Chapter 31

156 11 0
                                    

Chapter 31

I always love the winter season in Japan. 

Sa tuwing balot na balot ang buong katawan ko ng makapal na tela bunga ng matinding lamig, mas lalo akong nagkakaroon ng oras para makapag isip isip. I usually go to the park, sit on the swing, and wait for the snow to land on my hands covered with my black gloves.

Nakatitig lang ako sa mga batang naglalaro, naghahabulan, samantalang ang iba naman ay nag-iiskating. Seeing them laugh with their families somewhat gave me warmth. At kahit anong pagpipigil ang gawin ko, hindi ko maiwasang ma-imagine ang sarili kong nakangiti habang hawak ni mama ang kamay ko. 

It was really my dream to travel outside the country and spend a vacation with her. Pero ngayon, mag isa kong tinupad ang pangarap na 'yon. If she didn't leave early, we could have spent our time here in Japan and enjoyed the winter season. 

Alam kong kung nasaan man siya ngayon, masaya siya sa mga narating ko. I am one way close to my dream. After I graduated and finally got my degree, I spent another six months at the review center to prepare for my board exams. The entire process was never easy but I know, I'll get through it. 

Sa loob ng maraming taon, napakarami ng nangyari. Isa na r'on ang planong pagpapakasal nina Lake at Raf sa Spain. I'm so happy for them because they have gone through a lot for several years just to be accepted. Parang noon lang ay tinutulungan ko pa silang tumakas at magtago para lang makapag date tapos ngayon, ikakasal na sila.

Si Zosia naman ay sandaling tumigil sa trabaho niya bilang nurse dahil limang buwan na siyang buntis. Iyong prof niya dati na kinekwento niya ay mapapangasawa na niya ngayon. The power of manifestation really works for her.

I was so happy because she finally found the love she deserves. Alam kong masayang masaya rin sina ate Dely at baby Jasper para sa kanya. 

Si kuya naman, he's enjoying his single life. He broke up with Rasha last year at hindi ko pa alam kung kailan sila magkakabalikan. I knew how much he loves her and even if they were not together, I'm so sure he was rooting for her silently.

Ang ilan sa mga ka-batch ko ay may kanya kanya na ring trabaho sa iba't ibang firms base sa kwento sa akin ni Raf noong nakaraang linggo. Pakiramdam ko nga minsan ay nahuhuli na ako dahil hindi ako naka-graduate on time. But kuya Ajax keeps telling me that I have my own timeline and I shouldn't think of life as a race.

Kahit na mahuli ako…basta sigurado. 

Iyon naman daw ang mahalaga. If ever I pass the board exams, like what I had signed in the contract, uuwi ako ng Pilipinas. Gustuhin ko mang manatili rito sa Japan dahil nasanay na rin ako, hindi iyon pwedeng mangyari. Kailangan kong tumupad sa usapan namin ni Mrs. Sarmiento. Since her company supported my academics for three years, I will also return that help through my service. Kapag natapos ako sa tatlong taon kong pagta-trabaho sa kompanya niya, doon pa lang ako malayang lumipat na magtrabaho sa iba at tumanggap ng mga constructions projects, ano man ang gustuhin ko. But then, I realized that working under them was a great privilege. Their company has been trusted for a long time already. That would help me a lot to bloom in my chosen profession.

Pasado alas singko na ng gabi nang makauwi ako ng apartment. Sa gate pa lang ay may nakita na kaagad akong nakaparadang kotse. Isang buwan na rin akong mag isa rito dahil umuwi na ang mga kasama ko sa kani-kanila nilang pamilya. Imposible namang si kuya Ajax iyon dahil sa isang linggo pa siya pupunta rito. Sasabayan niya raw akong magbyahe papuntang Spain kung saan gaganapin ang kasal ng dalawa kong kaibigan.

"Ah…Eryhx. That was so freakin' good!"

Akmang sisilip na sana ako sa bintana nang biglang bumaba ang windshield ng sasakyan. Mabilis akong napatalikod dahil sa nakita ko. 

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now