CHAPTER 2

28 3 0
                                    

Third Person POV-

"N-nasasaktan ako, pakiusap bitawan mona ako".

Maluha luhang pakiusap ng dalaga sa binatang nakahawak sa kanyang palapulsuhan. Maslalo lamang nitong hinawakan ng mahigpit ang dalaga at malamig lamang itong nakatingin dito.

Sa higpit ng kanyang pagkakahawak ay maslalo lamang napaluha ang dalaga habang pilit na nakikiusap.

Hindi makahingi ng tulong ang dalaga dahil walang kahit sinong nasa paligid nila. Alam din niya na kahit may taoman o bampira ang nasa paligid nila ay wala ding mag tatangkang tumulong sakanya.

"ANO BANG GUSTO MO AT PALAGI NYO NALANG AKO SINASAKTAN!!!"

Buong lakas na sigaw ng dalaga sa binatang kaharap niya at sabay bawi sa kanyang palapulsuhan.

"Ang mawala ka dito"

Malamig at walang emosyon nitong sabi sa dalaga.

"Ku-kung gusto molang pala akong mawala dito ay aalis naman ako. Pero bakit kaylangan nyo akong saktan?"

"Tsk' satingin mo masasaktan kaba kung wala kang kasalanang ginawa?"

Walang emosyong tanong ng binata sakanya. Sumagi bigla sa kanyang isipan ang pinaka dahilan kung bakit ngaba siya pinapahirapan nito.

"Dahil ba sa sinasabi ninyong lahat na sinadya kong itulak si Nadine sa hagdanan, tama ba? Siya ang nauna pero hinding hindi ko siya tinulak sa hagdanan. KAYA TIGILAN NYONA AKO!!!"

Aalis na sana siya ng bigla nalang siyang hatakin ng binata sa palapulsuhan at iniharap.

"ANO BA NASASAKTAN NA AKO!!!"

Buong lakas na sigaw ng dalaga at pilit na itinutulak ang binata pero wala siyang magawa dahil masmalakas ito kaysa sa kanya.

"Satingin mo papaniwalaan KITA! . Alam mobang dahil sa pagtulak mo sakanya muntik na niyang ikamatay iyon at satingin moba hahayaan kolang hindi siya IGANTI!!!"

Malakas nitong sigaw sa dalaga at kasabay nito ang biglang pag pula ng mata ng binata. Kitang kita ng dalaga ang galit at mabigat na presensya ng binatang nasa harap niya. Kaya takot ang kanyang nararamdaman dito ngayon.

"S-sinabi kona sayong wala akong kasalanan pero hindi korin ginustong masaktan siya, maniwala ka sana sakin pakiusap".

Tulak niya sa binata at unti-unting umatras dahil palapit ng palapit ang binata sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?, Lumayo ka sakin"

Pakiusap niya pero animoy hindi siya pinakikinggan nito.Kahit anopang pakiusap niya dito.Takot ngayon ang kanyang nararamdaman sa binatang nasa harapan niya dahil hindi niya alam kung anong pwede nitong gawin sakanya.

Napahinto nalamang siya bigla sa pag-atras dahil mutikan na siyang mawalan ng balanse. Dahil nasamay bulo napala siya ng hagdanan at isang atras nalamang ay malalaglag na siya.

Tumingin ang dalaga sa hagdanan at bigla nalang niya napag tanto kung anong gagawin ng binata sa kanya. Kaya agad siyang humarap at laking gulat nalamang niya ng nasaharapan na niya ang binata.

"Gagawin korin ang ginawa mo sa kanya".

Bulong ng binata sa tainga ng dalaga at malakas itong itinulak sa hagdanan.

Naramdaman ng dalaga ang pagtalsik niya at parang uniti unting bumagal ang pagalaw niya. Nakita niya kung paano siya pagmasdan ng binata habang nalalaglag sa hagdanan at ang ngiti nito sa labi.

The Prophecy Of Isabella Where stories live. Discover now