Chapter 6

33 0 0
                                    

"Teka, may nangyari ba habang wala ako?", mahinahon n'yang tanong habang nagliligpit nung pinagkainan namin. Umupo naman ulit ako sa isang table doon. "Pwede bang paki abot nung basahan?", he asked at tinignan ko naman s'ya ng may pagtatanong. Nagets naman n'ya 'yon ata at agad tinuro ang blue cloth na katabi ko lang halos.

I looked at it with disgust kase it's really dirty before ko s'ya kunin ng dahan dahan at ingat na ingat kapitan dahil baka madikit sakin. Nilunok ko nalang lahat ng pride ko at inabot kay Aki yung sinabi n'ya. "Thanks.", dagdag pa n'ya na muntikan nang magpangiti sakin.


Naalala ko ang tanong n'ya at saka marahang sumagot. "Wala namang nangyare. Kumain lang kami ng minatamis na saging.", derestso kong sabi na ikinagulat n'ya. Tumingin naman s'ya sakin at ngumiti.

"Masarap magluto si mama diba?", masaya n'yang tanong na nagbigay ng kilitio sa puso ko. Napatungo ako at napahampas sa lamesa ng mahina.

Umasta naman ako na parang hindi interesado. "Well, yes.", sabi ko nalang habang tumitingin kung saan saan. Mamaya isipin n'yang sabik ako sa ganoong mga bagay kung sasang ayon ako sa kanya ng sobrang saya eh. Nakatalikod na s'ya sakin dahil nagsisimula na s'yang maghugas ng plato.

"Ano nga palang plano mo?", maya mayang tanong n'ya habang nakaharap pa din dun sa sink na gawa sa kahoy. Naalala ko din kung paano ako tanungin ng mother n'ya at napaisip na mag ina nga talaga sila.

Huminga ako ng malalim bago nagsalit. "Well, sabi ng mother mo, six months pa daw bago may dumaan na car or truck dito. Wala bang town hall dito or something?", I asked at ilang segundo bago s'ya sumagot.

"Tatawid pa ng dalawang bundok at isang sapa.", sagot n'ya na nagpatayo sakin dahil sa gulat.

"WHAT?", sigaw ko na hindi naman n'ya ikinagulat.. "Gaano ba ka isolated 'tong napuntahan ko?"

"Sobrang isolated, Miss.", sagot n'ya with a sarcastic tone. "Wala ring mga cellphone dito o signal dahil masyado 'yong mahal. Mas gusto ng mga tao ang tahimik at maliit na baryo na 'to kaya tinanggihan ng karamihan ang pagtatayo ng mga tower dito. Ang meron lang eh kuryente, minsan nawawala pa.", paliwanag n'ya. Hindi ko masyadong inintindi ang sinabi n'ya dahil masyado akong focus sa boses n'ya.

"Argh! So wala akong choice but to stay here?", tanong ko na ikinatawa n'ya.

"What do you mean by staying here, miss? Are you thinking ba na dahil ako ang nagdala sayo dito ay respnsibilidad kita?", tanong n'ya na parang ginagaya ako at medyo ikinagulo ng isip ko.

"Uhm, yeah?", sagot ko na nagpaharap sa kanya.

Huminga s'ya ng malalim at pumayweng. "Then, you're wrong. Akala ko ba ayaw mo dito?", he asked habang tinitignan ako gamit ang mapupungay n'yang mata. There, I hate it when he's asking so gently and walang mockery na concern.

Inirapan ko s'ya bago sumagot. "Do I have choice?"

"Meron. May mga bahay na pinaparenta malapit sa bayan, pwedeng doon ka tumira", sabi n'ya at saka bumalik na sa paghuhugas. Napaisip naman ako sa sinabi n'ya.

"But I need money for that diba?"

"Yes."

"Bibigyan mo ko?"
, I asked genuinely at agad naman n'ya akong sinagot.

"No."

Mas lalo akong nanlumo dahil sa sagot n'ya. "Why?", maarte kong tanong na hindi man lang n'ya pinansin. Well, I know naman kung anong dahilan ng pagtanggi n'ya. Parang kasalanan pa n'yang pinick ako at binigyan ng shelter kung ganoon. I know fully well na hindi ibig sabihin nakipag talk ka or emerge sa isang company, eh need mo na itake responsibility yung downfall nila.

"Wala na bang ibang way?", I asked him and sakto na rin ang pag uusap namin sa pagkatapos ng paghuhugas n'ya.

Tumingin s'ya sakin at dahan dahang lumapit sa table ko. "Meron.", masaya n'yang sabi na agad kong ipinagtaka.

"What?", I asked while nakatingala ako sa kanya.

"Magtrabaho ka.", sagot n'ya at saka naglakad papunta sa likuran ko.

"WHAT? DO YOU EXPE –", hindi ko na natapos ang sasabihin nang takpan n'ya ang bibig ko gamit ang mainit n'yang mga kamay.

"Shhh.. Natutulog na sila mama. 'Wag kang sumigaw.", mahinahon n'yang saway at saka bumalik na sa ginagawa n'ya. Inaayos n'ya yung mga bottles na nasa likuran ko. Tumayo naman ako at nagsalita ng may inis sa tabi n'ya at sinusundan ang bawat galaw n'ya. Nagreklamo lang ako buong pag uusap namin na pinakinggan lang naman n'ya ng buo. Natameme naman ako nang tignan n'ya ako sa mata. "Then, ganito na lang. Tutulungan kitang kumita at hanggang sa makaipon ka, dito ka muna. Pero, habang nandito ka, tutulong ka sa gawaing bahay at tutulungan si mama."

Matapos kong makipagtitigan at maprocess ang sinabi n'ya ay agad akong sumagot. "NO!", matigas kong sagot. "I will stay here gusto mo man o hinde and why would I work kung you can provide naman and duh-", napatingin ako sa paa ko nang may malamig na pumatong roon. "KYAAA!", agad akong napatlon kay Akio na agad din naman n'ya akong nasalo. "WHAT A MOTHER FREAKING FROG.", kinakabahan kong sigaw at lalong kumapit sa leeg ni Akio.

Narinig ko naman ang tawa n'ya na mas ikinainis ko. "Ano ulit yung sinasabi mo?"., nakangiti n'yang tanong at parang may pinaplano. Sa sobrang lapit ng muka n'ya, naramdaman ko ang mainit n'yang hininga na nagpakabog ng puso ko.


"I- I said na hindi ako- KYAAA!", tili ko nang medyo ibinaba ako ni Akio towards dun sa palaka. Todo kapit naman ako sa kanya at mukang tuwang tuwa s'ya sa nangyayari. "OKAY! OKAY! PAYAG NA AKO~ J- J- JUST GET RID OF THE FROG PLEASE.", I shouted habang nakapikit at sumisiksik sa leeg n'ya. Ramdam ko pa din ang bungisngis n'ya at dahan dahang paglalakad. Naririnig ko din ang paggalaw ng slippers n'ya na kumikiskis sa lupa.

Buhat buhat pa rin ako ni Aki habang binubugaw n'ya ang palaka at ramdam na ramdam ko ang braso n'ya sa likod ko at ilalim ng tuhod. Halatang halata na ingat na ingat din s'ya sa paggalaw at paghinga. Sa buong pagkakataon na nasa kamay ako ni Aki, wala akong ibang naisip kundi pakinggan ang tibok ng puso n'ya at lasapin ang pagkakataon.

"Pwede ka nang bumitaw.", maya maya pang sabi ni Aki na hindi ko pinansin. Ramdam ko ang paghinga n'ya ng malalim at sa mabilis na pagbitaw sakin. Napababa naman ako agad pero ang mga kamay ko ay nananatiling nasa leeg n'ya.

"Why so sungit, Akio?", mahinahon kong tanong na mukang ikinagulat n'ya. Mabilis din naman s'yang nakarecover at tumingin sakin ng deretso.

Hinawakan n'ya ang baba ko at itinaas 'yon ng kaunti. "Tigilan mo na, Avlaire. Dahil kapag nagsimula ako, hinding hindi ko na tatapusin.", sagot n'ya at mabilis ngunit maingat n'yang tinanggal ang mga kamay ko.

Saved By The Cold Hearted FarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon