CHAPTER 5

12 0 0
                                    

"Sa wakas nandito na tayo"

Masayang sabi ni Lily. Sabay hila saming dalawa ni Amelia papasok sa isang malaking tindahan ng mga damit.
Nang makapasok kami ay may biglang lumapit sa aming isang babae.

"Magandang umaga sa inyo"

Magalang na bati samin ng babae at sabay yumuko.

"Magandang umaga din, anong mga bago niyo ngayon miss Anne?"

"Marami kaming mga bagong gawa ngayon lady Lily at tingin ko po ay babagay sa inyo".

Kita ko sa mukha ni Lily ang saya ng marinig niya iyon.

"Sige, pakita mo sakin"

Masayang ngumiti si miss Anne at tumango bago tumingin sa amin.

"Kayo po, baka may gutos kayong bilihin?"

Tanong niya saming dalawa ni Amelia.

"Mag titingin muna kami".

Sagot ni Amelia at tumango naman si miss Anne bago sila umalis at pumasok dalawa ni Lily sa isang pintuan.

"Hay nako mag tatagal na naman dito si Lily"

"Tignan mo naman kasi ang gaganda din ng mga gawa nila. Kaya talagang mag tatagal sya dito".

Sabay hawak ko sa isang pulang gown na naka suot sa isang mannequin.

"Lady Amelia"

Biglang lumingon si Amelia at humarap para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Lady Nadine"

Parang biglang bumagal ang pag hinga ko dahil ng marinig ko iyo. Naramdaman ko nalang namay humawak sa kamay ko kaya naman ay napatingin ako kung sino ang humawak at si Amelia lang pala.

Kita ko sa mukha ni Amelia ang pag aalala pero ngumiti lang ako sa kanya para sabihing ayos lang ako. Bago humarap para makita si Nadine.

"Nasaan si lady Lily bakit parang dimo kasama? at sino naman itong bagong kasa mo?".

Tanong ni Nadine kay Amelia. Bago ako tinignan at ganun din ang ginawa ng apat pa niyang mga kasamang babae.

"Kasama siya ngayon ni miss Anne at nanduon sila"

Sabay turo ni Amelia sa may pintuan kung saan pumasok sina Lily at miss Anne.

"Ito naman ang pinsan ko si I..."

"Inah!"

Malakas na sabi ko at sabay ngiti sa kanila. Dahil sa sobrang taranta nadin ay muntikan pang masabi ni Amelia ang totoong pangalan ko kaya inunahan kona siya.

"Ahh.. siya si Inah, tama diba Inah"

Pag sang ayon narin ni Amelia.

"Hahaha"

Sabay naming tawa ni Amelia. Pahina ng pahina ang tawa namin dahil marami din ang naka tingin samin ngayon.

"Mukhangang mag pinsan kayong dalawa, pero parang may kahawig ka Inah"

Biglang lumapit si Nadine sakin at parang pinag mamasdan ang buong mukha ko. Sa isipan ko ngayon ay nag dadasal akong wag niya sana akong  makilala muna.

"Lady Nadine"

Biglang tawag sa kanya. Kaya naman ay agad itong lumingon at tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tinawag siya kaagad ni miss Anne.

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now