EPILOGUE

26 1 0
                                    

One year had passed, I can't explain how happy I am right now. Nag simula iyon sa katulong, hanggang sa nakarating ako rito sa buhay ni Dhrake.

Hindi ko pa siya sinasagot.

Ito kasi ang una kong beses na may manligaw sa akin, at gusto ko iyon patagalin upang makilala pa siya nang husto.

Sa loob ng isang taon, nakikita ko at napapansin kay Dhrake na palagi siyang nasa tabi ko, hindi rin siya nag sasawang mahalin ako sa araw-araw. Kaya niyang mangako gamit ang isang salita, at kaya niya iyon panindigan sa kaniyang mga kilos.

Kung sasagutin ko na siya, siya ang kauna-unahang kasintahan ko. Pero natatakot rin ako na paano kung hindi naman pala siya ang huli ko?

Hindi ko na alam.

Pero tuwang-tuwa ako sa kaniya at sa banda rin nila, mas lalo silang sumikat. Kapag lumalabas naman kami ni Dhrake upang gumala, pinalilibutan siya ng mga tao upang mag pakuha ng litrato, kadalasan pa jan ay mga babae. Pero natatawa na lang talaga ako kapag nakikita siyang ganoon, halos nauubos na ang oras namin para gumala at hindi na kami nakakagala minsan, pero ang ginawa ko ay tinutulongan ko 'yung ibang humahanga sa kaniya na kumuha ng litrato kasama siya.

Nagkaroon din siya ng renovation sa bar niya at pinalaki pa ito, kaya mas lalong dumami ang mga dumayo roon upang makinig sa mga kanta nila.

'Yung kompanya naman ni Dhrake ay mas lalo nang lumalago, at hanggang ngayon ay sekretarya niya pa rin ako.

Last month, tumugtog sila sa Cavite. Itong lugar na 'to ang pinaka paborito ni Sofia, hindi naman siya taga rito pero base sa sinabi niya sa akin, maganda ang Cavite.

Speaking of Theo and Sofia, wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa at hindi pa rin umaamin si Sofia kahit isang taon na ang nakakalipas.

Pinayuhan na namin siya ni Dhrake na umamin na, pero ayaw niya talaga. Kaya nanatili muna silang mag kaibigan ngayon, sana nga ay umamin na 'yung babaeng 'yon.

Habang tumatagal rin ay biglang nag sabi sa amin si Yusef na may kasintahan na siya, hindi rin namin inaasahan 'yon kasi puro lang naman siya kalokohan dati tapos ngayon may kasintahan na.

She's Veniz, I can't remember her full name, Veniz lang talaga ang naaalala ko. Sobrang ganda niya rin, para bang isa siyang diyosa na sobrang ganda talaga! Naiingit nga sina Fourteen, Clark, at Theo roon kay Yusef. Hindi rin kasi nila namalayan na may kasintahan na pala si Yusef at matagal na niya pa lang hindi sinasabi sa amin ito.

Tatlong buwan na raw sila, at sigurado akong mag tatagal ang dalawang iyon.

Si Fourteen, Clark, at Theo ay naka focus lang sa banda at sa mga negosyo nila sa buhay. Nakakatuwa rin silang makita minsan, inuuna nila ang kanilang mga pamilya at ang banda. Sigurado ako na napaka suwerte ng magiging kasintahan nila someday.

Sina Kira at Fira naman ay parehas na with high honor, dahil sa ginawa nila ay binili ni Dhrake at Sofia ang mga gusto nila. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko at nangako sila sa amin na pagbubutihin pa nila sa susunod. Ang bilis ng panahon, grade seven na sila this year.

Napapaisip rin ako kay Mama, kung na saan na ba siya at kung ano ang ginagawa niya ngayon. Gusto ko siya makausap, maraming tanong ang gusto kong i-tanong sa kaniya. Dhrake told me that I have to see her and talked to her para maging maayos na ang lahat.

Pero hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

I dialed her number pero cannot be reached palagi.

Sana makita ko ulit si Mama.






Gabi na at nasa balkonahe pa rin ako para mag isip sa nangyari kanina.

Tulog na silang lahat maliban sa amin ni Dhrake, nasa banyo pa kasi siya upang maligo, at sigurado ako na hahanapin ako nun para sabihan na matulog na.

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaWhere stories live. Discover now