Chapter 11

218 11 3
                                    

Chapter 11

The unusual feelings I had whenever he's around came back. Pakiramdam ko nga ay mabilis akong aatakihin sa puso dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi ko rin inaasahang makikita ko siya ngayon dahil bukod sa one week suspension, he was assigned for a community service too. 

"S-Silas, ang kamay ko," paalala ko pero parang bingi lang siyang walang naririnig.

Almost everyone is already in their respective classes. Mabuti na rin iyon dahil baka kung ano pa ang isipin ng iba kapag makita nila kaming dalawa. I'm someone who doesn't care about their feelings at all. But starting that day, I've crossed paths with the persistent, Silas Cairo, I couldn't help but to worry about their personal opinions. Siguro nga ay marami sa kanila ang nag iisip kung bakit interesado siya sa akin.

I'm just an average type. Wala naman akong nakikitang espesyal sa sarili ko sa tuwing nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin.

"When his mom called you again, just ignore it," sambit niya habang naglalakad kami ngayon sa corridor pabalik ng classroom.

Based on what he said, it seems like he really knew Erhyx's mom for a long time. Aaminin kong thankful na rin ako nang dumating siya kanina. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nahihirapang magsalita kaharap si Mrs. Sarmiento. Pero kahit ano namang pamimilit ang gawin niya o opportunities na ibigay niya, hindi ko 'yon kayang tanggapin. There are lots of smarter students out there who deserve the spot. Alam ko rin namang kaya niya ako inalok ng gan'ong oportunidad dahil akala niya ay may namamagitan sa amin ng anak niya. 

"Are you really friends with Erhyx?" hindi ko alam kung papaano ko 'yon nagawang itanong sa kanya.

It was something personal kaya hindi ko inakalang sasagutin niya iyon. "He was a brother to me but sometimes I couldn't help but get jealous."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman sa pagiging bias pero obvious naman na sa lahat ng aspeto, mas magaling siya kumpara kay Eryhx kaya wala akong ideya kung saang bagay ba ang pinagseselosan niya.

Bago kami makarating ng classroom, mabuti na lang at binitawan na niya ang kamay ko. Ngunit, bago pa man kami makapasok sa loob, may huli pa siyang sinabi.

"When he's receiving more attention from you, I can't help but get jealous."

Ramdam ko ang biglang pag init ng mukha ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, alam na alam niya kung paano ako dalhin sa isang sitwasyong hindi ko magawang maipaliwanag.

"Omg bakla! Ayan na nga ba ang sinasabi ko e!" 

Masakit ang balikat ko dahil sa sunod sunod na hampas ni Raf natapos ang pang umagang klase. Paano ba naman kasi, kami ang naging magkapartner ni Silas sa sayaw na ballroom. Our midterm exams in PE will be practical. Kaya ngayon pa lang, nangangamba na kaagad ako kung paano ko 'yon maipapasa.

"Tumigil ka," suway ko dahil alam kong nasa likod na table lang namin si Silas kasama ang dalawa niyang kaibigan dito sa cafeteria.

Kung hindi lang siguro ako tinanghaling magising kanina, nagluto na lang ulit ako ng pagkain ko at room na kumain katulad ng nakagawian.

"Pero ang glowy talaga ng aura niya bakla ngayon. Baka naman lihim mo ng sinagot sinesecret mo lang. Magtatampo talaga ako niyan!"

Napabuntong hininga na lang ako bago nagsimulang kumain. Kung mangyayari siguro ang sinasabi niya na magiging boyfriend ko si Silas, baka mahimatay siya sa sobrang tuwa. Pero bakit nga ba ako nag iisip ng mga bagay na imposible namang mangyari? Silas told me that he will set aside his feelings although he often shows his motives and interests to me. Hindi na rin ako masyadong naiinis dahil nasasanay na ako sa presensya niya. 

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon