35

13 2 0
                                    

Who's Mi? part 35

"I never loved her, naipit lang ako sa sitwasyon kaya nangyari 'yon"

Binato ni Somi ang baso ng alak na hawak niya sa TV.

Somi: AHHHHHHH!!!!!!!

Pinagbabato niya ang lahat ng malapit sa kanya habang pinanood ang press conference ni Chaeyoung.

Somi: No! hindi yan totoo! Mahal niya ako!!!! Panaginip lang 'to, Somi gumising ka!

Sinampal sampal niya ang sarili at pinalo ang ulo na para bang gusto niyang gisingin ang sarili.

Somi: Hindi 'to totoo!

Mrs. Jeon: WHAT ARE YOU DOING!

Pinalibot ng ina nito ang tingin sa buong silid ni Somi. Nagkalat na bubog galing sa baso't alak, nakasalampak na kumot at unan sa sahig at sirang kurtina. Somi is also a mess. She hasn't sleep for two days and killing herself from consuming only liquors.

Mrs. Jeon: papatayin mo ba ang sarili mo!?

Somi: Yes! I don't want to live anymore! Chaeyoung...he said he never loved me...

Mrs. Jeon: Anak, calm down...

Somi: how can I !? kasalanan ito lahat ni Mina! Papatayin ko siya!

Mr. Jeon: you can't do that!

Somi: tingnan mo ang ginawa niya sa pamilya natin. You're raising your voice at me because of her! Hindi mo na ako mahal, dad. Siya na ang mahal mo!

Mr. Jeon: She's an asset, Somi. And an asset should be protected and you will bring her back to me!

Somi: NO! I HATE HER!

Mr. Jeon: HATE HER ALL YOU WANT BUT WE NEED OUR COMPANY BACK! GUSTO MO BANG LUMUBOG SA PUTIKAN!? GUSTO MO BANG MABAON SA UTANG!? YOU BETTER COME TO YOUR SENSE AND KNEEL ON ALL FOURS! BEG SOMI! YOU HAVE TO BEG THEIR FAMILY!

Somi's eyes watered. Hindi na talaga siya pinapahalagahan ng pamilya niya. napakaayos ng pamilya nila pero ngayon ay sirang sira na ang relasyon nila dahil kay Mina. Si Mina na nang ahas ng boyfriend ng iba at ngayon ay nagpapakasasa sa pagmamahal ni Chaeyoung. Siya ang niloko pero wala sa kanya ang simpatya. Mas mahalaga sa mga tao ang babaeng iyon na ilang araw lang nila nakita tapos siyang buong buhay niya ay kitang kita siya sa media, walang halaga.

Umikot ang paningin siya at nawalan ng malay. Walang pusong tinalikuran siya ng ama at ang ina nito ang nagpanic at nag asikaso sa kanya. Tinakbo siya sa ospital.

Ilang oras ang lumipas bago siya nagising. Naramdaman niya ang kamay ng mommy niya na nakahawak sa nakaswero niyang kamay.

Somi: M-mom...

Nagising ang ina at tumayo.

Mrs. Jeon: May masakit ba sayo? How are you feeling?

Somi: Feeling better, mom...

Mrs. Jeon: I'll just call the doctor. He has some explaining to do.

Tumango si Somi at umalis ang ina para tawagin ang doctor. Nakatitig lang siya sa puting kisame at parang naluluha na naman siya dahil sa pinagdadaaanan niya. Ngayon ay nakaratay siya sa ospital epekto ng paghihiwalay nila ni Chaeyoung at sirang relasyon niya sa pamilya, ano kayang ginagawa nito ngayon? baka masayang masaya na sila ni Mina...

Somi: How can someone be so cruel? Bakit niya ako inayang magpakasal kung may laman pa palang iba ang puso niya? ngayong bumalik ay balewala nalang ako?

Napatigil siya sa pag iisip nang pumasok ang ina kasama ang isang doctor at nurse.

Doctor: How are you feeling iha?

Somi: Okay naman doc. I feel better.

Doctor: that's good. I've done some test. You have a mild fatigue. You have to cut down alcohol intake, reduce stress, eat nutritious food and you really need to sleep well. You have to be healthy.

Hindi siya nakapagsalita. Lahat ng dapat niyang gawin ay hindi niya nagawa sa ilang araw na iyon. Hindi siya kumakain, hindi siya nakatulog, stress na stress siya at tanging alak lang ang naging karamay nya.

Mrs. Jeon: Thank you doc

Umalis na ang doctor. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto niya't pumasok ang daddy niya. seryoso pa rin ang itsura nito at alam niyang pagsasabihan na naman siyang lumuhod sa harap ni Mina.

Somi: I'll beg for her forgiveness...

Mrs. Jeon: Anak?

Somi smiled at her mom and nodded.

Somi: I will, mom. Just give me time to be healthy again.

Her dad finally smiles. Kung iyon lang ang tanging paraan para maibalik lahat sa dati ay titiisin niyang magmakaawa kay Mina kahit labag sa kalooban niya. mabigat man ay gagawin niya, para sa pamilya.

~

Mina's heart is fluttering and tripping over butterflies as she walks while clasping hand with Chaeyoung in the park. Napakaganda ng panahon, matingkad ang pagkaberde ng damo sa parke at puno ng batang naglalaro. May mga lobo ang bawat bata at napakaganda non pagmasdan habang nagtatakbuhan ang mga ito.

Mina: The weather is so nice...

Chae: yeah, so nice for proposal.

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin rito.

Mina: A-ano?

Humarap si Chaeyoung sa kanya at malawak ang mga labing nakangiti.

Chae: Can you promise me something?

Mina: W-what promise?

Chae: Promise me that you'll stay with me forever. Na kahit lumayo ako sayo ay hindi ka susuko.

Mina: I already fulfilled that promise. Hindi kita sinukuan kahit lumayo ka sa akin.

Chae: this promise is valid from now on and on. Walang expiration.

Natawa si Mina at tumango.

Mina: Sige, I promise that I will never give up on you.

Chae: promise?

Chaeyoung showed her a pinky promise and Mina's jaw dropped as she saw the ring on it. Naluluhang tumingin siya kay Chaeyoung at tanging tango lang ang nagawa nito.

Mina: Are you...?

Chae: Your promise will also be my promise.

Kinuha nito ang singsing at kinuha ang kamay niya.

Chae: Mina, ikaw ang babaeng bumaliw sa akin noong una palang kitang nakita. Ang lalaking handang ipagsigawan kung gaano ka kamahal. Ngayon, sana ay sagot mo ay oo sa pagmamahal kong panghabang buhay. Pangako, hindi na kita iiwan kahit ano pang mangyari. Kahit ano man ang dadating sa buhay natin ay mas pipiiin kita bago ang iba. Hindi na ako matatakot na ipaglaban ka, hindi na ako mahihiya sa sarili ko. mahal na mahal kita Mina, mahal na mahal.

Mina: C-chaeyoung...

Chae: Is it a, yes?

Basa na ang pisnge ni Mina at wala siyang pakialam kahit para siyang batang humahagulgol ngayon. parang may sasabog sa loob niya at hindi na niya alam paano ilalabas ang sayang nararamdaman.

Mina: Yes, Chaeyoung, yes asawa ko!

Malawak ang ngiti ni Chaeyoung dahil sa pagpayag nito at saka isinuot ang singsing na iyon. It was a diamond ring. A ring from 'Peridot & Spinel' that symbolizes a fresh start.

Niyakap niya si Mina ng mahigpit ay bumawi naman si Mina. Punong puno ng saya ang puso niya. finally, sa tamang tao na nagpropose si Chaeyoung.

Kasabay ng yakap na iyon ay ang pagpapalipad ng mga bata sa kanilang iba't ibang kulay na lobo sa kalangitan. Napansin naman iyon ni Mina at tumitig lang sa papalayong lobo.

Cahe: Just like the balloon, I am letting go my remorse. We should let go of the painful past that greatly affect our lives. A fresh start, Mina...let's do that together.

Chaeyoung cupped her face and kissed her lips. Mina moans in satisfaction and kiss him back. They can hear the children cheering and it sounds like a music in their ears.

To be continued...

Who's MI?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon