CHAPTER 3

23 3 0
                                    

"Isa"

Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay mama na nasa harapan kolang ng hapagkainan.

"Bakit po ma?"

Magalang na tanong ko.

"Bakit parati kalang nandito sa loob ng bahay?, lumabas kanaman kaya nak"

"Oonga naman nak. Kung puntahan mo kaya ang mga kaybigan mo"

Pagsang ayon ni papa kay mama na lumabas ako ng bahay at makipag kita sa mga kaybigan ko.

"Sige po mamaya lalabas po ako "

Wala na naman akong nagawa kung di ang ngumiti nalang at pumayag na lumabas ng bahay. Sa totoo lang ay gusto ko naman talaga bisitahin ang mga kaybigan ko pero natatakot lang ako na baka ayaw na nila akong makita.

Matapos kasi ng ngyaring insidente sakin ay hindi kona sila muling kinausap o sumulat manlang sakanila bago ako umalis sa Azelea dati. Panahon narin siguro para kitain sila at makahingi ng tawad.

Matapos kumain ay agad din akong nag handa at nag ayos lamang ng kaunti bago umalis ng bahay. Pababa palang ako ng hagdanan ng mapansin ko si kuya sa baba.

"Kuya!"

Tawag ko at agad naman ito tumingin sakin.

"Nandyan kanapala Isa, sabi ni mama sumabay kana daw sakin".

Tawag ni kuya sa palayaw ko at sabay ngumiti sakin.

"Saan kapala nagpunta kuya Michael?"

Tanong ko dahil hindi siya nakasabay saming mag almusal kanina.

"May mga kaylangang lang ako puntahan kanina tapos bumalik lang ako dito dahil may mga kinuha akong dokumento".

Paliwanag niya sakin at kita konga na marami siyang hawak na mga papel sa kanyang kamay.

"Tarana"

Pag aaya niya sakin at ako naman ay tumango sa kanya bago sumunod palabas ng bahay at sumakay kasabay niya sa karwahe.

Mag iisang linggo na ako dito sa Azelea at wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay kung di ang pumunta lang sa bakuran namin o di naman kaya ay mag kulong lang sa kwarto. Kaya magandang nakalabas din ako ngayon ng bahay.

Makalipas ang ilang minutong byahe namin ay nakarating din kami sa bahay ng isa sa mga kaybigan ko. Kaya nag pababa nalamang ako kay kuya sa harapan ng bahay bago nag paalam sa kanya. Agad din naming umalis si kuya Michael dahil may imortanteng lakad paraw siyang pupuntahan.

Ng makaalis na si kuya ay agad din akong nag lakad at nag tungo sa pintuan ng bahay. Huminga muna ako ng malali bago kinatok ang pintuan. Mga ilang sigundo lamang ay agad itong bumukas at bumungad sa akin ang isang matandang babae.

"Sino po sila?"

Tanong sakin agad ng matandang babae.

"Ako po si Isabella at hinahanap kopo si Amelia, nandiyan poba siya?"

Magalang na pag papakilala ko at pag tatanong narin. Nakita ko sa matandang babae ang pagkagulat kaya naman ay agad akong nag taka kung bakit.

"Ikaw naba iyan Isabella?"

Gulat na sabi niya sakin. Pinag masdan ko ng maigi ang mukha ng matandang babae at duon ko napag tagpo kung sino siya.

"Manang Agnes"

The Prophecy Of Isabella Kde žijí příběhy. Začni objevovat