Chapter 12

276 22 37
                                    


Someone's POV

'Ah.. there she is.. she's really gorgeous when she laughs. The surroundings seem to become colorful with her every giggles. It's like I'm tickled with every laugh she makes. I feel like I want to tear those smiles and display them on my wall. It must be beautiful to look at.

You look as pretty as always.. I want you to look at me too. Why aren't you looking at me?  If you don't look at me I will cut out your eyes and put them in my favorite jar! I want you to love me. I want you to smile at me like that. I want you to touch me.I want to feel the warmth of your body on my skin. I want you to kiss me. Make love to me. Why can't you do that? You're mine.'

___________

THALIA ANDRES

Mabilis akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig na tumama sa katawan ko. Kakaibang lamig yon. Parang may nakatingin sakin sa malayo. Nakakakilabot.

"Are you okay Luv?" Takang tanong sakin ni Kelly.

Pilit na tango lang ang binigay ko sa kanya. Papasok na kasi kami sa University ngayon. Simula nang lumipat kami, Naglalakad nalang kami araw araw  dahil sobrang lapit lang naman ng University sa condo.

Palihim akong tumitingin sa palagid para hanapin kung may nakatingin ba sakin. Pero mga busy na tao lang ang nakikita ko at may kanya kanyang buhay din.

Napabuntong hininga nalang ako. Lumalala ang paranoid ko dahil sa nararamdaman ko lalo na't alam kong may nagmamasid ng bawat kilos ko. Kahit papano ay hindi na ulit nagsend ng photo yung stalker na yun. Pero ayoko parin magpakampante.

Pumasok na naman sa isip ko si Eri. Ayoko siyang paghinalaan pero simula nang makilala ko sya ay saka lang naman nagkaroon ng ganitong pakiramdam. Lalo na't hindi narin kami nag uusap pero kung tingnan nya ko ay ganun parin.

Natigil kami sa paglalakad nang may humintong itim na kotse sa gilid namin ni Kelly at bumusina iyon. Bumaba ang salamin ng kotse nito at bumungad sa amin ang nakangiting si Doc Cathy.

"Goodmorning Ladies!" Masiglang bati nya samin at binaba nya ang suot nyang shades.

"Doc!" Gulat na tawag ko sa kanya.

Tumawa lang si Doc at lumingon kay Kelly na mukha na namang naestatwa. "Goodmorning Kelly." Bati nito kay Kelly.

Mukang natauhan naman na si Kelly pero ramdam parin ang pamumula nito. "G-goodmorning.." mahinang bati ni Kelly. Wow.. nag imporoved na sya. Nababati na nya si Doc Cathy ah.

"Kamusta po kayo Doc? Pasensya na hindi na kami nakadalaw ulit sa clinic naging busy na po kasi kami eh." Hingi ko na paumanhin. Umiling sya sakin.

"Mas gusto ko nga na hindi kayo pupunta sa clinic ko dahil ibig sabihin nun walang problema kay Luna. Anyway.. how is she?" Titig na titig sakin si Doc habang nakangiti.

"Maayos na sya Doc. Kahit papano ay nakakalakad na sya ng paunti unti. Masigla narin po sya." Nakangiting pagbabalita ko sa kanya.

"That's good! By the way.. hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Andres, can we go on a date?"

"Sure po-- ha?" Umawang ang bibig ko nang marealize ko ang sinabi nya. Ano daw? Date? Kami?

"Really? It's a date then! I'll pick you up at dinner. Can I have your number also?"

"T-teka lang po.." parang di nagpaprocess ang sinasabi nya sakin. Nabigla ako sa nangyayari.

Sinulyapan ko si Kelly. Mukang gulat din sya sa nangyari at hindi sya makapag salita. At ang akala ko ba ay si Kelly ang type nitong si Doc Cathy? Bakit ako ang inaaya nya ng date? Anong nangyayari?

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now