Chapter 8

8 1 0
                                    

Third Person POV-

"NAG BALIK NA SIYA!, ANG MAHAL NA PRINSEPE AY NAG BALIK NA!"

Sigaw ng isang kawal at ang lahat naman ng nasa palasyo ay parang na taranta bigla, dahil hindi nila inaasahan ang pag babalik muli ng prinsepe.

Mabilis nakarating sa bawat sulok ng palasyo ang balita at lalong lalo na sa mayor doma ng palasyo. Na kasalukuyan ngayong nag mamadaling mag lakad para salubungin ang prinsepe.

"Bakit walang nag sabi sa akin na ngayon ang balik ng prinsepe!"

Galit na sabi ng mayor doma habang pababa ng hagdanan at kasama ang lahat na babaeng katulong sa palasyo.

"Hindi din po namin alam na ngayon ang dating ng prinsepe mayor doma Agnes".

Magalang na sabi ng isang babae sa kanyang tabi. Kita agad sa ekspresyon ng mayor doma ang inis at pagka seryoso nito.

"Wala na tayong magagawa kung di salubungin ang prinsepe ngayon".

Sabi nalang niya ng tuluyan na siyang makababa ng hagdanan at huminto para harapin ang mga katulong.

"Ngayong nagbalik na ang prinsepe, ayokong may tatamad-tamad sa inyong lahat, Maliwanang ba?"

Seryoso ang kanyang espresyon ng sabihin niya iyon sa lahat ng katulong.

"Opo, mayor doma!"

Sabay-sabay na sigaw ng lahat at nag simula ng pumesto at humilera para salubungin ang muling pag babalik ng prinsepe.

"Agnes"

Tawag ng isang lalake na pababa ng hagdanan at si mayor doma naman ay tinignan lang ito bago tumalikod. Nang tuluyang makababa na ang lalake ay tumabi ito kay mayor doma Agnes.

"Mister Noah, Alam moba na ngayon babalik ang prinsepe?".

Seryosong tanong ni mayor doma Agnes habang naka tingin lang sa naka bukas na malaking pintuan ng palasyo at iniintay ang prinsepe.

"Hindi, kahit ang hari ay hindi din alam na ngayon babalik ang pri-".

Na putol bigla ang sasabihin ni mister Noah ng biglang may pumasok na isang lalake na kung saan may napaka bigat na presenya at hindi mo nanaising tignan siya ng diretso sa kanyang mga mata

"Maligayang pag babalik, prince Leonard!"

Sabay-sabay na sabi ng mga katulong bago yumuko para mag bigay galang sa prinsepe. Si Prince Leonard ang panganay na anak ng hari at ang susunod na uupo bilang hari ng Azelea.

Nag umpisa ng mag lakad ang prinsepe at sa bawat pag hakbang niya ay ramdam ng mga katulong ang takot at kaba sa muli niyang pag babalik sa palasyo. Ng maka-lapit na siya kayna mayor doma ay yumuko naman si mister Noah at mayor doma sa prinsepe para mag bigay din ng kanilang pag galang dito.

"Maligayang pag babalik prince Leonard".

Magalang na pag bati ni mayor doma Agnes sa prinsepe at sabay nag angat ng kanilang mga ulo ni mister Noah.

"Si ama?"

Malamig na tanong ng prinsepe na agad namang sinagot ni mister Noah.

"Na sa kanyang opisina mahal na prinsepe at nais karing makita ng hari".

Magalang na sagot naman ni mister Noah. Hindi na muling nag tanong ang prinsepe at na una nang pumanik ng hagdanan. Sumunod naman kaagad si mister Noah at mayor doma Agnes na nasa likuran lang ng prinsepe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Prophecy Of Isabella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon