25

19 2 0
                                    


Who's Mi? part 25

"Let's meet up tomorrow night, in my basement."

Parang kukulo na ang dugo ni Mina sa tuwing naaalala niya ang message ni Chaeyoung sa kanya. That message was 5 days ago! Ngayong gabi ang panglimang gabing naghihintay siya sa susunod nitong text.

Mina: Saang lupalop naman ang basement na yan? Tsk, iniindyan ang beauty ko! Paasa ka Chaeyoung! Paasa ka!

Naglupasay siya sa kama niya. Edi sana ngayon ay sa ibang kama na siya nakahiga ngayon! Naiinis siya dahil umasa siya. Umasa hindi maikama kundi makasama si Chaeyoung.

Noong araw na nagtext ito ay umiyak pa siya dahil pakiramdam niya ay unti unti na siyang nagtatagumpay sa goal niyang maibalik ang loob nito sa kanya at kumbinsihen na sa kanya makasal.

Pero ano? 5 days na siyang nasa kama niya pa rin. Naiinis na talaga siya sa kakaasa pero anong magagawa niya? Hindi niya ito macontact at mas naiinis siya sa ideyang uuwi na si Somi sa susunod na araw.

Napaigtad sya nang may kumatok sa pinto nya.

Mina: Who's that?
Sung Hoon: It's me, ate.
Mina: Oh, pasok

Umayos siya ng upo at bumukas na ang pinto. Pumasok ang kapatid nya na may dalang puting envelope.

Sung Hoon: Nasa mailbox.

Iniabot ito sa kanya saka agad lumayas. Lately ay hindi na siya kinakausap ni Sung Hoon, ano ba problema non? Hindi nalang niya pinansin ang kapatid at tiningnan ang laman ng envelope.

Mina: Reunion invitation? Bukas agad?

Binasa niya ang program na kalakip ng invitation at nakita ang magaganap sa reunion.

It was a black and silver pages. The black one has title "Drunk in Love" and the silver one is "Dance Like Crazy". Title palang ay naeengganyo na siya pero never pa siyang umattend ng High School Reunion. It was because Ji Ah is prohibiting her. No reunions are allowed for her to attend. At saka ayaw niya din dahil ayaw niyang daldalan siya ng mga chismosa niyang kaklase at kabatch kung bakit sila nagbreak ni Chaeyoung. That would hurt her because of that lame reason.

Pero this time ay aattend siya. Kapag hindi nagpakita si Chaeyoung sa gabing iyon ay sa ibang lalaki nalang siya gagapang. Ayaw niyang pinapaasa siya lalo na kung may pangako na itong binitawan.

Mina: Don't underestimate my beauty, Chaeyoung. Bago ka, marami ng nagtangkang ligawan ako.

Humiga siya sa kama at super nabobored na siya. Sa mga ganitong oras ay pumupunta siya sa Sard & Onyx pero hindi na siya makapunta ngayon dahil hindi rin siya papansinin ni Jeongyeon. Namimiss na niya ito, wala na siyang kausap. Namimiss na rin niya ang mga pabalang nitong sagot at makabagbag damdaming patama nito.

"Wag na wag kang lalapit sa akin kapag mas nasaktan ka dahil sa ginagawa mo."

Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang narinig niyang iyon. Ngayong unti unti na niyang nakukuha si Chaeyoung ay mas naaalala niya ang mga sinasabi ni Jeongyeon sa kanya noon. Normal lang bang masira ang pagkakaibigan dahil sa pakikipag-ibigan?

Mina: Wala na akong makausap...

Nayeon and Jihyo are busy teaching good manners to children while she is trying to do something unethical. Why does love so hard to reach? Why does loving someone can be this painful? Napakaraming masasagasaan kahit nagmamahal ka lang naman.

Tumaas ang balahibo niya dahil sa naiisip. Nakokonsensya na ba siya? Pero hindi pa siya nangangalahati, bakit agad siyang napapaisip?

Mina: Gusto ko lang naman magmahal...

Who's MI?Where stories live. Discover now