CHAPTER 7

9 0 0
                                    

Prince Cleon POV-

Pababa ako ng hagdanan ng may marinig akong umiiyak. Kaya naman ay dahan-dahan akong bumaba at sinilip kung sino ito.

Na kilala ko naman agad kung sino siya dahil parati ko siyang na kikitang umiiyak kung saan-saan at minsan panga ay na kakasalubung kopa siya pero hindi niya ako na papansin.

Hindi kona mapigilang lapitan siya ngayon. kaya naman ay bumaba na ako ng tuluyan at huminto sa kanyang likuran.

"Ayos kalang ba binibini?"

Tanong ko sa kanya at agad naman itong lumingon sakin at napa tayo bigla ng makita ako.

"Prince Cleon!".

Gulat na sabi niya at sabay punas ng kanyang mga luha bago yumuko sa akin.

"Hindi mona kaylangang gawin iyan, pero ayos kalang ba?, at bakit umiiyak ka dito?".

Unti-unti naman niyang inangat ang kanya ulo at tipid na ngumiti sa akin.

"Ayos lang po ako at pasensya na kung na kita nyo pa po akong umiiyak".

Kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya maayos ngayon at hindi ko mapigilang maawa dahil na kikita ko nalang parati siyang ganito.

"Anong pangalan mo?"

Tanong ko sa kanya dahil hindi kopa alam kung anong pangalan niya.

"Isabella po"

Magalang na sabi niya at sabay iwas ng tingin sa akin.

"Magandang pangalan lady Isabella"

Sabay ngiti ko sa kanya at na pansin ko agad ang biglang pag pula ng kanyang pisngi. Kaya naman ay napahagikhik ako bigla dahil ang ganda niyang tignan. Napababa bigla ang tingin ko sa kanyang tuhod dahil na pansin kong may sugat ito. Kaya naman ay nag aalala ko siyang tinignan at tinanong.

"Saan mo na kuha iyang sugat mo lady Isabella?".

Tanong ko at lalapit sana ako sa kanya pero bigla siyang lumayo. Na pansin ko ang biglang pagka taranta niya.

"Ahh..wala ito mahal na prinsepe, ayos lang po ako".

Agad kong hinawakan ang kanyang kamay at sabay hinila siya para sumunod siya sa akin. Kita ko naman sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit ko iyon ginawa.

"A-ano pong ginagawa ninyo mahal na prinsepe?"

Agad ko namang sinagot ang kanyang tanong habang hawak-hawak parin ang kanyang kamay.

"Kelangang magamot ang sugat mo at kahit sabihin mo pang ayos kalang lady Isabella ay hindi na mababago pa ang isip kong idala ka sa klinika".

"P-pero ayo-"

Bago pa niyang masabing ayos lang siya ay inunahan ko na siyang mag salita. Kaya naman ay napa tigil kami sa pag lalakad at hinarap ko siya.

"Walang pero-pero sa akin lady Isabella, kaya pakiusap sumama ka nalang sakin".

Mahinahon kong pakiusap sa kanya at hindi na naman siya muling nag salita at dahan-dahan na lang tumango sa akin kaya naman ay nag patuloy nalang kami sa pag lalakad at pumunta sa klinika ng paaralan.

Nang madala ko na nga siya sa klinika ay agad naman siyang ginamot at nang matapos ay lumabas narin kami dahil ayaw ni Isabella na mag tagal pa siya sa klinika.

Habang nag lalakad kami ay na isip kong tanungin siya.

"Saan mo na kuha ang sugat mo?"

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now