CHAPTER 4

20 2 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng gubat ngayon at mag isa lamang. Nakahiga sa malawak na damuhan at pinag mamasdan ang asul na kalangitan habang pinakikinggan naman ang buong paligid. Gusto ko ang lugar na ito dahil tahimik lang at walang mang gugulo sakin.

Walang masyadong pumupunta dito dahil maraming nag sasabing may mga masasamang elemento daw ang nakatira sa gubat na ito. May mga kwento-kwento pa na may na matay narin dito sa gitna ng gubat na isang babae at ang pangalan ay Julia. Ang kinamatay daw nito ay isang misteryosong sakit na walang nakaka alam pero sabi ng iba ay nag pakamatay daw ito dahil sa nag taksil ang kanya lalaking minahal ng buo.

Kaya pagalagala daw ang kaluluwa nito sa buong gubat at ang gustong gusto daw nitong puntahan ay itong parteng gitna na ng gubat kung nasaan ako ngayon. Pero hindi naman ako na niniwala dahil alam kong panakot lang naman iyon samin ng mga matatanda at wala naman akong napapansing kakaiba.

Kahit gusto ko manatili dito ay hindi pwede dahil baka hanapin na naman ako ni kuya Michael at pagalitan. Kaya naman ay agad na akong tumayo at nag pagpag ng aking sarili. Bago sunod namang isinuot ang kulay asul na balabal ko.

Habang nag lalakad palabas ng gubat ay may narinig nalang akong mga ingay. Kaya naman ay agad ko itong hinanap para alamin kung saan ito nag mumula. Habang nag lalakad palapit sa isang masukal na parte ng kagubat ay buon ko nalang narinig ang mga tawanan.

Dahan dahan naman akong nag lakad at sinilip kung anong ngyayari.

"Sige bugbugin nyo lang"

Agad naman akong nag tago sa isang puno ng makita ang mga anim na lalaking may pinalilibutan at binubugbog. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil na tatakpan ito ng mga maskara.

Gusto kona sanang umalis na kaso na aawa ako sa lalaking binubugbog nila. Kaya naman ay nag hanap ako ng bato. Pero walang maliit at puro malalaki lang.

Kaya naman ay wala na akong nagawa kung di ang kumuha ng isa at bitbitin gamit ang aking dalawang kamay.

"AHHHHHH!!!!!"

Sigaw ko ng malakas at patakbong pumunta sa gawi nila. Agad naman silang nag sitigil at tinignan ako.

"TUMIGIL KAYO O IBABATO KOTO SA INYO! ".

Sigaw ko sa kanila at buong lakas kopang pag taas ng bato.

Agad naman silang nag tawanan. Nakita kong nag labas ng espada ang isa sa mga lalaking naka maskara at itinutok ito sa akin.

"Anim kami at mag isa kalang binibini, anong magagawa ng batong iyan kung mahina kanaman"

Agad namang nag tawanan sila ulit. Sa sobrang inis ko ay ibinato ko sa kanyang kaliwang paa ang batong hawak ko.

"AHH!!!...".

Sigaw niya at naibaba ang kanyang espada. Agad kong kinuha ang pagkakataon para makuha ang espadang nabitawan niya at inihawi ito para mag si atrasan naman sila. Kaya naman ay unti unti akong naka lapit sa lalakeng naka higa sa damuhan.

"Sige subukan nyong lumapit samin at talaga hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin kayo!".

Matapang na sabi ko at inayos pa ang pagkakahawak sa espada.

"Hahaha!!!"

Sabay-sabay nilang tawa at nakita ko namang nag labas ng espada ang lalaking nasa gawing kaliwa ko.

"Kung ako sayo binibini ay umuwi kana bago kapa madamay"

Pag babanta ng lalaking sakin at nag labas ng espada sabay ngumisi sakin.

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now