ako ng malalim at kinalimutan ang thought na 'yon. No. My mother still needs me. Kailangan ko pang iligtas s'ya from her misery na dala ni dad. She's always wishing na Makita ako in a white dress, I need to see her smile again. Kapag nawala ako, iiyak si mama. Ayokong maging free from pain pero maging forever regrets ng mama ko.

As usual, pinaniwala ko ang sarili na kaya ko, na wala akong pakialam sa lahat. Si Aki? Lalaki lang 'yon. I do want him but that doesn't mean na I need him to live my life. I can have any man noh. My company? I can create a new one. It's not that hard as long as I have the connection and the intelligence to run the company. My dad? I don't care about him. Kahit mamatay pa s'ya d'yan, magpapaparty pa ako. After three hours na puro ganoon lang ang thinking ko, I felt better.

Maybe I'll just accept the fact na wala na alaga kami ni Aki. I forgot for a second na langit nga pala ako and lupa s'ya. He's just a farmer and hindi n'ya ako deserve. Oo, 'di n'ya.. Argh! Whatever. Deserve naman naming isa't isa pero baka 'di kami meant to be. Napansin kong malapit na ako sa Manila after here hours of driving, 'di ko alam kung dahil sa hindi traffic or sobrang bilis ko lang magpatakbo. I'm too occupied para isipin pa 'yung unnecessary matters.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Manila ay agad nag ring ang business phone ko. Nasira kase 'yung personal phone at nabasa kanina. Sinagot ko naman 'yon like a boss kase employees ko lang naman ang may alam ng number ko doon.

"What?", malamig kong tanong at pinaparamdam na ayaw ko nang magpaliigoy ligoy.

"Avlaire.", tawag n'ya na ikinahinto ng paghinga ko. Natapakan ko din ang braker dahil sa gulat.

"How did you know my number?', I asked and hindi naman n'ya ako ssinagot.

"Did you see the location?', madidiin n'yang pagbigkas. Napairap naman ako sa ere at nagsimula na ulit magdrive.

"No. Told 'ya, I'm busy.", I said at narinig ko naman ang angil n'ya na parang nawawalan ng pasensya.

"I told you-"

"Send it again. I need to kill him.", seryoso kong sabi at pinutol ang balak n'yang speech. Ngayong punong puno ako ng galit sa mundo, sa kanya ko nalang ibubuhos lahat kase kung hindi dahil sa kanya, I will never meet Aki, hindi ko maiiwan ang company, and sana, I'm still living the life like a queen. Pinatay na ni  father ang tawag at ilang segundo lang 'e nagsend na s'ya ng location.

Agad kong niliko ang kotse ko dahil sa ibang ddireksyon 'yon at nalagpasan ko na. Lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko 'e napalitan ng galit at frustration. Lahat ng 'to 'e nangyari lang dahil sa plano ng taong 'to. Hindi ko alam kung anong laro ang iniisip n'ya pero ang galling n'yang paglaruan ako. At ngayon mag aaya s'yang magpakasal? Ibig sabihin 'e kilala n'ya ako ng matagal na. Hindi kaya s'ya din ang dahilan ng pagbagsak ko? Sa pagkakatanda ko 'e second largest group ang family n'ya. Pero bakit? Anong mapapala n'ya sa'kin?

Nakarating ako sa parang park. Maliwanag ang lugar at may fountain pa na paiba iba ang kulay. Kung tutuusin ang romantic ng lahat, pero hindi ko naman mafeel 'yon dahil naiinis ako ngayon at gusto ko nalang manapak. Napatingin ako sa phone ko nang magring 'yon at napabuntong hininga nang makitang si father 'yon.

"Are you kidding me?", I asked immediately.

"He said he is in the swing. He is the son of Gioni and the one who wanted to marry you. Be-", nagtaka naman ako nang bigla 'yong naputol. Hindi ko nalang inisip pa at mabilis na naglakad papalapit doon sa lalaki sa swing.

Looking at his back, napatigil ako nang medyo pamilyar 'yon sa'kin. Pati ang buhok at tainga n'ya, kilalang kilala ko. Hindi man kami ganoon katagal magkakilala, alam ko naman ang itsura ng iilang bahagi n'ya. Alam kona kung sino ang nagpadala ng delivery sa bahay, naglagay ng letter sa desk ko, kung bakit ako nakatulog sa truck.

"Avlaire..", tawag n'ya ng may ngiti sa labi nang lumingon s'ya sa'kin.

"Pit."

Saved By The Cold Hearted FarmerМесто, где живут истории. Откройте их для себя