13 - Terrified... by an UNEXPECTED VISITOR.

Start from the beginning
                                    

Kaya ngayon, pilit kong iniiwasan muna siya. Nakakainis lang at malayo pa ang day off ko. Wednesday pa lang bukas. Ah, alam ko na! Magko-call in sick ako bukas. Ayoko talaga pumasok, gusto kong dito lang ako sa bahay, mag-isa. Magmumuni muni lang ako.

Planado na ang araw ko bukas. Call in sick sa office, tumunganga ng buong araw... siguro wag na din isama ung kain. Wala akong gana kumain. Baka nga ma-bedridden ako bukas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"This is Grace speaking, Damon Henry's office. How may I help you?" bati ni Grace sa telepono.

Okay. Ilabas ko na dapat ang inner actress ko dito! "U-Uh, G-Grace? S-Si S to..." sabi ko ng medyo mahina. Natatawa ako sa ginagawa ko. Kakarmahin talaga ako nito eh!

"Oh, Grace! Napatawag ka? Ba't ganyan ang boses mo? OMG, may sakit ka ba?!" bigla niyang sunud-sunod na tanong. Natatawa ako pero pinigilan ko. "Pa-sick leave naman... M-May sakit kasi ako ngayon... may trangkaso ako... paki-asikaso na lang si Sir Damon..." sagot ko.

"Naku! Ba't di ka kasi nag-iingat! Osha sige. Sabihin ko na lang sa kanya pagdating niya... oh wait, andito na siya!!!!"

ANG AGA NAMAN NI DAMON?! Wala pang 10AM ah?!

Narinig kong umubo ng bahagya si Grace sa telepono saka nagsalita, pero di naman ako ung kausap. Ugh. "Uhm, Sir! Good morning po..." bati niya. Di ko marinig kung may sagot ba si Damon o wala.

"Sir, mag-sick leave po si Serena... may sakit daw po eh, trangkaso... yes sir, kausap ko nga po siya ngayon. Hello, Serena?" biglang sabi ni Grace na ikinagulat ko.

"H-Ha? Ah, h-hello?"

"Andito na si Sir, S... sinabi ko na sa kanya na mag-sick leave ka." sabi ni Grace. Napangiti naman ako. Alam ko kaya, rinig na rinig ko ang boses mo, Grace.

Di na ako sumagot. Mag-eavesdrop na lang ako sa kanila. "Oh, yes Sir? W-what, S-sir?! Seryoso po kayo?!" rinig kong sabi ni Grace. Ano bang nangyayare? Nagkaroon ng matagal na katahimikan...

"Okay, Sir. I'll cancel all your appointments today?.... okay, Sir. Sige po, ingat Sir!" sabi ni Grace kay Damon. Huh? What happened?!

"H-Hello, G-Grace?" pasimple kong sabi. "Oh hello, S?"

"Anong nangyare? Anong sabi ni Sir Damon?" Narinig kong bumuntong hininga siya. Ano ba nangyare kasi talaga?!

"Eh kasi 'tong si Sir, pina-cancel lahat ng appointments niya today. As in, LAHAAAAAAAAT!"

WHAT?! Eh sa pagkakaalam ko madami siyang meeting today!!!! Ugh!!

"WHAT?! BAKIT DAW?!" bulyaw ko sa telepono.

"Pupuntahan ka daw niya!" sagot ni Grace.

HOLY.

FREAKING.

SHIT.

TOTOO BA YON?

"ANO?! SERYOSO KA?!" sigaw ko.

"Ano ba, wag kang sumigaw! Oo! Umalis na siya kanina pa! Siguro andyan na yon maya maya!" At pagsabi nga ni Grace nun, biglang may kumatok sa pinto ng condo ko.

OH. MY GOD. Is this for real?!

"Shit... Grace, I think he's here. Listen, wag kang maingay ha. Pero nagkukunwari lang akong may sakit para makaiwas sa boss natin. Wag mo ng alamin kung bakit. In time, ikukwento ko sayo. Osha, bye!" sabi ko at biglang baba ng telepono. Di ko na inantay ang sagot ni Grace. Makakapaghintay yon. Si Damon, hindi.

Tumayo ako mula sa couch at nag-ayos ng itsura. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko maliban sa pagtoothbrush. I still have my bedroom hair. Naka-boy shorts pa ako at tank top na black. Okayyyyy. Mukha akong basura pero bahala na. Mas magiging effective ang acting ko pag ganito.

Lumapit na ako sa pinto kung saan tuluy-tuloy ang pagkatok. Teka lang ha? Di makapaghintay na makita ang ganda ko?

I grabbed the door knob and took a deep breath. Lights, Camera, Action.

Pagbukas ko ng pinto, isang Adonis ang nakita ko este si Damon. Si Damon....

Mukha rin siyang basura pero gwapo pa din talaga. Pawis na pawis, haggard, loose na ang neck tie, gusot ang shirt, magulo ang buhok, at hingal kabayo. Nakatingin lang siya saken na parang ngayon lang siya nakakita ng engkandyosa este ng tao.

"Hi." bati ko sabay ngiti.

Bigla siyang huminga ng malalim at hinablot ako para yakapin. Wow, ang ganda ng reply niya sa hi ko. Mas gusto ko na yung ganito kesa verbal.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin saken. Pumiglas siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Grace told me that you were sick and can't come to the office. Ano bang nangyari sayo? You had me worried." tanong ni Damon sakin. Wow, concerned siya.

"Uhm... ang ganda ng reply mo sa hi ko, infairness naman..." sabi ko. Napangiti naman siya pero biglang bumalik sa pagiging seryoso. Halatang inaantay niya ung sagot ko.

"Uh... kumain kasi ako ng puro malalamig kahapon... Oo yun nga! Kumain ako ng malalamig kaya ito, nagkaroon ako ng trangkaso. Tapos stressed pa ako kaya ganito... yon." pagsisinungaling ko. Kesa naman sabihin ko to, "Ikaw kasi ang dahilan kaya nagpapaka-Vilma Santos ako dito sa pag-arte na may trangkaso ako!". Eh di nabuking naman ako!

"Ikaw kasi, bakit ba napakakulit mo? Ayan, nagkasakit ka tuloy!" sermon ni Damon. Aba, dinaig pa niya ang parents ko ha!

"Uyyyyy.... concerned siya!" pang-aasar ko. "Well, of course. Why wouldn't I be concerned? If you're not around, sino na lang ang mag-aasikaso saken? And who will provide my sexual needs besides you?"

Ayun eh. Akala ko okay tayo e. Biglang and who will provide my sexual needs besides you? Oo na, okay. Wag mo na ipamukhang hanggang sex lang talaga ang meron tayo.

"Whatever. Anyway, ano pang ginagawa mo dito?" pag-iba ko ng topic. Naiinis ako e. Naoffend naman ako kasi diba.

"I'm here to take care of you."

WHAT?!

"Anong trip yan?!" bigla kong sigaw.

"Hey, don't be mad okay! Alam kong walang mag-aalaga sayo, so here I am... ako ang mag-aalaga sayo. And don't give me that look because it is not effective. Now, aren't you going to invite me in?" sabi niya sakin at ngumiti. Binigyan ko siya ng ngiti din at binuksan ng maluwag ang pinto para makapasok siya.

MY MUST-AVOID-DAMON PLAN GOT BACKFIRED. Nice.

**

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now