Yung tao lang sa room ay si Lily. Napakatahimik nito pero mabait. She's also pretty.

"Ly, nasaan sila Marcus, Jenna, and Ms. Tin?"

"Nasa treatment room, may speech delay patient na for oral motor massage, they're observing Ms. Tin."

"Ohh okay, sabay ka sa amin mag lunch ha?" aya ko.

"Umm..." napakamot ulo siya "...magla lunch out ako with my classmates eh." nahihiya niyang sabi. Ang cute.

"Oh okay, it's fine, thanks for letting me know." nginitian ko siya "CR lang ako Ly." paalam ko sa kanya.

Habang nag lalakad ako sa corridor papuntang CR nakita ko ulit si Ma'am Ren. Nung babatiin ko siya, nilagpasan niya lang ako. She's busy with her phone. I understand pero... hindi ba ako kapansin pansin? Drama mo Riley.

Nung papasok na ako sa CR, tinawag niya ako. Lumingon ako at nakita ko na papalapit siya sa akin.

"Sorry, I wasn't able to greet you back. Medyo preoccupied lang." she said while patting my head. I was looking into her eyes. When she caught me staring at her, I immediately looked away.

"Don't push yourself too much today Riley ha? Kagagaling mo lang sa sakit." she said before leaving.

-

"Riley sumama ka!" kakaupo palang namin para mag lunch may dinikta na agad sa buhay ko si Jenna. Hindi patanong yung tono niya eh, pautos. 

"Saan nanaman?" tinignan ko si Marcus. Ngumuso siya kay Jenna. I think kasabwat siya ni bruha.

"Sa Quezon assessment at sa inuman this Friday." yung assessment kasama talaga ako dun pero yung inuman,

"Kasama talaga ako sa Quezon pero yung sa inuman this Friday I think... pass muna." dinilatan ako ni Marcus "AT BAKIT?! Sino ka para tumanggi?" baklang 'to.

"Kagagaling ko lang sa sakit diba?" sabi ko then sumubo ako ng kanin. Buti hindi ako nawalan ng pang lasa. 

"Oh yun nga! Inom ka alcohol para madisinfect yung mga laman loob mo." Jenna said enthusiastically "I agree, para mamatay germs." dagdag ni Marcus. 

"Hati ba kayo ng braincell?" sinundot ko sila pareho sa noo "Ayoko pass muna." 

"Okay fine. Inform ko nalang si Ma'am Nita na hindi ka kasama." sabi ni Jenna. 

"Kasama siya?" wait lang napapaisip ako bigla magaling naman na ako eh. 

"Oo siya nga nag aya, actually inaya niya mga interns, si Ms. Tin at yung ibang volunteer sa clinic. I'm not sure kung sino sino pa mga kasama at pupunta. Parang get together daw bago yung Quezon assessment next week." oh okay. Bakit parang hahatulan kami sa Quezon at may pa get together?

"Sige pag isipan ko." yes pag iisipan ko. Sayang bonding with crush. 

"By the way Riley, tapos ka na sa industrial setting internship mo?" tanong ni Jenna. Oo nga pala! 

"Hindi pa, yun nalang naiwan ko." tapos ko na yung educational setting then itong clinical ongoing. 

"Dito ka nalang din sa clinic, para magkasama tayo!" sabi ni Jenna. May opening dito? 

"Meron?!" tanong ko. Si Marcus tapos na niya yung industrial pero yung educational setting hindi pa kaya nananahimik siya at kumakain. 

"Ask ko pa si ate Ren haha pero I think meron na kasi may HR dept na eh. If ever, under tayo ni Ma'am Ren." ang sabi ni Jenna. Oo nga pala marami akong tanong sa babaeng 'to.

"Hoy Jenna may tanong ako sayo..."

"... sobrang close ba kayo ni Ma'am Ren at ni ate Nita? How about Doc Tristan?" tanong ko. Kasi sila magkakasama last time sa pub eh.

"Kay ate Ren at ate Nita tama lang. Pero mas close sila ng ate ko, sila mag kakaibigan eh. Si Doc Tristan hindi, kasi hindi naman siya madalas makasama ng ate ko eh. Pero childhood friends sila ate Ren, Nita, at Doc Tristan..." biglang ngumisi si Jenna. "May gusto ka bang malaman?" and now she's smirking. 

"May boyfriend si Ma'am Ren?" biglang tanong ni Marcus. Tumingin ako sa kanya at kay Jenna.

"Wala." 

"WALA?!" sabay naming sabi ni Marcus. 

"Saan niyo nasagap yan?! Issue kayo ha." 

Kinuwento ko kay Jenna yung narinig ko na usapan ni ate Ren at Nita last time. Ang alam ni Jenna, best friend daw ni Ma'am Ren yung guy. Inaasar lang daw ni Doc Tristan at ate Nita na mag jowa sila because they used to have feelings for each other but they just decided to remain friends. 

If only I knew, I should've done the same. 

"Si Ma'am Nita may kapatid ba na babae?" tanong ulit ni Marcus. Pinanlisikan ko siya ng mata kahit nangangati rin ako na malaman kung meron ba. Marcus and I looked at Jenna and confusion is all over her face. 

"Bigla namang napalayo yung tanong niyo?!" 

"What if sumagot ka nalang?" malditang sagot ni Marcus. 

"Taray ha? Ang alam ko meron siyang kapatid pero I'm not sure kung babae or lalaki at kung ilan. Bakit niyo natanong?" 

"Wala lang." sagot ni Marcus then tumango ako. Umiwas kami ng tingin kay Jenna pero nagulat kami nung tinutok niya yung tinidor sa amin "I think meron. Tell me, your secret is safe with me." seryoso siya. This is the first time I saw her with a serious face. Hindi bagay ang weird sa feeling. 

Kinuwento ko nalang. 

I told her that ate Nita is slightly similar to my ex-childhood best friend/ex-girlfriend, Jasmine. Her face, aura, and the way she talks.  The difference is that ate Nita is more outgoing. Though I'm not concluding that ate Nita and my ex is related, I just noticed that they have slight similarities. I haven't seen her for 3 years so probably she changed. 

"Pero Riley... ex and childhood best friend mo tapos hindi mo alam family background?!" tanong ni Jenna. 

"She's adopted but she knows who her parents are. She doesn't want to open up about it so hindi ko siya pinipilit. Pero nag open up naman siya, hindi lang about sa family. Very limited lang." 

"Bakit kayo nag break?" curious na tanong ni Jenna. 

"Same question actually," I said. 

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon