Chapter 24

24 0 0
                                    

Avlaire's POV

Hindi agad ako nakasagot kay Pit dahil msaydo rin akong napaisipsa tanong na 'yon. Sa una, nagustuhan ko lang si Aki dahil sa katawan n'ya at muka. Masyado kasing kakaiba ang muka para sa katulad kong nasanay sa men and suits and yung laging maporma. I'm not use din na sungitan because lagi lang akong pinapaboran. I actually hate that kase most of them just wanted me for my status or face. Aki didn't makes me feel that way eh.

He is also very caring kahit hindi direct and hinahayaan n'ya talaga na ako magdecide and matuto for myself. May mga pagkakataon na he loves teasing me but after no'n he will be the sweetest na akala mo may sumpong then back to his being masungit ulit.

“Yes.”, I answered kay Pit na ikinangiti naman n'ya.
Tumango tango s'ya bago nagsalita. “Sabi na eh.”, sagot n'ya na ikinataas ng dalawang kilay ko.

“Why? Napansin mo  ba?”, I asked and tumawa naman s'ya nng malakas.

“Hindi mo naman kasi tinatago.”, sabi pa n'ya at may naalala naman ako.

“Anyway, bakit mo nga pala hindi sinabi sakin 'yung kabiyak? You let those kids na asarin tayo and, Aki told me na kapag nanalo tayo doon, we will dance sa maraming tao doon sa gitna.”, I said and nanahimik naman s'ya saglit.

“Wala lang.”, sagot n'ya at hindi naman ako sumagot at hinintay pa s'yang magsalita. “Maganda kasi pakinggan. Tsaka sasabihin ko naman sayo dapat pagkatapos kaso dumating si Aki at dinala ka.”, sagot n'ya na akala mo'y nalulyngkot sa nangyari.

Narealize ko namang mali ang ginawa kong pag-left sa kanya. We're playing that time and mas pinili ko ang sariling interest bago naisip na madidisappoint ko si Pit. Nagmalasakit na nga s'ya sakin and made me happy tapos I chose to leave him pa. Huminga naman ako ng malalim bago s'ya tinignan.

“Sorry..”, sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi naman kasi ako sanay magsorry kaya medyo ang awkward for me.

Napansin ko namang tumingin s'ya sakin at ngumiti. “Totoo ba 'yang sorry mo?”, he asked at umirap naman ako.

“Malamang.”, I said at napipikon na sa kung ano ano n'yang pang aasar. Nilakasan ko ang pagtapak sa kurtina at tsaka minsang tinutulak s'ya.

“Joke lang eh.”, natatawa n'yang sabi at ako naman 'tong sinungitan lang s'ya.

Nakalipas pa ang ilang minutes at natapos na din kami sa pagtapak n'on. Agad naman akong bumaba at nagplano nang dumeretso sa ilog nang sumigaw s'ya mula doon sa pwesto naming.

“HEEEP!”, sigaw n'ya na nagpatigil sa'kin sa pagtapak sa ilog. “Antayin mo 'ko.”, utos n'ya na ikinataas ko ng kilay pero wala naman akong choice kundi sundin s'ya kase hindi ko naman kabisado 'tong ilog at ang agos n'ya.

Nakatayo lang ako do'n at pinapanood s'yang ibalik ang kurtina at banlawan 'yon. Napipikon na ako kase may mga pagkakataong mukang sinasadya n'yang bagalan at tumatawa kapag natititigan ang nakasimangot kong muka. Hindi ko alam kung ilang minute s'yang nagganon pero ang masasabi ko lang eh nangangalay na ako. Gusto ko na s'yang batuhin at lunurin dito.

Nung natapos s'ya eh sinandya n'ya pang gawin ang kung ano ano at saka lumapit sakin ng tumatawa.

“Lika na.”, aya n'ya at umirap naman ako. Inoffer n'ya ulit ang kamy n'ya pero hindi ko na 'yun pinansin at saka nanguna  na sa tubig. "Abler, madulas ka ha."

"Hindi 'yan.", sagot ko habang nakatalikod sa kanya. Ramdam ko lang din naman na nakasunod s'ya sakin.

Kumpara kanina, mas malamig na ang agos at mas malakas. Naramdaman ko din ang mga dahon na nasasama doon pero hindi ko na pinansin dahil masyadong masarap ang agos ng tubig. Pumunta naman ako sa medyo gitna tinapak ang paa ko doon at kinapa ang pinaka malalim. Hindi ko naman na tinignan si Pit dahil masyado akong busy.

Ibinaba ko ang katawan at napansing hanggang baywang ko lang ang tubig kaya kailangan ko pang umupo sa sahig para mababad ang buong katawan. Pinakiramdaman ko lang ang tuig sa buo kong katawan Pinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang ingay ng paligid at ang agos ng tubig. Napangiti rin ako nang makarinig ng mga ibon at kung ano anong ingay na maliliit. Nagrereflect din ang kulay ng langit sa mata ko kaya mas nafifeel ko ang nature na nakapaligid lang sakin. Hinayaan ko lang na lumipat ang oras at dalhin ako ng kapayapaan kung saan.

Para namang tumigil ang mundo ko at nabingi ang aking tenga nang marinig ko ang malalamig at matitigas na salita na kalian man ay ayokong naririnig mula sa kanya.

“Avlaire.”

Saved By The Cold Hearted FarmerWhere stories live. Discover now