1

45 2 0
                                    

Who's Mi? part 1

"MINA, I LOVE YOU!"

Nagpatingin si Mina sa gawi ng boses na iyon. Narinig niya rin ang mga sigawan ng mga kapwa niya estudyante.

Mina: Sino ba yan?

Nayeon: Gaga, hindi mo kilala yan?

Walang kaide-ideyang tiningnan ni Mina ang lalaking nasa stage ngayon at may hawak na mic. Nakasuot ng pulang t-shirt at maong na pantalon at ang ngiti nito'y puno ng saya.

Nayeon: Siya si Chaeyoung Son ng kabilang section! Iyong nagbibigay sayo ng secret note every math class.

Mina: ah, you mean sa math book?

Nayeon: Siya nga!

Mina: Ah, para sa akin pala yon? Akala ko nasa libro na talaga yon.

Nayeon: Masyado ka namang studious! Okay na yung si Jihyo lang ang nerd sa barkada!

Tumingin silang dalawa kay Jihyo na kahit valentine's day ay nakauniporme at may hawak na maliit na encyclopedia. Mina and Nayeon are wearing colored shirt according to the status of their heart.

Red for "in love" or "in a relationship", yellow for "single and contented", pink is for "single but ready to mingle", black for "broken or basted", green for "friend zone", blue for "hopeless romantic" and white shirt or uniform for "KJ".

Nayeon is wearing a pink, ready to get locked up in a jail booth or get wed to anyone while Mina is wearing yellow shirt.

Jihyo: Wag niyo akong idamay sa ganyang usapan. Hindi pwedeng magpahinga ang utak ko.

Nayeon: Whatever! Basta ako ready na for anyone! Wala yatang hindi ko type dito sa Teudoong High School!

The whole school vibe is in love! Punong puno ng mga pulang puso an disenyo, mayroon pang tolda para sa iba ibang food stalls at souvenir. At syempre, hindi mawawala ang iba't ibang booth. Wedding booth, jail booth, dedication booth, pictorial booth, dance booth at marami pang iba.

"Mina, pwede bang pakasalan mo ako?"

Napatingin na naman sila sa stage. Nasa pinakadulo sila ngunit kitang kita ang stage.

Nayeon: Mag oo ka na, girl! Napakagwapo ng maliit na yan!

Mina: Hindi ko naman siya kilala.

Nayeon: Lahat nagsisimula sa strangers ano ka ba!

Jihyo: Wag mong pilitin si Mina. Mag aaral kam—

Nayeon: Hindi pwedeng magbigay ng opinion ang KJ, hmp!

Hindi nalang umimik si Jihyo at binigyan ng atensyon ang encyclopedia niya. Napatingin muli si Mina sa gawi ni Chaeyoung. Wala siyang ideya kung sino ito, at ayon kay Nayeon, ito ang nagbibigya sa kanya ng secret note sa math book na galing sa kabilang section na hindi naman niya alam na para sa kanya pala iyon.

Mina: Bakit ba ako gusto nyan?

Nayeon: Gaga ka talaga! Kung mukha ko lang ang mukha mo, aba! Jojowain ko lahat ng manliligaw sakin! Isa kang dyosa!

Mina: Nayeon naman...

Nayeon: Girl, mabait yang si Chaeyoung. Top student pa yan, simple ang buhay at napakagwapo pa!

Mina: Wala pa naman ako sa ganyang pag iisip e. Gusto ko muna makapagtapo---

Nayeon: Girl, makakapagtapos din tayo pero hindi naman masamang magboyfriend.

Jihyo: Nag B.I mo talaga. 2nd year high school palang tayo, 14 years old!

Nayoen: shut up!

Mina: Wag mo awayin si Jihyo. Di ka niya pakokopyahin sa exam bahala ka.

Who's MI?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon