Chapter 28

23 1 0
                                    

Avlaire's POV

Naglalakad na kami ngayon ni Pit pauwi sa madilim na kung saan man 'to. I'm holding the hem of his shirt para 'di ako mawala or what kasi hindi ko s'ya makita kanina.

He offered his hand naman ang kaso, I can't hold it at baka kung anong isipin n'ya. I don't want to take advantage of this lalo at he said na he likes me. Right now, ang iniisip ko lang ay si Aki and his reasons kung bakit wala s'ya ngayon. Maybe may inasikaso s'ya or emergency na he can't just leave behind. Well, I understand it naman. Maybe I'll ask his mother nalang.

"Ano? Ayos ka pa ba?", hindi ko alam kung nang-aasar si Pit o genuine na nagtatanong. Hindi ko rin naman makita ang face n'ya dahil nauuna s'ya at medyo madilim.

"Pit, why this daan looks so long? Kanina pa tayo naglalakad ah.", sabi ko pa at 'di pinansin ang tanong n'ya. Narinig ko naman ang mahina n'yang tawa na ikinataas ng kilay ko kahit 'di n'ya kita.

"Muka lang mahaba kasi madilim.", saad pa n'ya at nagtuloy lang sa paglakad. May minsanan naman na kinakapitan n'ya ang braso ko at inaalalayan ako kapag mumuntik-muntikan akong madulas o matapilok. "Ayaw mo talagang kumapit?", muli n'yang tanong na tinanggihan ko.

"No, Pit.", I said and sumipol naman s'ya ng mahina.

"Aalalayan lang 'e.", parang nakanguso n'yang sabi na nag pairap sa'kin.

"Kapag hinawakan kita, kikiligin ka noh. How can you move on then?", tanong ko naman na ikinatawa n'ya.

"Galing mo dun ah. Pero aalalayan nga lang kita. Lika na. Ngayon lang. Nahulog naman na ako, ngayon pa ba ako mag iingat?", tanong n'ya na ikinatahimik ko. Masyadong mabait sa'kin si Pit at ang trato n'ya eh laging gentle. Hindi rin s'ya mayabang at nakakainis kaya naman lagi kong iniisip ang responses ko sa kanya because he's too good sakin kaya I can't just hurt him.

"Pit, you know naman na I like Aki 'di ba?", mahinahon kong tanong and sumang ayon naman s'ya.

"Hayaan mo nalang na gustuhin kita. Wala panamang kayo ah? Tsaka may sinabi ba s'yang gusto ka n'ya?", tanong n'ya na nagpatahimik sa'kin. Hindi na ako nakapag salita pa at sumunod nalang sa kanya. Hindi naman na kami natagalan sa paglalakad at nakarating din sa papalabas.

Marami nang mga bahay at maliwanag na din dahil sa kanya kanyang ilaw nila. Mayroon din na mga nasa labas pa at nagkukwentuhan, may mga nag aayos o kaya nama'y nagwawalis. May iilang bumati din kay Pit na nginitian ko nalang. Habang naglalakad naman ay nagkukwento si Pit tungkol sa mga bumati sa kanya na sinasabayan ko nalang pero hindi ko inaalala. Mas iniisip ko ngayon ang sinabi n'ya at kung ano talagang nararamdaman ni Aki.

Nang makarating kami sa bahay nila Aki, agad namang sumalubong sa'min ang mabangong amoy ng kung anong niluluto sa kusina. I always smells this kind of delicious aroma pero I never got tired of it even once. Nagdere-deretso kami sa loob at binati ang mother ni Aki.

"Si Aki po?", agad kong bungad pagkatapos nilang magbatian ni Pit. Nilibot ko na din ang buong bahay at ni anino ni Aki eh hindi ko nakita. Napansin ko ding wala ang sister n'ya pero alam ko namang she's resting na kasi maaga talaga s'ya natutulog 'e.

Ibinaba nung mother ni Aki yung spatula na kapit n'ya at pinunasan ang kamay. Nagpunas din s'ya ng pawis at maaliwalas na tumingin sa'min.

"Ah, si Aki? Nasa kabilang baryo eh. Asa munisipyo ata at nandito si Karin.", she said na nagpacurious sa'kin.

"Oh? Ba't ngayon nga lang pala s'ya? Biglang nawala 'yun neh 'ta.", sabi ni Pit na gulat na gulat pero mahahalataan ang saya sa voice n'ya. "Kaya pala wala si Aki maghapon. Kala ko eh nagtagal kila paps.", dagdag pa n'ya na wala man lang akong naintindihan kahit isa.

Tumango ang mother ni Aki habang nakatingin kay Pit. "Kaya din siguro ang bilis ni Aki na puntahan kasi nga biglang nawala si Karin. 'Yung batang 'yon paalis alis bigla at parang kabuteng susulpot nalang.", dagdag pa 'ya na ikinatawa nila. Pinanood ko lang silang mag usap.

Nag exchange lang sila ng nakaraan about doon sa Karin. May kanya kanya silang memories with her na mas ikinagulat ko. Mukang close s'ya sa kanila at marami na ring times na nakapag stay ditto. No wonder hindi nagpapanic ang mother n'ya at parang casual nalang si Pit.

"Si Karin po ba is the one who's teaching Aki?", I asked and tumango naman si Pit.

"Oo, s'ya 'yung nagtuturo ay Aki ng English tapos 'yung mga pwede pa maturuan noon.", dagdag pa n'ya at tumango naman ako.

"Oh, is she old?", I asked and natawa naman sila.

"Nako, mas bata 'yon satin. Bente ata. Mga ganon.", sabi n'ya na nagpalumo sa nararamdaman ko. Lumunok nalang ako ng ilang beses at pinakiramdaman ang sarili.

Sa pagkakatanda ko, wala namang espesyal na sinabi si Mang Tor tungkol sa kanila. At tsaka- AH WHATEVER. I HATE YOU AKI .Yes, I hate him. So hindi n'ya ako sinundo because of that girl? He chose her over me ha? And duh, kung gusto n'ya talaga makakagawa s'ya ng paraan para masundo ako or magsabi man lang. How cruel is that man ba ha?
Napansin naman ata ng mother ni Aki ang pagbabago ng timpla ko kaya naman nag change s'ya ng topic at nag aya nang kumain. I rejected it at dumeretso nalang sa kwarto ko. Before na makapasok doon ay I immediately went back to Aki's mother and kay Pit.

"Uuwi ba si Aki?", I asked and nagtinginan naman sila bago sumagot.

Pit shrugged. "'Di namin sure 'e. Kadalasan mags-stay doon si Aki o kaya papalipas ng gabi tapos uuwing kasama si Karin. Minsan uuwi tapos babalik doon.", paliwanag ni Pit na nagpatulala sa'kin at bumalik na ulit doon sa kwarto.

Nakatulala lang ako for ilang minutes at iniisip kung anong dapat kong gawin. May may plano at tanong na akong I want Aki to answer pero kasi, wala namang kami. Yes, Aki is entertaining me or flirting back pero I can't just say it to him na he's playing with me ba or he's serious. I also know my limitations para magialam sa buhay ni Aki. I rolled my eyes kasi naluluha na ako. I know naman na it's wrong to be jealous to someone or makaramdaman ng hurt lalo na kung hindi ka naman talaga nya responsibility.

Anyway, duh? Here we are again Avlaire. Crying over a man who's... handsome, tall, sweet, snob, cute, and a husband material. And his body's hot. Why am I crying over him? HA? Well, sino bang hindi kase? Can I just have Aki? NO. I don't need someone like him. Wait. I want him okay? ARGH!

"Nakakapagod din ang pagsimangot kaya kumain ka muna kesa mahimatay ka d'yan at 'di maabutan si Aki.", agad akong napatingin kay Pit nang marinig ko ang boses n'ya. Nakasilip s'ya sa may huge window or nah, pasukan ng kwarto na kurtina lang ang harang.

Nakasimangot ko s'yang tinignan at nababa ang tingin sa plato at basong kapit n'ya.

"Oh, kain ka na.", sabi pa n'ya pero hindi naman ako nagsalita.

"Tanungin mo si Aki kung anong plano n'ya. Kung hindi ka n'ya mamahalin pabalik, tandaan mong nandito ako, sasaluhin kita."

Saved By The Cold Hearted Farmerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن