Chapter 4

37 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at nandito pa din ako sa shabby house nila Aki. Sa unang araw ko dito ay talagang marami akong ikinagulat at hindi matanggap. Bago nga ako nakaligo that day tatlong oras din akong nakipagtitigan sa tubig at saka ako nag decide na for now lang naman and babawi nalang ako kapag balik ko sa house. 

Nakailang tili ako dahil sa lamig ng tubig and since that day, sabi ni Aki, pwede naman daw ako mag init ng tubig but dun ko s'ya gagawin sa smokey na kalan. I can't stand the thick fog from it kaya mother nalang ni Aki ang gumagawa.Sa apat na araw na nandito ako sa kanila, suot ang clothes ng mother ni Aki at natutulog sa kwarto n'ya, wala akong ginawa kundi ang tumulala at pagmasdan lang sila buong araw. 

Hindi ko masyadong nakikita si Aki netong mga nakaraan kase sabi nung mother n'ya, nagtatrabaho daw 'yon. And now, ang kasama ko lang ay ang mother n'ya at saka 'yung cute little child. Nakaupo kami dito sa tinatawag nilang kubo and she's hugging her teddy bear while eating some kind of yellow thing. Inalok n'ya naman ako ng nginunguya n'ya na agad kong tinanggihan. Looks gross so I reject her offer.

"Iha, nagugutom ka na ba?", sigaw nung mother ni Aki while nasa loob s'ya. Napatingin naman ako sa side kung nasaan s'ya and nag come up na pwedeng idahilan. I actually doesn't like their food kase it taste foreign and hindi talaga s'ya matanggap ng sikmura ko. Until now, kakaunti pa din ang nakakain ko and I feel like it's more than a diet yung ginagawa ko.

"No. I'm fine.", sigaw ko pabalik at tumingin sa bata. She smiled at me pero biglang tumalon pababa nang marinig n'ya ang ubo ng mother n'ya. Agad s'yang tumakbo papasok kaya agad akong sumunod. Mukang nagpapanic s'ya kaya I atleast need to check the situation. Nang makarating kami ay agad umupo yung bata sa sahig para magkapantay sila nung moher n'ya. Hinawakan n'ya yung mother n'ya sa balikat at parang sinisilip ang muka ng babaeng nasa harap n'ya.

"Mama! Yaya tawag ko.", nag aalalang tawag nung bata. Umuubo pa rin yung mother n'ya kaya agad akong lumapit. Nag-lean ako hanggang sa katapat ko na s'ya. Hindi ako umupo sa sahig unlike the kid pero I still can see her mother's face. "Okay lang po ba kayo?", nag aalala kong tanong at sinubukang haplusin ang balikat n'ya. Tumango naman yung mama ni Aki pero umuubo pa din s'ya. I decided na kumuha ng tubig pero when I looked around, hindi ko alam kung saan kukuha. Naghahanap ako ng ref or kahit dispenser pero wala. Tumingin ako dun sa bata and nagtanong. 

"Saan yung wate – este tubig?", Tinignan naman n'ya ako ng ilang sigundo at saka tumayo at kumuha ng tubig. Kumuha s'ya ng plastic cup sa table then pumunta sa blue thing at doon kumuha ng tubig. Pagkatapos ay agad s'yang bumalik sa mother n'ya at saka pinainom s'ya ng tubig.-Looking at her, I realized na yung situation n'ya at pag ubo ay hindi normal na nasamid lang. Masyadong matagal at malalalim. I got worried kase hindi ko naman alam gagawin at times like this and what if may mangyare sa kanya without Aki being here. What do they expext me to do kung sakali at saka di kakayanin ng konsensya ko kung sakali mang may mangyare. 

Matapos n'yang uminom ng tubig ay agad s'yang humarap samin at sandali kaming tinitigan bago ngumiti. 

"Salamat, iha. Pasensya ka na at pinag alala pa kita.", mahinahon n'yang sabi at saka dahan dahang tumayo. Inalalayan ko naman s'ya na agad din n'yang pinagpasalamat. "Iha, pwede bang 'wag mo 'tong sabihin kay Akio?", tanong n'ya na ikinagulat ko.

"Po? Akio?", magalang kong tanong. Ngumiti lang s'ya at agad ko namang narealize na mali ang tanong ko. Bakit ba pangalan ni Akio ang gusto kong malaman kesa sa dahilan kung bakit di ko sasabihin. "Bakit po?", tanong kong muli. 

Huminga ng malalim ang nanay ni Aki bago s'ya muling uminom ng tubig. "Alam mo, yung batang 'yon, sa mga panahong 'to, dapat nag aaral s'ya kasabay ni Pit, pero dahil sakin, hindi n'ya magawang gawin ang gusto n'ya. Simula ng mawala ang ama n'ya sa buhay namin, wala nang ginawa si Akio kundi unahin kami kaysa sa nararapat na ginagawa ng mga kaedad n'ya nung mga panahong 'yon. Umabot na s'ya ng bente-uno pero hindi pa din nagbabago ang pagiging mabait ng batang 'yon. Ayaw n'yang nagtatrabaho ako o gumagawa ng mabibigat na bagay dahil nako, pagagalitan ako ng batang 'yon. Doon palang sa pagsasakripisyo n'ya, parang hindi ko na kayang dagdagan pa 'yon kung mag aalala pa s'ya lalo, lalo na kung malalaman pa n'yang may karamdaman ako.", kwento pa n'ya at nakangiti akong tinignan muli. "'Wag mo nalang masyadong alalahanin ang nagyare iha. Iiinom ko lang 'yun ng tubig at okay na ako." 

Sa narinig kong 'yon, mas lalo lang akong nag alala. Naiinindihan ko naman ang dahilan n'ya pero diba dapat sabihin pa din kay Aki kasi mother n'ya 'to? Wala akong makapang sagot dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakarinig ng magulang na inuuna ang kapakanan ng anak. I am only used to parents na ginagamit ang anak nila for achievements or pagkukumpara. And lahat ng nameet kong parents everytime na may gathering after some occasion eh laging pagalingan ng anak tapos ididiscard yung walang pakinabang for them. Hearing Akio's mom saying those stuffs, naninibago akong pakinggan kaya hindi ko alam ang sasabihin. And hindi ko din naman alam ang gagawin lalo at konting scratch lang before eh nagpapaconfine ako. 

Tumango nalang ako sa kanya at nginitian lang n'ya ako. "Sige na, bumalik na kayo doon sa kubo at magdadala ako ng matamis.", sabi pa n'ya at saka tinalikuran kami at bumalik don sa mausok na kalan. 

Habang tinitignan s'ya ay nakonsensya lalo ako nang mapagmasdan ko s'yang maige. At napansin ang magulo n'yang buhok, pawis na pawis n'yang katawan at payat na payat na mga braso. Napatingin naman ako sa bata nang kapitan n'ya ang kamay ko at parang hinihintay na maglakad ako.

"Wait, did you wash your hand?.", I asked pero tinignan lang n'ya ako at halatang hindi ako naintindihan. Huminga naman ako ng malalim at narealize na bata nga pala ang kausap ko, ano pa bang ineexpect kong reaksyon n'ya. Naghintay lang kami sa kubo at nagtitigan. Minsan nagkukwento s'ya tungkol sa laruan n'ya pero wala naman akong maintindihan kaya naman hinayaan ko nalang.

Saved By The Cold Hearted FarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon