CHAPTER1

36 3 0
                                    

Isabella POV

Nasa balkonahe ako ng aking kwarto at sa huling sandali ay pinag mamasdan kolang ang magandang tanawin sa labas. Napapikit ako at pinakiramdamang dumapo sa aking balat ang sariwang hanging.

"Isabella"

Narinig kong tawag sa akin sa labas. kaya napamulat ako at Napalingon kaagad ng biglang bumukas ang pintuan at nakitang pumasok sa aking silid si lola.

"Apo nalagay na sa karwahe ang mga gamit mo"

Lumapit agad ako kay lola at niyakap ito bago nagpasalamat.

"Salamat po lola"

Sinuklian naman din ni lola ang yakap ko bago unang humiwalay sa pagkakayakap sakin.

"Talagabang buo na ang desisyon mong bumalik duon apo?"

Tanong ni lola na may halong pag aalala sa kanyang boses. Hinawakan ko ang mga kamay ni lola at ngumiti sakanya.

"Opo lola buong buo napo ang desisyon ko at tyka ayos narin naman po ako kaya wag napo kayong mag alala sakin"

Huminga ng malalim si lola bago ngumiti sakin.

"Kung buo na talaga ang desisyon mo apo ay hindi na kita pipigilan. Basta parati kalang mag iingat apo".

Tumango lang ako bago kami lumabas ng aking silid . Habang pababa kami ni lola ng hagdanan ay nakita namin agad si lolo na nag iintay sa baba.

"lolo"

tawag ko at agad namang itong humarap samin. Bago pa kami makababa ng tuluyan ay agad niyang inalalayang makababa si lola.

"Apo handana ang lahat, Baka may naiwan kapa"

Umiling ako sa tanong ni lolo sakin.

"Wala napo"

"Kung wala na naman ay ihahatid kana namin sa labas"

Gayanga ng sabi ni lolo ay hinatid nga nila ako sa labas at pagkalabas nga namin ay nanduon din ang mga kasambahay na napalapit din sakin sa ilang taon kong pag tira sa bahay ng lola at lolo ko. Kaya naman ay agad ko silang nilapita at niyakap isa-isa.

Nung unang beses kong tumira dito ay talagang naging malapit na ang loob ko sakanila at malaki din ang pasasalamat ko sakanilang lahat dahil talagang hindi nila ako pinabayaan.

"Ate Clara, ate Jesse, manang Susan at Melinda, kayo napo bahala kayna lola at lolo"

Huling habilin ko sakanila bago umalis.

"Kamina bahala basta mag iingat parati"

Tumango ako sa sinabi ni manang Susan sakin. Kahit naiiyak ako ay pinilit kong ngumiti at niyakap sila muli bago punasan ang mga luha. Bago ako lumisan ay nag pasalamat muna ako sa lola at lolo ko.

"Maraming salamat po la at lo sa lahat ng ginawa nyo para sakin"

Taos pusong pasasalamat ko sakanila.

"Wala iyon apo kahit anong araw o buwan mo gustong bumalik dito ay wala namang problema"

Napangiti naman ako sa sinabi ni lola.

"Talagabang ayos lang sa iyong bumalik na duon?, at paano kung masaktan kana naman ?"

Tanong bigla ni lolo sakin. Kita kong nag aala si lolo para sakin pero sigurado akong ayos na ako at kaya konang bumalik.

"Opo lo ayos lang po at buo narin talaga ang desisyon kong bumalik sa Azelea. Kung anoman pong ngyari sakin sa Azelea ay kinalimutan ko na at ayaw konapong balikan pa".

Kalma kong pagkakasabi at tyka bago ngumiti.

"Basta mag ingat kalang palagi at kung magka problema kaman ay sumulat ka agad saamin".

Agad ko silang niyakap bago sumakay sa karwahe at kumaway para magpaalam na.

Maraming masasayang alala ang nabuo ko sa bahay ng lolo at lola ko na hinding hindi ko makakalimutan. Sa sobrang tagal kong nanatili sa kanila ay nag pasya narin ako bumalik sa Azalea kung saan ako lumaki.

Malaking lugar ang Azelea at pinamumunuan ito ng hari at reyna. Sila ang pinaka mataas sa lahat at may dugong bampira sila.

Dahil sa mataas at makapangyarihan sila ay sabay nilang pinamumunuan ang mga bampira at tao. Mahirap maging kasabayan ang may mga bugong bampira dahil ang iba sa kanila ay hindi mo magugustuhan ang ugali. Kahit ganun paman ay meron parin namang ibang mababait sa kanila.

Ipinanganak ang aking ama sa Azelea at aking ina naman ay sa Casentino kung saan ako tumira sa puder ng aking lolo at lola.

Hindi naging biro ang pinag daan ko sa lugar naiyon at kahit naaalala ko parin lahat ay unting-unti kong kinalimutan kung anoman ang ngyari sakin sa lugar na iyon.

Tahimik naman talaga ang nagi buhay ko sa Azelea pero nag bago ang lahat.
Dahil sa pangit na karanasan ko sa Azelea noon ay napag pasyahan ng aking mga magulang na ilipat ako sa puder ng aking lola at lolo na sina Alfredo at lizabeth Ventura. Na mga magulang ng aking ina.

Naging mahirap para saakin lisanin ang Azelea dahil maiiwan ko ang mga mahal ko sa buhay. Pero alam kong ito lang ang paraan na makakabuti saakin at hindi naman ako nag kamali dahil naging masaya ako sa ilang taon kong pananatili sa lolo at lola ko .

Nangako ako sa aking sarili na babalik lamang ako sa Azelea kapag ayos na ako at ngayong araw na ito ay babalik na ako para muli silang makasa.

Kahit may masakit akong nakaraan sa lugar na iyon ay handa konang kalimutan at mamuhay ng masaya kapiling ang mga mahal ko sa buhay.

Sana sa aking pag balik sa Azelea ay maging maayos na ang lahat at pinapanalangin ko sa buong may kapal na huwag mag tagpo ang aming landas. Dahil hindi ko alam kung kakayanin kobang makaharap siya muli.

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now