7

16 1 0
                                    

Who's Mi? part 7

"Sorry Ms. Somi I am not available today, something urgent happened."

Umirap si Mina at sumandal sa swivel chair. She's really annoyed about Somi. Sinapawan ba naman siya! Tuloy ngayon ay wala siyang ganang ituloy ang wedding gown design nito.

Tumingin siya sa maliit nyang opisina kung saan nakakalat ang kanyang mga gamit hindi lang sa pagsketch kundi pati na rin sa mga essentials nya bilang fashion designer.

Mina: Pagagalitan ako nito kapag hindi pa ako nagpass ng sketch draft ko. Bakit ba ito nag pinili ko!? Hindi naman ako magaling magdrawing dati, tsk.

Tumingala siya't naalala ang panahon na tinuturuan siya ni Chaeyoung na magdrawing dahil sinabi niya na pangarap niyang maging fashion designer pero hindi siya marunong magdrawing. Matyaga siyang tinuruan nito at kahit ilang beses niyang gustong sumuko ay hindi siya pinayagan nito. According to him, they are working for her dream. Little did Caheyoung know that he's becoming her world and only dream. And she'll stick where her heart wants.

Mina: I can't believe my sketching the wedding gown of his bride...

Sumusikip ang dibdib niya sa tuwing nasasampal siya ng katotohanan na sa iba ikakasal si Chaeng. Hindi pa rin siya makapaniwalang tatlong beses lang niya nakita si Somi at hiningi na agad ang kamay!

Mina: Mas maganda naman ako. Biglaan nga lang yumaman pero ako ang nauna! High school palang ay baliw na baliw na siya sa akin!

Umirap siya at para na siyang bubuga ng usok sa ilong. It doesn't make any sense, seriously.

Mina: Ngayon, ako naman ang baliw na baliw sa kanya. What the heck? Binaliw lang ba niya ako para habol habulin ko siya ng ganito? Hindi ko na nga siya nakikita ngayon pero bakit mahal ko pa siya?

Para siyang tanga na kinakausap ang sarili. It's been 5 years since she saw him. The last time was the time she met her mother, her long lost mother.

>>

Chae: Maghiwalay na tayo, Mina.

Mina is flabbergasted. They were in front of her house, excitedly went out because he told her that he's in front of her house.

Mina: Bakit ka nakikipagbreak sa akin? Anniversary na natin bukas tapos ngayon makikipaghiwalay ka? Magpasintabi ka naman, birthday ko rin yon!

Chae: Sorry Mina...hindi ko na kasi kaya.

Mina: Ang alin?

Chae: Ang tuparin ang pangako ko sa papa mo.

Mina: Na ano?

Chae: Pinangako ko na gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang ngiti mo at ang bigyan ka ng magandang buhay.

Mina: then why are you hurting me right now? My smile was gone minutes ago. And why are you rushing that "magandang buhay?". Hindi pa naman tayo mag aasawa o magkakapamilya para buhayin mo ako. I'm not your responsibility as of now.

Chae: Pero Mina, mahirap lang ako.

Mina: Mahirap din ako! Parehas lang tayo! Bakit ka nanliliit sa sarili mo? Englishera lang ako pero mahirap lang din ako.

Chae: Hindi ka mahirap, Mina.

Mina: Chaeyoung, ano ba yang sinasabi mo? Konti nalang talaga ay iiyak na ako. Totoo ba 'to? Hihiwalayan mo na ako?

Chae: Oo, maghihiwalay na tayo.

Mina: Hindi ako papayag!

Nagpandyak siya ng parang batang inagawan bigla ng laruan.

Who's MI?Where stories live. Discover now