Habang nag aantay ako ay nag beep agad ang cellphone ko. Tiningnan ko muna si kuya at huminga ako nang maluwag dahil may kausap pala sya sa cellphone nya. Nang kunin ko ang cellphone ko at nakita ko agad ang chat ni milan na ikinatawa ko.

From:MilanPogi
Message: ZEN!! baka may bbq dyan ha!! Uwian moko!! Inubusan ako nina nine nang kwek-kwek kanina!! Huhu.

From: Milanpogi
Message:  ALAM MO BA!! sympre hindi!!.....  UMALIS SI KOLE AT NICHOLAS!! MAKIKI BAR DAW!!

Kumunot agad ang noo ko! Bar!! Bakit hindi nila ako sinama?. Wag na silang mag papakita sakin ha.

From: Milanpogi
Message: MAGIGING FVCKBOY NA DIN SILA ZEN!! ANG GALING KO TALAGA!! AS IN !!!

"Sino kachat mo?"

Napatingin agad ako kay gowon at pinatay ang tawag ko. Kumunot agad ang noo nyang tumingin sakin kaya ngumiti nalang ako. "wala, kaklase ko lang" pag dadahilan ko.

Napahinto kami sa pag uusap nang biglang tumayo si mommy at daddy. Parehas kaming napatinging tatlo nang pumasok ang Mga kaibigan ni mama.

"Margaret!James!, It's so nice to meet you again"  bati agad ni mama at Yumakap sa babae. Nakipag besohan pa. "My god, You still look so beautiful" tsk, plastic din naman mama hahah!!.

Nang tingnan ko ang babae ay kaedaran din sya ni mama. Naka-suot nang mamahaling damit na sobrang ganda. "Salamat sa pag imbita samin, kasama din namin ang dalawa naming anak, Nandyan lang sila sa labas" sabi pa nito.

Yung lalaki naman ay kausap ni daddy at halatang nag tatawanan pa. Sya ata si sir James, at asawa nya si Mrs margareth. At kami???... Para kaming siopao dito na nakatayo habang nakatingin sa kanila.

"Oh, my children are already there"

Sabay kaming napalingon sa gate nang may pumasok na dalawang lalaki, Kumunot agad ang mata ko nang makilala sila habang lumapit kay Mrs margareth. "This is sky and Xavier, My son"

Pucha!!! Bakit nandito to?, Ito yung kaaway ni nicholas sa mall diba?.

"Um... This is my son, Ace and my daughter Zendaya" turo naman ni mama samin ni kuya,Hindi kumibo si kuya kaya hindi na din ako kumibo. Sukat yan.

"Sorry we're late" Pagtingin ko naman sa pinto ulit ay lalo akong napanganga nang makita ko kung sino ang pumasok. Parang sosyal na naglakad pa ang dalawa na akala mo artista.

Teka.....Bakit andito tong dalawa?.

"sorry, our parents couldn't attend so we went as a courtesy" magalang na sabi nang Aliparot nang makalapit sa gawi namin. Naningkit agad ang mata ko nang makita din si kole na nakangiti sakin.

"My parents are still in Japan so they can't come"  paliwanag din ni kole. Tangina. Bakit ba nandito to?.

"Oh. I see" tumango naman si mommy bago tumingin sakin. "zen, ikaw na muna bahala sa kanila, Kakausapin ko lang ang iba. Ok?"

"Huh?...Teka" hindi kona natuloy ang sasabihin ko nang umalis na si mommy, Wala din si kuya pati si daddy. Si gowon naman na nasa likod ko habang nakatingin sa dalawang Aliparot na nakatingin lang din sakin.

Masama ko silang tiningnan. "Anong ginagawa nyo dito? Alam nyo ba to?" Tanong ko agad.

"My mom just text me zen, Hindi ko din alam na dito ka pupunta" paliwanag ni kole at napahawak pa sa batok.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now