Chapter 8

213 12 3
                                    

Chapter 8

"Nagpaparamdam na ulit si papi."

Kahit nasa likod ko lang si Raf na mas piniling tumabi kay Lake, nakuha niya pang mag-text sa akin. Nandito kami ngayong sa amphitheater. Morning classes were suspended for the thanksgiving mass and testimonial ceremony in line with the recently conducted Civil Engineering Licensure Examination. Among the 547 board takers, 499 of them passed. The topnotchers also came from Summerville University. Hindi talaga ako nagkamali ng piliin kong dito mag enroll.

Hindi ako nagreply kay Raf at mas pinili na lang makinig kaysa problemahin ko na naman si Silas na parang kabuteng sumusulpot na naman sa tabi ko. Buong akala ko tatantanan na niya ako pero mukhang nagpahinga lang siya at mukhang magsisimula na namang mangulit.

Hindi ko pa naman gusto ang tabas ng dila niya. Bukod sa mga nonsense na bagay na sinasabi niya, pakiramdam kong lalagnatin ako bigla kapag nagkakadikit ang balat naming dalawa.

"Can you cook for me again?" parang batang tanong niya sa akin.

Unlike the previous weeks, he's back on his soft talk again. Panay tinginan tuloy ang ibang mga babae rito sa direksyon namin kaya mas lalo akong hindi mapakali.

"I'm hungry."

Hindi ko siya pinansin. Mabuti na lang at nagsimula na ang misa. Madalas kong nakikita sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin pero wala akong pakealam. Lihim ko ring nakikitang sumusulyap si Erhyx sa akin na nakaupo sa unahan.

Ano bang meron sa kanila? Matatalino nga pero mukha namang may mga sira naman ang utak.

Matapos ang misa, pumauna na ako sa kanila dahil may meeting kami ngayon ng mga kagrupo ko para sa research. Mabuti na lang at tinawag si Silas n'ong coach nila sa basketball kaya hindi niya ako masusundan o makukulit ngayong araw.

"What's up group mates!" Si Theo, na mukhang walang matinong gagawin ang unang bumati nang makarating kami sa dormitory niya.

He was assigned to do the objectives of the research pero hindi 'yon pumasa sa akin. I told him to revise it and even gave him some tips pero hindi naman niya 'yon binago. Kaya ang ending, halos ako pa rin ang gumawa sa part niya.

"What if taga luto na lang ako ng pansit canton, Felice?" Tumawa si Adriel sa tanong ni Theo.

"Sige pre, samahan mo na rin ng gin bilog."

Napailing na lang ako sa biruan nilang dalawa. Mabuti pa si Sadie na tahimik lang at nagpapasa on time. Iyong isa kong kagrupo na si Viel ay hindi pa rin sumisipot kahit na patatlong meet up na namin ito. Ako na ang nagfifirst move at nag eemail sa kanya pero hindi siya sumasagot sa akin. He already submitted his part yesterday but I was not really satisfied with it. Masyadong halata na hindi niya binasa ang paunang part ng research namin. Most of it is copy paste from google too. Dapat nga hindi ko na siya pinaaalalahan. He should have the initiative to contribute to the group.

Don't worry, bubuhatin ko kayo sa defense.

Maya maya ay nag-text siya sa akin kahit na hindi ko naman binibigay ang number ko sa kanya. Technically, he's really good and confident at public speaking. But I doubt how will he defend our research if he doesn't have any contribution to the paper. Sa sobrang kakaenjoy niya mag-party ayon kay Raf, kaming mga ka-grupo niya ang sumasalo sa lahat ng responsibilities na dapat na siya ang gumagawa.

I wasn't really aware at first na pati pala sa college, uso pa rin ang mga pabigat. Paano na kaya kapag nasa field of work na kaming lahat? Magpapabuhat ka na lang ba sa mga kasama mo sa trabaho kahit na ikaw ang sumasahod?

"Felice, hihiram sana ako ng laptop," mahinhing tanong sa akin ni Sadie dahil yellow pad lang ang gamit niya ngayon.

Saktong tumawag naman sa akin si ate Dely. "Sige. Sagutin ko lang 'to," sagot ko bago itinuro ang kanina pang tumutunog na cellphone.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now