Chapter 14

231 15 7
                                    

"T..tulong.."

Nararamdaman ko na unti unti nakong mawawalan ng malay. Hindi pwede to. Kailangan kong makaalis sa lugar na to.

"And where do you think you're going?"

I screamed in pain when I felt the sharp thing that pierced my back. Fvck!

"Shh.. James.. James.. James.. Alam mo bang para kang babae pag sumisigaw ka ng ganyan? Magpakalalaki ka naman."

Tumawa lang ang taong sumaksak sa likod ko. Hindi ko makita kung sino ang taong ito dahil nakapiring ang mata ko. May  benda ang mga putol kong kamay at ang paa ko na mabibilang nalang ang daliri nito dahil pinagpuputol nya narin. Ilang araw na akong nandito at hindi ko alam kung makakaligtas pa ba ako ng buhay dahil sa pang totorture na ginagawa nya sakin.

"S-sino kaba talaga.. wala akong atraso sayo." Nanghihina na ako. Bawat oras na nananatili ako sa lugar na to ay dobleng pahirap ang ginagawa nya sakin.

Tumawa na naman siya. Hindi ko makilala ang boses nya dahil parang nasa ilalim ng lupa ang tunog ng boses ng taong gumagawa nito sakin. Gumagamit siguro sya ng voice changer. Ni Hindi ko rin malaman kung babae ba o lalaki ang hayop na to.

"Ang totoo nyan.. ginagawa ko lang talaga to dahil gusto ko lang malibang!"

Sumigaw ako sa sakit nang marahas nyang hilahin ang matalim na bagay na tinusok nya sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang paghila niya doon. Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ko.

"P-please.. tigilan mo na ito. Nag mamakaawa ako sayo." Pakiusap ko sa taong to. Kung sino ka man.. nakikiusap ako sayo.

"Relax..  I won't let you die. Not yet."

"Mayaman kami.. kung.. kung pera ang kailangan mo.. kayang kaya kitang bigyan ngayon na.. mismo.."

Sarkastiko itong tumawa. "What am I gonna do with your money? James.. Marami akong pera. Baka nga mas marami pa ang pera ko kesa sayo." 

Napapikit na lamang ako ng mariin. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Isama mo pa ang dumudugo kong likod. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong parusa ko. Pero pakiramdam ko malapit na akong bawian ng buhay. Siguro nga mas mabuti iyon. Ramdam ko na nahihirapan na ako sa paghinga.Gusto ko nang sumuko.

"I said.. you can't die yet."

Parang isang demonyo ang bumulong sa tenga ko nang marinig ko ang boses na iyon. Naramdaman ko nalang ang tila matulis na bagay ang tinusok nya sa balikat ko at unti unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa kusa akong nilamon ng kadiliman.

____________

Thalia Andres

Niyakap ko ng mahigpit ang katawan ko nang tila makaramdam ako ng lamig na di ko malaman kung saan nanggaling.Pakiramdam ko may nakamasid sa akin.Luminga ako sa paligid pero wala naman akong makita na nakatingin sa akin. Ang lahat ay busy sa pag-cheer para sa Department na maglalaban.

"Are you okay Luv?" 

Nag aalalang hinawakan ako ni Kelly sa kamay na saglit na nakapag pa-igtad sa akin. Bakas sa mukha nya ang pag alala.Numiti lang ako ng pilit sa kanya.Ayoko kasing mag-worry pa sya sa akin lalo na't finals nila ngayon sa Basketball.

"Okay lang ako. Medyo malamig lang" 

"Gusto mo ba kunin ko yung Jacket ko sa Locker?"

"Ano kaba, Hindi na kailangan-"

Dancing with the Psychopath (GL)Onde histórias criam vida. Descubra agora