Beginning

585 15 11
                                    

Infinite Probabilities

"Bitawan mo na ako, Zosia. Uuwi na lang ako!" nagmamaktol kong saad na kanina pang bitbit ang pink kong ball gown.

Maya't maya ko na ring hinihila ang tube ko pataas dahil ramdam kong anytime, makikita na ang boobs ko. Nakakainis! Bakit ba naman kasi ako pumayag na sumama sa kanya sa isang masquerade ball!?

Mamamatay tuloy siya kakatawa ngayon sa reaksyon ko. "Cute mo talaga, Felice. Relax ka lang. Nandito na tayo sa exciting part."

Nagawa niya pang kumindat sa akin bago walang pasabing hinawakan na naman ang kamay ko. I was left with no choice kung hindi ang magpatianod sa hila niya. Marami na tuloy guests ang nakatingin sa amin dahil ilang beses na akong natapilok.

"Abnormal ka talaga! Bitawan mo na ako."

The loud party music dominated the hall, the reason why Zosia can no longer hear me shouting. After almost a minute of walking, she finally let go of me in front of a white door.

"Nasa'n na ba tayo?"

Instead of answering, she got something from her pocket. Isang pulang lipstick iyon na inilagay niya rin sa akin kanina. She also sprayed her perfume on my neck and fixed my long wavy hair.

"You're ready. Goodluck, Felice. Itayo mo ang bandera ni Nanay Lucia!" Halakhak niya pa bago ako itinulak papasok sa isang madilim na kwarto.

"Zosia!" I shouted pero mabilis niya 'yong nasaraduhan.

Kung hindi ko lang siya pinsan, baka kanina ko pang nahila ang buhok niya sa sobrang inis ko. After a couple of seconds, nag text siya sa akin.

Cous, goodluck sa blind date. 😜

I was so annoyed by that teasing emoji. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wala akong plano sa mga lalaki dahil mga lason lang daw sila sabi ni ate Dely, ang mas nakakatanda kong pinsan. She's been into several different heart breaks because her past boyfriends cheated. Masyado lang talagang makulit si Zosia at hindi ko matanggap na nagpaloko ako sa kanya ngayon.

"Why are you just standing there?"

That cold, husky voice suddenly gave me a mini heart attack. Doon ko lang na-realize na may table na naka set up sa gitna ng kwarto. The candles are the only reason why I could see him. His body seemed familiar but I couldn't fully recognize him because he's wearing his masquerade mask.

"Ahm, I'm s-sorry. Pwede bang—

"Have a seat." His voice screamed authority so I couldn't do anything when he interrupted my sentence.

Para lang akong isang maamong tupa na sumunod sa kanya at umupo. I can't help but to gulp while watching him drink his wine. Mabilis tuloy akong napahawak sa leeg ko para icheck kung nilalagnat ba ako.

Nang makita ko siyang nagsasalin na naman ng wine sa isang glass, doon ako nataranta.

"Hindi ako umiinom!"

That put us into an awkward silence!

"It's for me," malamig niyang tugon.

Sa sobrang hiya ako, gusto ko na lang magpakain sa lupa. Mabuti na lang at pagkatapos ng gabing 'to, hindi niya na rin naman ako makikilala.

There was a deafening silence for a minute. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya't nagkunwari akong interesado sa steak na nakahain kahit na busog pa naman ako.

"What's your plan after this night?" casual niyang tanong kaya't nabawasan ang kaba ko kahit na papaano.

"Mag aaral."

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now