Chapter 27

168 7 3
                                    


Chapter 27

I thought everything would be fine for the following days but I was completely wrong. Unti unti ko ng natanggap ang mga nangyari at sinusubukan ko ulit na makabawi sa mga failed exams ko. I learned to manage my time more since my night shift was very exhausting. But then, everything won't go on its way like what I had wanted.

Sabado ng nakatanggap ako ng text mula kay Sir Liuco. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko dahil hindi ko naman iyon binibigay ng basta basta lang. He told me that Zosia wasn't going to school for almost two weeks already. Dalawang araw na ring hindi sumasagot sa tawag ko si mama kaya't nagdesisyon akong umuwi. When I got home, no one was there. I kept calling them but they were out of coverage. Nang makarating ako sa hospital, nagtanong tanong kaagad ako sa mga nurses at nagpakilala bago nila ibinigay sa akin ang room number ni ate Dely. Buong akala ko ay makikita ko sila doon ni mama pero nagkamali ako.

Ate Dely was sleeping and the room was empty aside from her. Nang bumukas ang pinto, doon ko lang nakita si Zosia. She looks so surprised after seeing me.

"C-Cous, andito ka pala. I thought malapit na ang midterm exams mo?" sambit niya bago inilagay sa table katabi ng hospital bed iyong mga pagkain. 

"Nag-text sa akin ang prof mo. Bakit hindi ka na pumapasok? Nasaan si mama?" nag aalala kong tanong.

Just by staring at her expressions, I already knew that something happened.

"Kumain muna tayo. What do you want to eat ba?" she tried diverting the topic just to avoid my questions.

"Tell me, Zosia. Hindi na ako bata para paglihiman niyo!" nakapagtaas ako ng boses sa sobrang inis.

"N-Nasa kabilang kwarto," 

Mabilis akong umalis sa harapan niya at dumerecho roon. Nakita kong natutulog si mama. Agad akong lumapit at hinawakan ang kamay niya. I couldn't stop hating myself because I wasn't beside her again. This is the downside of pursuing my course at my dream university. Madalas wala ako sa tabi niya lalo na sa ganitong sitwasyon. Sinubukan ko ring tawagan si papa sa pagbabakasaling uuwi na siya pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Wala akong tigil sa pag iyak at nahinto lang iyon ng pumasok si Zosia sa kwarto. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko bago ko siya hinarap. 

"Mag usap tayo," malamig kong sabi bago lumabas ng kwarto. 

Pumunta ako r'on sa waiting bench at hinintay siyang umupo sa tabi ko. She looks so restless. Nang bumaba ang tingin ko sa kanya, napansin kong panay kamot siya sa kamay niya na halatang hindi mapakali. She usually does it whenever she's nervous. That's one of her usual mannerisms.

"May plano ka bang mag-drop? Tinanong kita noong isang araw, sabi mo walang problema at ayos na lahat. Kung sinabi mo sana na ganito ang sitwasyon dito…edi sana umuwi ako," masama ang loob kong sabi.

Sunod sunod na tumulo naman ang mga luha sa mata niya.

"Tita Lucia doesn't want you to worry kasi alam naming nahihirapan ka rin doon. At oo, tama ka…plano kong mag drop na muna ngayong sem."

"Ano bang tumatakbo sa utak mo, Zosia? Isa at kalahating taon na lang ga-graduate kana. Ngayon mo pa naisipang magdrop?!" I shouted again because it was hard for me to control my temper anymore.

"Gusto ko rin munang magtrabaho. I heard from Rasha that you're doing part time jobs. I should do the same, Felice. Sa ating dalawa, ako dapat ang gumagawa noon. I was a year older from you pero ni minsan, hindi ko man lang naramdamang naging ate ako sa'yo."

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now