"Sana all talaga!!"

"Kuya ko kasi nananapak!"


"Paranas!"

"Kelan ko kaya mararanasan mahalikan sa noo? When kaya?"

"Jowa nga wala ako, kuya pa kaya"


"Wag na, mambababae nalang ako"

Napatingin naman ako nang masama sa mga loko nang mag komento sila aa ginagawa ko. Natawa naman si kuya at napailing bago tumayo at tumabi sakin. Minsan talaga masasabi kong malakas ang saltik nang mga kaibigan ko, pati kuya ko nakikita!.


"Boss!, Pahalik din" sigaw ni benick kay kuya at malakas na tumawa. Ito namang kuya ko,imbis na umiling nalang, mabilis na binasal sa mga loko ang isang record book na nasa lamesa.


"Yung kuya ko kasi, imbis na manghalik, Ibabalibag pako sa Sofa na parang boxing!" Sabi naman ni Tristan na halatang hindi natutuwa sa sinasabi. Napapailing nalang ako dahil malakas na tumatawa ang mga loko.

"Aba!! Wala ka sa kuya ko!" Singit naman ni milan. "Yung kuya ko! Gagawin pakong example sa drug test sa school nila! Buti nalang negative haha!!" Malakas syang tumawa bago hinampas pa si nine sa balikat na nasa gilid habang nakain nang corndog! Gutom na ako.


"Ay? Negative?" Sarkastikong banat ni terry kaya ngumuso ang batang kumag. "sayang, Nag ce-celebrate sana kami kasi nasa kulungan kana Milan, tsk,tsk, sayang"


"Gago ka ha!"  Sigaw ni milan, halatang nainis sa sinabi nang loko.
Maski ako maiinis. Pero.... Bakit negative? Droga pa more haha!.

"Gago ka ha!"  Panggagaya naman ni terry, pati boses nang bata alam na alam.

Napailing nalang ako nang magsimula na silang mag away, imbis naman na tulungan yung dalawa na awatin, nag tawanan pa nang malakas ang mga loko. Inayos ko nalang ang upo ko at tumingin sa paligid. Kumunot ang noo ko nang makitang wala na si Gowon sa inuupan nya kanina. Tumingin tuloy ako kay kuya.

"Kuya? Nasan si gowon?, Diba kasama mo sya kanina?" Tanong ko kay kuya habang pinapanood nya ang mga lokong nag wawala sa gilid namin. Kingina! Kelan ba sila balak tumigil?.


"He left a while ago, because there is a meeting at the office, so I sent him to come, then I will follow when Nicholas arrives to watch over you here" paliwanag nya sakin. Muntik nakong mag ka nosebleed dahil sa deretchong English nya.

"Ganun?" Tanging sabi ko at tumango nalang. Feeling ko galit pa rin sya sakin. Binibigyan ko naman sya nang space pero parang nagalit sya lalo sakin dahil sa ginawa ko ngayon. Hindi pa din kami maayos, pero hindi ako titigil para lang mag ayus kami.


"Bakit?" Napatingin ako kay kuya nang hawakan nya ang balikat ko. "May problema ba kayong dalawa?" Nag aalalang tanong nya kaya umiling nalang ako.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now