CHAPTER 6

13 0 0
                                    

Pinapasok niya ako sa isang silid na kung saan maraming mga kakaibang gamit ang naka sabit kung saan-saan. May makikita sa kisami o di naman kaya ay sa dingding. Gaya nalang ng mga maskara, manika at mga garapon na may lamang hayop o di naman kaya mga tuyong dahon at bulaklak.

Tanging nagiging liwanag ng silid ay mga kandilang naka sindin at naka palibot sa bawat sulok.

"Maupo ka"

Sabi ni ate Maria sakin at ako naman ay naupo sa upuang kanyang hinila. Napansin ko agad ang nasa harapan ko sa may gitna ng mesa ay may na tataklooban ng tela pero hindi ko alam kung ano ito.

Naupo narin si ate Maria at nasa tapat kona ngayon. Kasabay nito ang pag tanggal niya sa telang naka takloob at dito ko na nga nakita ang isang malaking bolang kristal.

"Gagamit tayo ng bolang kristal para malaman natin kung anong lalabas sa hula"

Sabi niya at sabay ikot ng kanyang mga kamay sa itaas ng bolang kristal. Hindi ko alam kung pinag loloko ba ako nitong si Ate Maria pero gaya nga ng sinabi ko sa aking sarili ay wala namang mawawala kung mag papahula ako.

"Ipatong mo ang iyong kanang kamay sa bolang kristal at bigkasin ang iyong pangalan"

Inangat ko ang aking kanang kamay at dahan dahan itong ipinatong sa itaas ng bolang kristal. Nang maipatong kona ng tuluyan ay huminga pa ako ng malalim bago binanggit ang aking pangalan.

"Isabella"

Biglang nag liwanag ang bolang kristal na ikinabigla ko pero naka patong parin naman ang aking kamay.

"Pwede monang alisin ang iyong kamay".

Dahan dahan ko namang inalis ang aking kamay sa bolang kristal pero hanggang ngayon ay maliwanag parin ito. Si ate Maria naman ang sumunod na nag patong ng kanyang mga kamay at kasabay nito ang kanyang pag pikit. Nag simula na siyang paikot ikutin ang kanyang mga kamay sa bolang kristal.

"Bolang kristal, ipakita sakin ang nais mong ipakita ng sa gayun ay malaman namin ang mga mangyayari palang o ang iyong mga babala".

Humina ng kaunti ang liwanag ng bolong kristal at kasabay nito ang biglang pag mulat ni ate Maria. Tinignan niya ako ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha bago ibinaba ang tingin sa bolang kristal.

"Sina sabi ng bolang kristal na mag kikita kayo muli at sa pag kikita ninyo muli ay may magaganap na pagbabago sa mga buhay ninyo"

Nag tataka kong tinignan si ate Maria dahil sino naman ang makikita ko muli?. Kaya naman ay agad akong nag tanong sa kanya.

"Sino naman po ang makikita ko muli?, may na banggit ba ang bolang Kristal na pangalan?".

Umiling ito bago sinagot ang aking tanong.

"Walang na banggit na pangalan ang bolang kristal pero ipinakita niya sakin na lalake ito".

Sabi niya at muling ipina Ikot-Ikot ang kanyang mga kamay sa bolang kristal. Habang ako namay ay nasa malalim tuloy na pag iisip dahil baka kababata o di naman kaya hindi ko kilala pero na kita kona dati. Sinong lalaki naman kaya ang makikita ko muli?. Sabi ko sa aking isipan at muli na namang nag tanong sa kanya.

"Nakita nyo poba ang itsura?".

Iling niya sa aking tanong.

"Hindi din ipinakita sakin ang mukha nito".

Ako namay ay sumuko narin na mag tanong sa kanya dahil wala talaga akong alam kung sinong posibleng lalake ang muli kong makikita.

"May sinabi pa muli ang bolang kristal".

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now